Chapter 10
"SORRY Vi," inabot ni Chad sa kaniya ang isang brown envelope. "Pinakiusapan ko naman ang kliyente na ako na lang ang pupunta kaso, gusto daw talaga nya ang sekretarya ko e. Sayang kasi iyong offer nya...kaya..." Napatungo ito.
She smiled. "Ayos lang. Ako na ang bahala upang ma-i-close ang deal."
Chad looked at her and smiled. "Thank you, Vi!"
SHE took a deep breath bago tuluyang makapasok sa Serenity Resto Bar. Maganda ang lugar at halatang pang mayaman. May isang waitress na bumati sa kaniya at tila alam na nito na siya ang parating. Agad siyang iginiya patungo sa table kung saan naghihintay ang isang lalaki.
"Sir, you're client is here." Pagkasabi niyon ng waitress ay tumango lamang ang lalaki. Nginitian siya ng waitress at iniwan sila.
"Miss Millandres, have a seat."
Napanganga siya nang makita ang mukha ng lalaki. Si Darlo! Nakasuot ito ng business suit at pormal ang pagkakatitig sa kaniya. Nilabanan niya ang pagkabog ng dibdib niya. She faked a smile.
Pretend Via! Pretend! Business 'to. Oo tama. Kastigo niya sa kanyang sarili. Ipinaghila niya ang sarili ng upuan.
"Good morning, Mr. Lorenzo." Do I sound nervous? "Ako po ang secretary ni Mr. Napoleon---." Inilahad niya ang palad. Inismiran lang ito ng lalaki.
"Yeah, right." Walang ganang wika nito. Umupo na siya dahil hindi naman tinanggap ni Darlo ang palad niya.
"So...ahm, Mr. Lorenzo, Mr. Napoleon and I have a propo---"
Naputol ang sasabihin niya nang tawagin ni Darlo ang waiter. "I'm hungry. Hindi pa ako nag aalmusal. You want to eat first?"
Kahit gutom mula pa kagabi, bahagya siyang umiling. "No thanks, sir. Kumain na po ako "
Mataman siyang tiningnan ng lalaki at nakita niya ang galit sa mata nito. "Your husband cooked for you? Oh, yeah." Matapos um-order ay umalis na ang waiter.
Awkward silence. Iyon ang nananaig sa kanilang pagitan. She tried to talk about business pero umiiwas ito.
"Sir, we can proceed to the business----"
"Drop the formalities, Via. You can still call me Darlo like you used to before." Pinagdiininan nito ang huling pangungusap. Nag uuyam na tiningnan siya nito habang tahimik siyang nakatingin sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Her Secret Affair (Completed)
General FictionThey were lovers, a very lovable lovers... And then one day, she left him with no reasons at all. What if they'll meet again? Will their love come back again? Or will it bring disasters and heartbreaks? Note: Mature Content. By Mr. Night