Chapter 7
KANINA pa natapos ang dinner nilang mag anak ngunit wala pa rin si Alex sa bahay. Nagtataka man, hindi na inintindi ni Darlo ang kapatid. He is older enough to handle himself.
Basta ang mahalaga ngayon ay katabi niya si Darren. Ewan ba niya pero ang gaan-gaan ng loob niya sa bata. Malambing ito. Kanina nga lang ay kinuhanan siya nito ng gatas. Sabay si lang uminom niyon. Tapos ay minasahe ng maliit nitong mga kamay ang balikat niya. Though hindi naman naibsan ang sakit niyon, mabisa namang pang tanggal pagod.
Mabilis itong nakatulog. Ang sabi nito'y sanay itong katabi ang kapatid nitong Jimmy ang pangalan. Mas matanda ito ng isang taon kay Jimmy. Halata kay Darren ang pagiging concern na kuya nito.
He remembered Via again. Hindi pa rin talaga naalis sa isipan niya ang dating nobya. Alam niyang kailangan niya itong patawarin, pero nasaktan siya. Nilamon siya ng pighati.
Nagdusa siya. Nawalan ng ganang magtrabaho. Isa sa mga kumpanya niya ang nalugi at tuluyang nai-benta sa iba. He felt like he's a big failure. Nawala ang lahat sa kanya, maging ang puso niya. Tinangay lahat iyon ni Via nang iwanan siya nito. At hanggang ngayon ay galit na galit siya dito.
But, on the other part of him, he is still longing for her. He still hoping to see her again. To hug her. To kiss her. To love her. And yo be love by her. Pero, mukhang imposible na iyon. Its been five years. Limang taon. Paniguradong may bago na ito. E siya? Heto at binabalik-balikan ang mga ala-ala nila.
Years ago...
He was in third year college when he met Via Jane Millandres.
Maganda, matalino at mabait. Iyon ang mga katangian ni Via. Madalas itong nakatambay sa library. Nakikita niya itong nagbabasa ng mga history books. She's a beautiful nerd.
Hindi naman sa torpe si Darlo, pero napanghihinaan siya ng loob kapag nasa malapit si Via. He feels like, anytime, hindi siya nito kakausapin. Baka ma-intimidate ito sa kanya dahil isa siyang Lorenzo. Isa kasi ang pamilya nila sa sponsor ng unibersidad. At nahihiya ang ilan sa lumapit sa kaniya.
But, he was wrong...
There was a time nang magkaroon ng debate ang bawat year at isa sa mga kalahok si Darlo. He didn't notice Via sitting next to him. Ang iniintindi lamang niya noon ay ang debate. Kailangan manalo ng batch nila para magkaroon ng insentives.
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night