Chapter Thirteen

99.4K 2.3K 216
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"TRISHA!" muling saway ni Prince rito.

Pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtawa kahit na mukha na talaga itong tanga... hanggang sa napansin niya ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.

"Trisha..."

"Sa araw-araw na nakikita kita lalo akong nagagalit. Sa araw-araw na nakakasama kita, mas naiinis ako. Sa araw-araw na..." her voice broke this time. "S-Sa araw-araw na nginingitian m-mo 'ko... sa s-sobrang sweet mo sa'kin, mas l-lalo akong n-nasasaktan."

Suddenly, Prince can't utter any word nor can't make a move.

"Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako, Duke! Damn you! Nagagalit ako sa'yo. Galit na galit ako sa'yo!" she shouted.

Her eyes were full of tears yet straightly looking at his... and it's stabbing right through his chest.

"K-Kasi..." pagpapatuloy nito. "ang dali-dali sa'yong sabihin kung gaano mo 'ko kamahal." Tinakpan nito ng mukha ng mga kamay. "Pero, ako... kailangan ko pang itanggi sa sarili ko iyon, kasi... iniwan mo 'ko kung kailan, kailangan na kailangan kita! Mahal kita, eh! At nasasaktan pa rin ako. Sobrang nasasaktan pa rin ako!"

"T-Trisha..." he said in a broken voice. This is the confrontation they never had.

"I cannot stay close to you, Duke! Dahil kahit gaano pa kita kamahal, mas masakit iyong nangako kang babalik, pero di mo ginawa!"

Nag-angat na ito ng tingin sa kanya. Matalim ang mga tingin habang basang-basang ang mga mata. "You're a big coward! Duwag ka!" sigaw nito sabay malakas na hampas sa dibdib niya. "Duwag ka! Sabi mo mahal mo 'ko, pero iniwan mo 'ko! Tapos bigla kang babalik at sasabihin na namang mahal mo 'ko? Tapos tatanungin mo sa'kin kung bakit ako galit? Nagagalit ako dahil mahal na m-mahal pa rin kita..." Tuluyan na itong napahagulgol. "Pero a-ayoko na... ayoko nang mahalin ka, Duke... Pagkatapos nang pag-iwan mo sa'kin noon, ayoko na!"

Si Prince naman ay nanghihinang binaba ang mga kamay at tila hindi na makahinga. Napayuko na lang siya at napapikit. Sa iyak nito ay nanghihina na siya, at sa sakit na naririnig niya sa tono nito ay mas nasasaktan siya.

Tinulak siya nito nang malakas. "Puwede bang huwag mo na lang ako kausapin kung hindi lang tungkol sa play na ginagawa natin? Will you please stay away from me, Duke? Hindi ka naman na siguro mahihirapan doon. Kasi nagawa mo namang lumayo sa'kin ng apat na taon," huling sabi nito bago mabilis na sumakay ng kotse nito.

Nanatilis siyang nakayuko at nakapikit hanggang sa marinig niya ang pag-alis ng kotse nito.

Nag-angat siya ng tingin at siya na lang ang nag-iisa sa madilim na parking lot na iyon. Bagsak ang mga balikat na sumakay siya ng kanyang kotse.

Hinugot niya mula sa kanyang bulsa ang cellphone niya. He hastly dialled his friend's number.

"Prince?" sagot ni Reeve sa kabilang linya.

"Hey, I need a drinking buddy," diretsang sabi niya. Pagkuwa'y sinubsob niya ang ulo sa manibela. "And this may sound less manly, but I want to cry my heart out."

***

"I'M PREGNANT, Duke."

Tila nabato si Prince sa kinatatayuan niya sa sinabing iyon ni Trisha.

"Duke?" nag-aalalang sambit ni Trisha

Napalunok siya. Ano ba? Ano bang gagawin niya? Was he oblige to say something? Napalunok na naman siya at nagsimulang pagpawisan.

Dear Baby - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon