Chapter 31: Truth

2.3K 33 0
                                    

"ikaw"

yan ang huling salitang lumabas sa bibig ni stun bago pa siya lumabas ng sasakyan.

Hindi ko maintindihan ang pangyayari....

Bakit parang may mali....

"sandali! Stun! Hindi ko maintindihan!" paghabol ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon kaya hinawakan ko ang braso niya pero nagpumiglas siya at akmang sasaktan ako.

Naiiyak ako sa nakikita ko.

Hindi ko akalaing magagalit muli siya ng ganito.

10 years ang lumipas...

Pero hindi ko pa rin nalilimutan ang mga nangyari noon.

"please stun iexplain mo sa akin ang lahat" malumanay na sabi ko.

humarap siya at

"anak mo si bobby, pinalabas lang ni solar na patay na ang anak mo para mapasakanya ka. binaliktad niya ang sitwasyon natin, spell niloloko ka ng taong pinili mo!" sabi ni stun.

"hoy! wag mong ginagawan ng kwento si solar! wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon stun! hindi ako naniniwala sa iyo!"

"edi wag kang maniwala! tutal mas naniwala ka naman kay solar noon palang diba?"

nasampal ko si stun.

"hindi mo alam kung gaano ako nahirapan! hindi mo alam kung gaano kasakit na kalimutan at iwan ka!"

"BAKIT? IKAW LANG BA ANG NAHIRAPAN HA? PINABAYAAN MO NGA ANG ANAK MO DITO EH! HINDI MO NA BINALIKAN, PANO BUSY KA SA PAKIKIPAGLANDIAN DYAN SA MANLOLOKO MONG BOYFRIEND"

hindi ko napigilan ang sarili ko at muli kong nasampal si stun.

"hindi ako nakikipaglandian stun. kung sana sinabi mo noon pa man na pinagseselos mo lang ako nung sinabi mong kayo na ni sabrina edi sana hindi mangyayari.ang lahat!"

hindi nakakibo si stun sa sinabi ko.

hindi niya ata talaga balak sabihin sa akin ang lahat.

"pero ngayon na alam ko na ang katotohanan, hindi na ako tanga para balikan ka pa. hindi na ako yung dating spell na kaya mong saktan at lokohin! kaya tigilan mo ako dyan sa drama mo! wag mong ipaako ang anak mo sa ibang babae dahil ang anak ko matagal ng patay."

"tama, nagbago ka na nga, hindi na nga ikaw ung dating spell na kilala ko, ibang iba ka na nga ngayon eh. siguro ang sarap ng buhay mo ngayon. wala kang probkema kasi nga iba ka na diba? naalala ko tuloy noong buntis ka, gustong gusto mong maging nanay pero ngayon parang ayaw mo na."

tuluyan nang umalis si stun sa harap ko.

hindi ko maigalaw ang katawan ko sa nalaman ko.

hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nabuhay ang anak ko.

hindi ko maintindihan.

Author's POV

naglakad si spell sa kalsada.

lutang at nagpapakabasa sa ulan.

hindi niya alam ang gagawin niya pero isa lamang ang nararamdaman niya.

nagagalit siya sa lahat ng tao.

nang makarating siya sa condo nila ni solar.

"bakit basang basa ka? saan ka ba galing?" tanong ni solar.

"sabihin mo sa akin ang totoo. totoo bang anak ko si bobby?" tanong ni spell.

hindi kumibo si solar,

at lumuhod sa harap ni spell.

umiiyak sa solar at paulit ulit na nagsosorry.

may ilang minuto rin bago naintindihan ni spell ang lahat.

at ng mapagtanto niya ang.katotohanan na anak niya si bobby.

agad siyang lumabas at tumakbo.

pinuntahan niya si stun sa office pero wala ito.

hinanap niya si stun kahit na sobrang lakas ng ulan.

basang basa na si spell.

at wala siyang kamalay malay na nakarating pala siya sa isang bar.

"excuse me? ung hard nga" sabi ni spell.

maingay sa loob ng bar.

maraming nagsasayaw.

maingay at magulo ang mga tao.

naglakad si spell patungo sa dance floor para makisayaw sa mga tao.

pero natumba siya sa sobrang kalasingan.

"spell!" sigaw ng isang lalaki na nakasalo kay spell.

"van?" sabi ni spell

"oo ako nga. tara umupo muna tayo." sabi ni van.

---------------------------

a/n: ayun! hahahaha nakaantok! kasi naman yang simbang gabi hahahaha anyways.... ayun medyo magulo ata itong chapter kasi inaantok talaga ako hahaha merry christmas! hahaaha gift ko ah! simple lang naman haaha make it 5000 reads hahaha simpleng regalo lang yan! haha may gift din kasi ako sa inyo.. .. pero sa 25 ko na ibibigay.. ayun thanks for reading!

falling for a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon