Chapter 11

7.5K 196 4
                                    

Chapter 11

SECRET AFFAIR...

Iyan ang unang naisip ni Via nang pumayag siya sa gusto ni Darlo. May asawa siya at hindi niya maaaring sabihin ang kaniyang gagawin. Sounds like she's having an affair, right?

Walang imikan ang dalawa habang nasa byahe sila. Hindi niya kayang kausapin si Darlo. Ni hindi niya ito matingnan man lamang. Nasasaktan man ang puso niya sa pagpayag sa kagustuhan nito, mas tatanggapin naman niya iyon kaysa makitang mas lalo pang mahirapan si Enrico. Ngayon pa't alam na niya ang kalagayan nito, hindi niya hahayaan si Darlo na saktan ito.

Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Marami siyang nais ikwento kay Darlo. Marami siyang gustong isumbong dito. Pero, ni isa ay hindi lumabas sa kaniyang bibig. Mas pinipili na niya ngayon ang manahimik.

Mas gugustuhin ko pang manahimik kaysa masaktan sa sasabihin ng lalaking minamahal ko....

"We're here." Biglang salita ni Darlo. Doon lamang natauhan si Via. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng isang mansyon.

Nanlaki ang mga mata niya. "B-bakit tayo...nandito?" Kinabahang wika niya.

"Huwag ka'ng matanong, Via. Remember? I am your master." Pagkuwa'y lumabas na si Darlo sa loob ng kotse at hindi man lamang siya pinagbuksan. Nagdire-diretso ito papasok sa mansyon.

Sinalubong ito ng personal butler na si kuya Raynold. Trenta y nuebe anyos na ito ngayon. Kilala niya ang lalaki dahil palaging ito ang kasama noon ni Darlo sa pagpasok sa school. At kasama ito ng lalaki sa mansyon. Pamilya na nga ang turing ng mga Lorenzo sa lalaki.

Pinagbuksan nito ang pintuan para sa kanya. "Magandang umaga po, ma'am." Nginitian siya nito.

Nginitian rin niya ang lalaki at lumabas ng kotse. "Salamat po, kuya Ray. Huwag ninyo na ho akong tawaging 'ma'am'. Katulad na ninyo ako... Nagsisilbi na ho ako kay D-Darlo..." Nahihiya pa siyang titigan ang lalaki. Nakangiti pa rin ito habang tumatango.

"Via! Let's go!" Sigaw ni Darlo mula sa loob. Tumalima siya at nagpaalam kay kuya Raynold.

Nakita niyang nasa main door na si Darlo at hinihintay siya habang nakakunot ang noo. Hindi niya ito pinakatitigan dahil naiinis siya dito.

Natigilan lamang siya nang mamataan ang isang batang lalaki na naglalaro sa may sala. Nakatalikod ito sa kanila ngunit kitang-kita niyang nakasakay ito sa kotse-kotsehan. Halos maiyak siya dahil alam na alam niyang kumilos ang anak na si Darren. Natutop niya ang bibig at naramdaman na lamang ang pag agos ng kaniyang mga luha.

"Baby!" Tawag ni Darlo kay Darren. Agad na napalingon ang bata.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Sa una'y hindi ito gumalaw. Ngunit, unti-unti itong ngumiti.

"Mommy? Mommy!" Tumakbo ito palapit sa kaniya. Ibinuka niya ang kanyang mga bisig at niyakap ang anak. Mahigpit siya nitong niyakap.

"Mommy! I missed you! I love you!" Napaluha ang bata.

Hinaplos niya ang likod nito upang tumahan. "Shhh... Tahan na, baby ko. Na-miss ka din ni mommy..."

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon