Chapter 21

6.9K 152 5
                                    

NASA loob ng isang madilim na gusali si Via. Napapalibutan ang pader ng mga kadena. Mayroong maninipis na usok na tingin niya'y galing sa sigarilyo na nakalutang sa hangin. Nasaan siya?

Hanggang may biglang humablot sa kaniya. Sa sobrang takot niya ay napatili siya.

At iyon ang hudyat na magising si Darlo mula sa pagkakatulog.

"Via? Babe! Wake up!" Niyugyog niya ang babae.

Napa-singhap si Via. So, she's just having a nightmare. Nanginginig pa siya nang magising. Bumabalik nanaman ang ala-alang iyon sa kaniya. She looked at Darlo who's very worried now.

"Are you alright? Anong nangyayari? May masakit ba sa'yo? Tell me..." Hinaplos nito ang kaniyang buhok. Tila ba pinakakalma siya.

"Natatakot ako, Darlo...." She said.

She hugged him tight. He hugged her back. "Shh.. Everything is fine. It's just a dream..."

***

WALANG kibo si Via habang nasa harap ng hapag. Napansin iyon ng Doña. Tumingin ang ginang sa asawa nito. Napa-kibit balikat naman ang Don.

"Are you not feeling well, Via?" Tanong ng ginang.

Natauhan naman si Via. Napatingin sa ginang. "Okay lang po ako. Wala lang po akong ganang kumain."

"You want something else, babe? Magpapaluto ako." Darlo said.

Hinawakan niya ang mukha nito. "Mas gusto ko sanang matulog.."

"Oh, pregnancy syndrome." Nakangiting wika ng ginang.

"Alright. Maybe you should rest for awhile. Babantayan kita." Sabi ni Darlo na tumayo na mula sa kinauupuan.

"'Di ba may business meeting ka ngayon? You should be there, Darlo. Kaya ko naman na ang sarili ko." Sabi niya.

"But..."

"I'm fine, babe. I can handle myself. Kailangan ka rin ng trabaho mo." She smiled at him.

Napa-buntong hininga naman si Darlo. Parang ayaw pa nitong iwan siya.

"I'll take care of Via. Don't worry." Sabi ng mommy ni Darlo at kinindatan pa ang anak.

Darlo smiled. "Okay. Thanks mom." He looked at Via and kissed her forehead. "Maaga akong uuwi."

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon