CHAPTER NINE
"TRISHA," tawag ni Prince rito. She just finished performing for her finals which is a piano recital. Pinanood niya ito kanina at mas lalo lang siyang humanga sa babaeng ito. Mas lalong minahal ni Prince. Hulog na hulog siya kapag si Trisha.
"Ano?" bored na tanong ni Trisha habang binubuksan nito ang pinto ng sariling kotse.
"Sa Monday na ang simula ng rehearsals. Natanggap mo naman ang message ni Ma'am Salvador, right?" paalala niya rito. Hindi niya pinahalata na excited siyang makasama ito sa bawat rehearsals. Baka mag-freak out na naman ito.
Nasapo nito ang noo. "Bakit ko ba nakalimutan iyon?"
"So, any plans?" tanong niya muli.
Nilagay muna nito ang bag at bouquet ng flowers sa loob ng sasakyan nito, bago siya muling harapin. Siya ang nagbigay niyon dito na ilang beses muna niyang kinulit bago nito tanggapin. "Plans?" nagtatakang sabi nito.
"Well, I know that you hate seeing me. Pero pabor talaga kasi sa'kin ang destiny kaya lagi kitang magkikita sa rehearsals," nakangiti pang sabi niya. "So, wala ka bang plano para sa arrangement natin tuwing rehearsals? Because, I'm pretty sure that you don't want to give Ma'am Salvador a headache kapag nakikita niyang ayaw mo sa'kin."
Napapikit si Trisha at hinilot-hilot ang sentido nito.
Agad niya itong nilapitan. "Hey, are you okay?" he softly asked her.
"Puwede bang bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, Duke? Magtsa-charge lang ako ng energy para masupalpal ulit kita, ha?"
He chuckled. "Okay. So, that means na magkikita tayo bukas?"
"No," anito. "Let's just talk over tha phone."
"Mas maganda kung magkikita tayo."
"At bakit?" she snapped. Halata na ang pagod sa mukha nito pero sige pa rin ito sa pagtataray sa kanya. Napakaganda talaga nito!
"Para mas malinaw kung anong mapag-uusapan natin."
Nag-isip ito sandali at pagkuwa'y napabuntong-hininga.
"Okay," sumusukong sabi nito. "Let's meet tomorrow. Ngunit mangako ka na tungkol lang kay Ma'am Salvador ang pag-uusapan natin. Maliwanag ba?"
He shrugged. "Bahala na. Basta ang importante makita kita bukas."
Trisha made a face and he just laughed. Sumakay na ito ng kotse nito.
"Good night, Trisha."
Winasiwas lang nito ang kamay bago sinara ang pinto ng kotse nito. Yumukod siya at kumatok siya sa bintana.
Binaba naman nito iyon. "What?" naiinip na sabi nito.
He smiled at her. "Drive safely."
"You don't have to say that," naka-irap na sabi nito.
"But I wanted to. Just as much as I wanted to say that I love you." Before she could say anything, he hurriedly kissed her on the forehead.
***
AFTER eating breakfast with her parents, Trisha took a bath, dressed herself, and all prepared to go to church. Mabilis naman siyang nakarating sa CCF or Christ's Commission Fellowship. Iyon ang pangalan ng Christian church kung saan siya bagong nagsisimba. Two months ago lang nang ayain siyang doon magsimba ni Agatha. Maganda doon, lalo na ang service at worship kaya naman nagustuhan niya doon. Doon na din nagsisimba ang parents niya pero mamayang hapon pa ang mga ito pupunta.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomansaDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)