Chapter 4
HINDI mapakali si Via at agad na tinawagan niya sina Chad at ang kambal niyang kaibigan na sina Alayna at Sofia. Umiyak pa siya sa mga ito dahil sa sobrang pag aalala sa anak. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanyang anak na si Darren.
"We will do everything to find your son, misis Serdad." Sabi ng pulis na hiningan nila ng tulong. Ninong ito ng kambal na sina Alayna at Sofia.
"Ninong, please do everything. Nag aalala ako sa anak ng kaibigan namin." Sabi ni Sofia.
"Babalitaan ko kayo kapag may balita na sa kanya." Sabi ng may edad na pulis.
"Sir, pwede po bang hanapin nyo na sya ngayon?" Sabi ni Via.
"Hindi pa natin alam kung saang parte ng Maynila siya nagpunta. Kailangan pa nating ipaalam ito sa kinauukulan. Hindi ganoong ka-dali ang gusto mo, misis." Patotoo ng lalaki.
Wala nang nagawa si Via. Nagpahiram si Chad at ang kambal ng pera upang makauwi sina Enrico at Jimmy. Tatlong araw mula ngayon ay luluwas pa-Maynila ang mag ama. Tutulong ang mga ito upang hanapin si Darren.
---
"DUMATING na ba ang mga supplies?" Tanong ni Mrs. Lorenzo sa kanyang mga tauhan. Ngayong araw kasi ay nagpadeliver sya ng mga school supplies upang ipamahagi sa mga nasa bahay ampunan.
"Maya-maya pa raw ho ma'am. Na-stranded ho kasi e. Pero sabi ho ng pahinante darating na po sila." Sabi naman ng sekretarya ni Doon Miguel. Tumango-tango naman si Mrs. Herma Lorenzo.
Naroon sila sa opisina ng asawa niya. Kasama si Darlo na kanina ka busy sa pag busisi sa mga business proposals ng ama.
Sa totoo lang, nagi-guilty siya para sa anak. Limang taon na ang nakakaraan mula nang mag hiwalay ito at ang nobya na si Via Millandres.
May kasalanan silang mag asawa. And they admitted that.
Hindi nila sinabi kay Darlo... Na nagdadalang-tao noon si Via. At alam nilang anak ito ni Darlo.
"Love." Tawag sa kanya ng asawa. "Is there something wrong? You are so quiet. Why is that?"
She sigh. Niyakap ang asawa. "Naaalala ko si Via, love. Hindi ko alam kung ano na'ng nangyari sa kanya after niyang umalis. Ramdam ko pa rin ang galit ni Darlo sa kanya."
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night