CHAPTER SIX
ATW European Cruise.
Year 2009.
NAPANGITI si Prince nang sa pagmulat ng mga mata niya ay nabungaran niya ang natutulog na si Trisha. Mabilis na dumaan ang mga araw at ngayon na nga ang huling araw nila sa cruise.
Naging sobrang saya nilang dalawa ni Trisha lalo na pagkatapos nang pagpunta nila sa Eiffel Tower. Nagkaaminan na rin sila na mahal nila ang isa't isa. And last night, they made love and he's just so glad that he was her first.
Dahan-dahan siyang bumangon at umupo ng kama. Pagkuwa'y tinitigan niya ito at marahang hinahaplos-haplos ang buhok nito.
Napagdesisyunan niyang tanggapin na ang gustong mangyari ng lolo at ng Dad niya. Kukunin niya ang tungkulin ng pagiging CEO ng Aguilar Comforts. Sa Pilipinas. Para naman masundan niya si Trisha doon at mapagpatuloy nila ang nasimulan na nilang relasyon.
He lightly caressed Trisha's cheeks when he heard his cellphone rang. Inabot niya iyon sa side table at sinagot.
"Hello?" pagsagot niya habang dahan-dahang bumabangon.
"Prince."
"Dad? Napatawag po kayo?"
"Nasa Spain ka na, hindi ba?" tila nagmamadali ang tono nito.
"Opo. W-Why, Dad? Is there anything wrong?"
Napabuntong-hininga ito. "Lana was been missing for three days already, Prince."
"What?!" bulalas niya. Napalingon siya kay Trisha dahil baka nagising ito pero mahimbing pa rin itong natutulog. Mabilis siyang tumayo at sinuot ang kanyang bathrobe.
"Pero, nahanap na siya. The problem is, kailangan na may magkumbinsi sa kanya na bumalik dito at ipagpatuloy ang chemo niya."
Napakunot-noo siya. "Diba, tapos na siya ng chemotherapy?" Ang alam niya natanggal na ang cancer cells sa utak nito, six months ago, dahil sa success ng pagki-chemotherapy ng kapatid niya.
"Prince... na-diagnose a week ago na bumabalik na naman ang cancer cells sa utak niya at kailangan nang maagapan ulit iyon. Naka-shedule na si Lana sa isa pa ulit na surgery. But, I think you're sister is too upset. This is the third time na bumalik na naman ang cancer cells."
Napapikit siya at nakaramdam ng lungkot para sa kapatid. Maghihirap na naman ito sa mga chemo nito, at muli na naman itong haharap sa surgery. Alam niyang hirap na hirap na si Lana, pero hanggang sa gumagaling ito, alam nilang tuluyan na nitong mapupuksa ang brain cancer. Kaso nga, traydor ang sakit na iyon, babalik at babalik iyon.
"Where is she?" nanghihinang tanong niya.
"She's there. Sa Spain. That's why I called you. Kanina lang namin nalaman na nandyan siya. Nasa isa siyang cathedral diyan. Siguro iyong sa pinakapaborito niya. Puwede bang hanapin mo siya, Prince? Bring your sister home and convince her to continue fighting," his father said in a broken voice.
"Yes, Dad."
Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad siyang bumalik ng cabin niya at nag-ayos. Inayos na rin niya ang kanyang mga maleta para mamaya pagbalik niya ay kukunin niya na lang. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa cabin ni Trisha.
Yumuko siya at masuyong ginawaran ito ng halik sa labi. Alam niyang puyat ito dahil sa nangyari kagabi kaya ayaw niya na itong gisingin.
Naghanap siya ng papel at nang makakita ay sinulatan niya iyon.
My princess,
Wait for me, okay? May aasikasuhin lang ako na importante.
![](https://img.wattpad.com/cover/9083991-288-k422501.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)