Chapter 20

7.2K 153 8
                                    

Chapter 20

HINDI madali ang pagbubuntis. Kahit noong nagdadalang-tao siya kay Darren ay hirap na hirap siya. Mukhang dumoble nga lang ata ngayon.

"Good morning, babe." Bati sa kaniya ni Darlo. Naka-business suit na ito at papasok na sa trabaho.

Hindi man lamang siya ginising upang asikasuhin ito. Ibig bang sabihin niyon ay ayaw nitong asikasuhin niya? Hanggang ngayon kaya'y galit pa rin ito sa kanya?

Na-upo siya sa kama. Lumapit si Darlo at hinagkan siya sa noo. "I need to go to work, babe. Ako nang bahala sa mga bata. First day of school nila."

She even forgot that! First day na first day of school ay hindi siya ang maghahatid sa mga anak nila? Bakit parang malas ata ang araw na ito sa kanya?

"Hey, are you alright?" Alalang tanong sa kanya ni Darlo.

"Oo naman. Sige na ako nang bahala dito." She stood up and went to the bathroom.

"Bye, babe!"sigaw ni Darlo mula sa labas.

He did not even say 'I love you' to her. Mukhang inaalagaan lamang siya ng lalaki dahil sa buntis lamang siya. Hindi nga ito nagpo-propose. Mukhang tama nga ang hinala niya. She sobs. Silently.

***

"GOOD MORNING, ATE!" Ram greeted her nang makababa na siya mula sa itaas. Nakasuot ito ng jacket at may gloves nanaman ang mga kamay. May bonet pa at face mask. Up until now hindi pa rin ito ganoong ka-buti.

"Magandang umaga rin." She tried to smile.

"What do you like to eat? Ano ba'ng pinaglilihian mo ate?" Sabi nito.

"Mangga. Iyong matamis na mangga." Nahihiya siyang magsabi pero kanina pa niya gustung-gustong kumain ng hinog na mangga.

Tinawag ni Ram ang isa sa mga kasambahay. "Hey, ponytail."

Napatingin siya sa kasambahay na tinawag nito. Cute ang babae. Maliit lamang ngunit cute ang mukha nito. Singkit ang mga mata at nakapusod ang buhok nito. Mayroon pa itong blue na ribbon sa ulo. Mukhang ginagaya nito si Cinderella.

"Yes, sir?" Lumapit ito at nginitian siya. "Good morning po ma'am."

She smiled at the cute lady. Mukhang kasing-edad lamang ito ni Ram. "Good morning din, miss."

"Buy her some fresh mangoes. Now." Ramdam ni Via ang coldness ni Ram nang sabihin iyon. Mukhang ayaw nito sa babae.

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon