Chapter 2
"FINALLY!" Nag-inat-inat pa si Alex nang makalabas ng kotse. Nakarating na rin sila ng Manila kahit pa naipit sila sa heavy traffic.
"Mom!" Sigaw ni Darlo nang makita ang ina na nasa gilid lamang ng kailang garden. Malapit kasi iyon sa gate ng bahay.
"Oh my! Is this really my Darlo? Oh my gosh! Come here anak! I missed you!" Agad namang sinalubong ng yakap ni Darlo ang ina na halos maiyak nang makita sya.
"Kuya!" Biglang lumitaw sa kung saan si Sandro kaya't napamura sa gulat si Alex.
"Finally, nakita ka na ulit namin, kuya." Kasama nito si Ramon na nakasuot ng kapote na transparent at may bota pa. Ang wirdo talaga ng kapatid nilang ito.
"Na-miss ko kayo." Nilapitan niya ang dalawa at niyakap. Natawa naman ang kanilang ina.
"O s'ya, let's go inside. Nag handa ako ng makakain doon." Pagka-sabi noon ay sumunod na sila sa ina. Umakbay pa si Darlo sa kanyang ina.
MAAGANG-maaga pa lamang ay nag handa na si Via para sa kaniyang pag pasok sa trabaho. Nilagyan lamang niya ng lipstick ang kaniyang labi at nag pulbos lamang ng kaniyang mukha. Naglagay rin siya ng hair clip sa kanyang mahabang buhok. Presentable naman siyang tingnan kahit walang masyadong kolorete sa mukha. Mas gusto pa nga niya ang simple kaysa ang makulay ang mukha niya.
Sumakay siya ng jeep upang makapunta sa opisina ni Chad at saka bumaba sa may kanto lang ng building ng kompanya. Inayos lamang niya ang kanyang sarili saka pumasok sa loob.
HINDI naman nahirapan si Via sa pagtatrabaho sa opisina ni Chad. Maraming mabubuting empleyado sa loob at mabait si Chad sa kanya. Pero kapag oras ng trabaho ay 'sir' niya ito.
Hanggang mag tagal na nga siya ng isang buwan sa kompanyang iyon. Madalas siyang tawagan ni Enrico at kinakamusta siya. Lalo na ang mga anak niyang sina Jimmy at Darren na hindi pumapalya sa pag tawag sa kaniya.
Naging maayos naman ang paglipat niya sa condo unit ng kapatid na babae ni Chad. Friendly ang kapatid ni Chad at nakapa-lagayang loob niya ito. Kailangan kasi nitong umalis ng bansa dahil mayroon itong trabaho sa Japan. Isa itong animator. Kaya naman sa kaniya muna pinaubaya ang unit.
Sinabi naman niya na magbabayad siya. Nahihiya siya sa mga ito dahil napakbuting mga tao ng mga ito. Pumayag naman ang mga ito at kahit na paunti-unti lamang raw ang kaniyang ibayad.
Alam na rin ni Enrico na lumipat siya sa unit ng kapatid ni Chad. Sinabi pa nga niya ang address niya dito. Natuwa naman ito at baka raw bisitahin pa siya kapag nakaluwag-luwag na sila.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Darlo. Kakaunti lang ang nakuha niyang balita kina Alayna at Sofia.
Ang sabi pa noon ni Alayna ay: "He changed a lot, Vi. Kung noon, napaka-sweet nya at napaka-bait, ngayon isa na siyang halimaw sa paningin ng lahat. Isa sa mga amiga ko ang kasalukuyang nagtatrabaho sa kanya, and I can't believe na may nasaktan na s'yang employee n'ya!"
Hindi niya alam kung dapat ba niyang sisihin ang sarili o hindi. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari kay Darlo.
Hanggang magbalik sa kanyang ala-ala ang binata...
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night