Prologue
---Iyon ang araw na pinakahihintay ni Darlo. Everything was perfect. Lahat ng dapat imbitahan ay imbitado. Kabadong-kabado pa siya noon. Excitement raw iyon sabi ng kaniyang daddy na si Don Miguel Lorenzo, the president of Lorenzo group of companies.
Sa apat na lalaking magkakapatid ay siya ang panganay na anak. Siya nga raw ang susunod na tagapag mana ng Don ngunit hindi kayamanan ang hanap niya.
His happiness. And that is only Via Millandres. His bride-to-be.
"Yow." inakbayan siya ng kapatid na si Alex. Ikalawa ito sa kanya. "You look tense, bro. Chill ka lang. Baka mamaya mahimatay ka roon." He laughed.
Bumuga siya ng malalim na buntong hininga. "I'm just too excited, bro."
"Okay lang 'yan. Relax yourself. Ilang oras na lang at magma-marcha na tayong lahat."
"Yeah." He smiled.
"Hey! How are you, brother?" Niyakap naman siya ng ikatlo niyang kapatid na lalaki, si Sandro.
"I'm fine. Medyo kinakabahan lang ako."
"Medyo pa talaga, huh?" Natatawamg wika ni Alex. "Eh halos kanina mo pa niluluwagan iyang necktie mo."
"Shut up, dude." Inismiran niya ang kapatid.
"You look good, don't worry. Ate Via will surely be impress to you." Sabi ni Sandro na kumuha ng ilang papel sa may ibabaw ng mesa na naroon.
"Thanks, bro. Buti ka pa mabait." He pouted his lips.
Na ikinatawa pang lalo ni Alex. "Shit bro! Stop that! You're already twenty nine for Pout's sake!"
"Shut up! Alam mo bang ito ang asset ko kay Via?"
"Woah! Really?" Tawa pa rin ng tawa si Alex. Binatukan naman ni Sandro ang kapatid. "Sandro!" Sambit ni Alex sa pangalan nito.
"Huwag mong awayin si kuya. Kasal nya ngayon." Sabi nito.
Sa kanilang apat, ito ang pinaka-mabait, malambing at mapagkakatiwalaan. Napakasipag rin nito at napaka-masayahing tao.
Si Alex ang pinaka-makulit at palabiro. Siya naman ang pinaka-kalmado, na hindi umuubra ngayon. At ang bunso nila?
"Wait, where's Ram? Tinawagan ko na 'yun ah. Ang sabi ko pumunta rito e." Sabi ni Alex na sinipat pa ang cellphone.
"Malamang sa malamang, nakasuot nanaman sa kanya ang protective gears nya." Ani Sandro.
"No way! He can't wear that inside the church!" Nag panic naman siya.
May sakit ang kapatid nila. Not the typical one. He had an Obsessive-Compulsive disorder since his eight years old. At palala ng palala ngayong binata na ito. They do have treatments pero ayaw nito.
"I swear to God, if he wore those things---" hindi na niya natapos ang sasabihin nang may pumasok sa loob ng silid kung nasaan sila.
"What kuya? What will you do?" Si Ramon, na walang suot na kahit anong gear gaya ng face mask, gloves or plastic bags na isinusukbit nito sa ulo.
"Oh my! Look at this little prince." Sabi ni Sandro at inakbayan ang kapatid.
"I'm not a prince, kuya." He coldly said. Tumingin ito kay Darlo. "By the way, I'm happy for you kuya Darlo. Best wishes."
Carlo smiled. He walk towards Ramon and hugged him. "Thank you, Ram."
"Okay! Group hug na this!" Sigaw ni Alex at nagyakapan nga ang magkakapatid.
---
Ilang minuto na lang at magsisinula na ang marcha pero wala pa rin ang bridal car. Kinabahan siya. Hindi naman siguro tumakbo si Via.
No. That can't be. We both planned this day. Pinilit niyang iwaksi sa isip niya iyon.
Sa mga nobela at pelikula lamang ang mga may runaway brides. Alam niyang hindi ito gagawin ni Via.
Sampung minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin si Via. Aligaga na ang wedding coordinator at ang mga kaibigan nila na imbitado sa kasal. Even his parents. At mas higit lalo siya.
"Did you already contacted her, anak?" His mom said.
Umiling siya. Hindi pa nga niya natatawagan ang babae. Agad niyang dinukot ang cellphone sa bulsa. Din-ial ang number ni Via.
But he was shocked when he heard the system answered his call. Out of coverage ang babae.
"Mom, I don't have a good feeling." He nervously said. "I need to go where she is."
"Pero anak..."
"Mom, stay here." Sabi nya. Tinawag si Alex. "Alex! Halika! Susunduin natin si Via."
"Alright!" Agad naman itong lumabas ng simbahan. Humalik pa ito sa pisngi ng kanilang mommy.
"Babalik din kami, mom. Gusto ko lang makatiyak na okay sya." He said and kissed his mom in the forehead.
Magaling na car racer si Alex kaya ito ang pinagmaneho nya. Hindi talaga siya mapakali. May mali. Pero sana mali ang hinala niya.
WHEN they got there, sa lugar kung nasaan si Via, agad silang pumasok sa loob. Kilala naman sila ng mga guwardiya.
Pero....walang Via na nagpakita sa kanya.
Tinanong nya ang mga receptionist na naroon. Ang sabi lamang ng mga ito ay kagabi pa ito umalis. May pinuntahan. Hindi na ito bumalik at walang pinasabi na kahit ano.
Laglag balikat na napa-ulo si Darlo sa sofa na naroon. Sapo-sapo ang kanyang ulo.
Bakit? Bakit ginawa iyon sa kanya ni Via? He loves her. He gave everything to her. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal nya para iwan siya nito?
Maraming tanong na hindi masagot. Maraming sakit ang idinulot nito sa kanya.
---
As the years pass by, he became a beast. A total beast. Hindi na sya nagseseryoso sa lahat ng bagay. Lalo na sa babae. He avoided a lot of women. He hates them all.
Kung cold si Ramon, mas cold na siya dito. Halos magalit na siya sa mundo.
Kinamumuhian niya si Via.
Hindi siya papayag na hindi ito mag durusang katulad niya. Kailangan niyang maghiganti.
See you soon, my ran away Via Millandres.
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night