Chapter 18
MAAGANG nag gayak si Via kinabukasan. Napag-usapan kasi nila ni Darlo na bibisitahin nila ang kaniyang ama sa hospital. Pumayag naman ito.
Mas nauna siyang nagising kay Darlo. Bumaba siya upang magluto sana ng pagkain nang may marinig siya mula sa kusina. May kumakaluskos. Dahan-dahan niya iyong nilapitan at doon ay nakita niya ang isang babae.
Si Radelyn!
"Radelyn?" Lumapit siya sa babae.
Lumingon ito. "Ay, good morning ateng! Gander ng gising natin ah? Sarap ba?" Nginitian siya nito.
Natawa naman siya. "Good morning din."
"Kayo ha. Nag jugjugan kayo sa sofa, ano? 'Yong mga damit nyo nasa lapag pa kanina." Natatawa nitong sambit. Nag blush naman si Via. Hindi na niya namalayan iyon.
"P-pasensya ka na..."
"Ito naman. Walang kaso sa akin 'yon. Mukhang nagkaayos na kayo ni fafa Darls. Happy na si akembang." Pinatay nito ang stove. "Tarabels na. Tom Jones na akiz. Nagluto na ako ng lafur para 'di na kayo maabala."
"Salamat." She smiled at her. Ngayong alam na niyang hindi ito nobya ni Darlo, mas na-appreciate niya ang pagiging friendly nito.
"Rady?" Nadinig niya ang isang baritonong boses mula sa likuran niya. Nang lingunin nya ay si Darlo na naka-sando at boxer lang. "Good morning, babe." Bati nito sa kanya at lumapit pa sa kanya. Hinagkan siya sa labi.
"Ay! Shet! Bold!" Pabirong tinakpan ni Radelyn ang mga mata.
Natawa silang pareho sa inasal ng babae. "Let's eat na. Para maaga tayong makapunta kay dad." Sabi ni Darlo.
"Dad?" Takang tanong ni Via.
"' Di ba pupunta tayo sa dad mo?"
"Ah. So, dad na ang tawag mo sa kanya?" Natatawang turan ni Via.
"Oo. Soon to be misis Lorenzo ka naman na e." Kinindatan pa siya ng lalaki.
"Shutainames! Nilalanggam na ako dites! Hala! Lumafang na tayels at nang maka-alis na kayo!" Tawa sila ng tawa habang tinunutungo ang sala.
---
NANG makarating sa hospital na kinaroroonan ni ginoong Millandres ay agad na nagtanong sina Via sa nurse. Ibinigay naman nito ang numero ng silid ng matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night