CHAPTER FIFTEEN
PRESENT time...
"Hi, Trisha! This is Lana."
"Oh! Lana! Ikaw pala 'to, napatawag ka?" tanong ni Trisha sa kabilang linya nang isang umaga ay tumawag sa kanya si Lana. Katatapos niya lang mag-inat inat ng tumunog ang telepono niya at si Lana pala ang tumawag.
"We will be needing your help. Ikaw kasi ang pinakamalapit kay Agatha and you know what can make her happy."
"Ah. Para saan naman 'yan? Matagal nang tapos ang birthday ni Agatha, ah?" nagtatakang tanong niya. Naglakad siya papunta sa kanyang walk-in closet at naghanap ng komportableng damit na isusuot para sa huling rehearsal sa drama club ng araw na iyon.
"Reeve's planning grand for his birthday. His planning 'grand' for Agatha. And we need your help kasi naisip niyang sorpresa sana iyon para sa asawa niya," anito.
"Oh, really?" biglang nasasabik na usal niya. Hininto niya ang paghahanap ng damit. "Nako, for sure, matutuwa si Agatha kahit ano pa 'yan. Sandali, nasa Hong Kong ngayon si Reeve, di'ba? Ang alam ko may business conference siyang pinuntahan sabi ni Agatha."
"Yes. We are in Hong Kong."
"We? Kasama ka?"
"Nasakto lang rin na parehas pala kami ni Reeve na pupuntahang conference. Dapat si Prince ang pupunta pero may mga ginagawa nga siya and also, dahil sa drama club, kaya ako na lang pinapunta ng lolo namin at saka nila Dad."
"Ah, okay. Ano na bang plano?" natanong niya.
"Ayun nga. Hindi pa rin namin alam kung anong surprise ba ang dapat gawin. Kaya mag-isip pa tayo. Aasikasuhin natin iyon pagbalik namin ng Pilipinas. Sabi ni Reeve, since lahat naman tayo ay marunong ng 'acting', matatago naman daw siguro natin kay Agatha ang surprise," natatawang sabi nito.
Natawa rin siya. "Oh, sure, sure! Just call me kapag nakabalik na kayo. Di'ba you'll be here naman na sa party ni Ma'am Salvador?"
"Yup! Uuwi kami sa mismong araw at makakarating kami sa mismong gabi ng party. So, tawag na lang ulit ako. Long distance 'to. Mahal."
"Nako, mayaman naman kayo," natatawang sabi niya rito. "Okay, iisip din ako ng puwedeng i-surprise kay Agatha. I'll call you, too, kapag may pwede na 'kong ma-suggest. Nga pala, saan mo nakuha ang number ko?"
"Kay Prince, siyempre? Kanino pa ba?" nanunuksong sabi nito. "Pati nga number sa bahay niyo, binigay sa'kin at pati telephone numbers ng restaurants niyo."
"Stalker talaga 'yang kapatid mo. Pagsabihan mo nga na tigil-tigilan ako," nakasimangot na sabi niya nang maalala ang nangyari nung isang araw pagkatapos ng dress rehearsal nila. Kahit anong sabihin niya para mapalayo ito ay patuloy pa rin ang paglapit nito sa kanya.
Lana chuckled on the other line. "Alam mo, Trisha, kapag determinado si Prince, hindi talaga 'yan susuko kahit anong gawin mo. Sa totoo lang, ito ang unang beses na makita ko kung gaano ka-determinado si Prince sa'yo. So, you know, it won't hurt if you'll give it a try once more."
Napailing-iling na lang siya. "It's not that easy. Siguro naman, alam mo ang kalokohan ng magaling mong kapatid more than four years ago, di'ba? You can't just give another chance to a guy that left his pregnant girlfriend."
Sandaling natahimik si Lana sa kabilang linya. Hindi niya sinasadyang magtaray pero hindi niya lang rin talaga maiwasang hindi maalala ang nakaraan kapag si Duke na ang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)