Chapter Ten

129K 2.2K 162
                                    

CHAPTER TEN

"MA'AM SALVADOR!" masayang bati ni Trisha sa ginang saka mabilis itong niyakap. Iyon ang unang araw ng rehearsals.

"Oh, Trisha! Ikaw na ba 'yan?" di-makapaniwalang sabi nito habang gumaganti ng yakap.

Nakangiting humarap siya rito. "Of course, Ma'am! The one and only!" pa-cute niya pang sabi sabay pose.

"Lalo kang gumanda, hija," puri nito sa kanya.

Siyempre, napangiti lalo siya. "Kayo naman, Ma'am, ang honest niyo pong talaga!"

Tumawa ito. "Hala, sige, mamaya na tayo magkuwentuhan. Pumunta ka na sa rehearsal studio at may kukunin lang akong gamit sa faculty."

"Samahan ko na po kayo," prisinta niya.

"Nako, hija, huwag na. Mabilis lang ako. Pumunta ka na sa rehearsal studio at nandoon na ang buong casts and team."

So, nandoon na si Duke. "Ah... s-sige po."

"Oh, by the way! Sabi sa'kin ni Prince na magkakilala pala kayo," anito.

Nagpantig ata ang tainga niya. May usapan ba sila ni Duke na sasabihin nito kay Ma'am Salvador ang tungkol sa kanila?

"Po?"

"He said that you're acquaintances. Not really close pero okay na rin iyon. At least mabilis lang kayong magiging kumportable sa isa't isa."

Nakahinga naman siya ng maluwag. Buti naman at matino ang sinabi ni Duke. The truce was really on.

"O, sige na, tumuloy ka na doon."

Tumango siya at saka dumirteso na sa hall kung saan may two-door swinging doors sa dulo. That's already the reherasals studio for the drama club.

She took a deep breath before entering the big room.

Pagpasok niya ay marami na ngang tao doon. Mostly mga estudyante pa dahil mga naka-uniform pa ang mga ito. Medyo maingay sa loob dahil nga crowded iyon. But still, kahit maraming tao, maluwag pa rin ang studio dahil totoong napakalaki niyon. The studio has a wooden shiny floor perfect for dancing and mirrors all over the wall. Ang tanging gamit lang doon ay mga monoblock chairs na nasa isang gilid. Nakita niyang properly installed ang sound systems at lightings sa kisame. Sa dulo ng malaking rehearsal studio ay makikita ang isang pasilyo papunta sa props room.

Napangiti siya nang ilibot ang tingin sa kuwartong iyon. Masarap talagang bumalik ng highschool.

"Good afternoon po."

Napalingon si Trisha at nakita sa kanyang gilid ang isang dalagita na nakangiting bumati sa kanya.

"Hi," pagbati niya pabalik habang nakangiti ng matamis.

"Kayo po ba si Miss Trisha Gregorio?"

Tumango siya. "Yes. How about you, what's your name?"

"Ako po si Maan, Miss Trisha." pagpapakilala nito.

"Nako, 'Ate Trisha' nalang ang itawag mo sa'kin," nakangiting sabi niya rito.

Tumango ito. "Doon po tayo sa harap, Ate Trisha. Papakilala ko na po kayo."

"Oh, sure."

Magkasabay silang pumunta nito sa harap.

"Attention, fellas! May maganda na napadpad dito sa'tin!" napakalakas na sabi nito na nakakuha ng atensyon ng lahat sa kuwarto. "Ito na si Ate Trisha!"

Dear Baby - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon