After 10 years...
"Doctor Spell, Katy Perry is here" sabi ng medical secretary ni spell.
"Let her in" sagot ni spell.
Pagpasok ni katy perry sa clinic ni spell.
"Spell! Gosh! I have a good news to you!" Masayang bati ni katy.
"What was that?" Tanong ni spell
"Here!, i am sure you're going to love this"
Inilabas ni katy ang isang brown envelope.
"Tickets? To philippines?"
"Yeah! You know how much i love to be there right?"
"Y-yeah so should we proceed to your weekly treatment?"
"Hey! Dont change the topic! I know you have a bad memory there, but move on! Its been 10 years!"
------------------------------------------------
10 years na rin ang lumipas at si spell, malaki na ang pinagbago..
Sumama siya kay solar sa america at doon, pinagaral siya ni solar ng dermatology at ngayon sikat na siyang cosmetic surgeon.
Bestfriend na si Katy Perry.
Nakilala niya ito noong kasalukuyan siyang nagpa-practice ng propesyon sa hollywood..
Nagiba ng linya si spell, accounting ang dati niyang course pero dahil sobrang hirap si spell sa pagmove on sa mga nangyari sa kanila ni stun kaya pinilit ni solar na magaral siya ng dermatology.
"Thanks spell! Gonna bring here some handsome guy next time!" Sabi ni katy.
"Stop it! I dont wanna date anyone"
"Yeah i know, you want to focus on your career what so ever.... cause you're too young.... blah blah blah......"
Pagalis ni katy..
-----------
Spell's POV
Phone rings....
"Solar bakit?" Pagsagot ko.
"Punta ka dito sa lobby ng hospital ko." Sabi ni solar
--------------
Agad naman akong nagpunta sa ospital ni solar.
CEO na kasi si solar doon
Pagdating ko sa ospital..
Hindi ko maintindihan kung bakit kulay pink ang buong ospital pero
One thing is for sure.. i havea bad feeling about this..
Nagpatuloy akong pumasok sa loob at
Bungungad sa akin ang malaking sulat na..
"Will you be my girl?"......
Napaluha ako ng makita ko ang lahat sa loob ng ospital na may hawak ng rose.
Nandoon sila jiro, dennis, V.I at marrie...
Nandoon din ang magulang ko pati ang iba ko pang kakilala..
Pero wala ang taong hinahanap ko..
Wala si stun.
Bakit nga naman siya pupunta dito?
Baka may pamilya na iyon ngayon......
Baka may asawa't anak na at masaya sila.
Hindi ko mapigilang hindi maluha lalo nang marinig kong kumakanta sa solar papalapit sa akin....
Mabait si solar.
Ginawa niya ang lahat maka-move on lang ako kay stun.
At matagal na rin kaming laging magkasama.
Marami na rin kaming pinagsamahan.
Kaya hindi ko maikakaila na gusto ko na rin siya...
Hinawakan ni solar ang kamay ko at tumingin ako sa kanyang mga mata.
Puno ito ng pag-asa na sasagutin ko siya ng 'oo'
Ayokong mapahiya siya lalo na, mukhang talagang pinaghandaan niya ang lahat.
"Yes" sagot ko
At lahat ng tao sa ospital ay nagsigawan....
Nagsimula na ang party at lahat masaya..
Niyakap ko si solar at nilapitan kami nila jiro...
"Congratulations... medyo matagal na nagintay si solar sa iyo pero finally ready ka na ulit" sabi ni jiro.
"Thanks.. hinihintay ko lang naman na magsabi siya" sagot ko.
"Spellandra! Mag-usap tayo! I reallly miss you" niyakap ako ni V.I ng mahigpit at itinulak siya ni solar papalayo.
"Chill ka lang! Matagal kong inintay ito! Wag mong yakapin!" Sabi ni solar
"Sorry!" Sagot ni V.I
-----------------------------------
Pumunta kami sa balcony..
"Ano ba iyon?" Tanong ko
"Mahal mo ba si solar?"
"Why are you asking me like that?"
"Just answer me! Mahal mo ba si solar?"
Hindi ako nakakibo.
"What about stun?" Tanong ni V.I
"What's with him?" Natatawa kong sabi
"Paano na siya?"
"Ewan ko! Wala naman na akong alam tungkol sa kanya"
"Yeah, you are now into solar"
"What do you mean?"
"Siya na ang mahal mo at hindi si stun..."
"So what if ganon nga?"
"I just want you to know something."
"What?"
"10 years ago, you know na may girlfriend stun that time right?"
"Yeah?"
"The truth is, si sabrina, its not his girlfriend, its his half sister"
Nabitawan ko ang hawak kong baso.
"Okay lang kayo?" Tanong ni solar.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n: nakakaloka ang nangyayari hahaha, bakit nandyan si katy perry? Hahahaa ako nagsusulat tapos ako rin ang nagtatanong.... hahahaha medyo magulo ba? Well fast forward na kasi at ganito ang nangyari... si epal na solar dinala si spell sa america kagaya ng request ni spell tapos dahil hirap si spell magmove on... pinag-try ni solar si spell ng different type of living, ang pagiging plastic surgeon and everything was great. Naging successful si spell sa larangan ng pagpapaganda at dahil dito nakilala niya si katy perry. tapos ung ibang tanong ninyo masasagot sa next chapter. Tapos guys baka bihira ako makapag-UD kasi finals na namin next next week... pero i'll try my best not to keep you hanging.... alam kong mga atat kayo sa climax haha well dipindi yan sa daloy ng storya at dipindi din pala sa mood ng writer haha.....thanks for reading!
BINABASA MO ANG
falling for a monster
RomansaIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...