CHAPTER SIXTEEN
"GOOD morning po, Ma'am," nakangiting bati ni Trisha sa magandang ginang na nagbukas ng gate ng bahay nila Duke. Hindi niya alam kung anong sorcery ang ginawa sa kanya ni Lana at nakumbinsi siya nitong sa bahay na talaga ng mga ito sila mag-practice ng kanta ni Duke.
Agad na ngumiti ang ginang. "Good morning, too. You must be Trisha?"
"Opo."
"Oh, come in, come in!" magiliw na sabi nito. Pumasok siya sa loob ng gate at masayang iginiya siya nito papasok ng bahay.
"I'm Empress Aguilar. It so nice to meet a beautiful lady like you," she sweetly said.
Ito pala ang ina ni Duke! Kaya naman pala napakaganda nito sa kabila ng edad nito.
"Same here, Ma'am Aguilar."
"Tawagin mo na lang akong 'Tita Empress', hija." Kinuha nito ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. "I finally met you, Trisha."
Nahawa siya sa napakagandang ngiti nito kaya naman napangiti na rin talaga siya ng totoo. "Matagal niyo na po ba akong kilala?" tanong niya.
"Maraming kuwento si Lana at lalo na si Prince sa'yo."
Napatangu-tango siya. Alam kaya ng ina ni Prince ang tungkol sa nakaraan nila ng anak nito? Bigla siyang kinabahan.
Maraming kuwento si Duke noon tungkol sa ina nito. Kaya naman kahit hindi niya pa personally na nakikilala ang ginang ay marami na siyang alam tungkol rito. Totoong napakaganda ni Tita Empress at base sa pananalita nito ay mabait talaga ito.
Kung alam nito ang ginawa ng magaling nitong anak sa kanya, ano kaya ang ginawa nito?
"Oo nga pala, magpa-practice kayo ni Prince, ano? Nako, natutulog pa ang batang iyon. Paano, gabing-gabi na natapos ng trabaho kahapon. Gigisingin ko muna sandali. Maupo ka muna. Make yourself at home."
Malaki ang tahanan ng mga Aguilar. Mansyon nga iyon kung tutuusin. Magkasinglaki lang ata sila ni Duke ng bahay.
"Nako, hija," biglang pihit pabalik ng ginang. "May naiwan pala akong lutuin sa kusina," parang natatarantang sabi nito. "Ikaw na lang ang gumising kay Prince, pwede ba? His room is just a the left side pagkapanik mo. Second door. Pasensya na sa abala, Trisha. Kailangan na rin niyang gumising para makakain ng agahan."
"Ahh—" ngunit bago pa siya makatanggi ay nakatalikod na ang ginang at nagmamadaling pumasok ng kusina.
Napakamot na lang si Trisha ng noo. Talagang siya ang gigising kay Duke?
Umakyat na lang siya sa malaking hagdan at hinanap ang pangalawang pintuan sa kaliwa. Nang makita niya iyon ay agad siyang kumatok.
"Duke! Duke!" pagkatok niya. "Gising na!"
Walang sagot mula sa loob.
Patuloy siya sa pagkatok ngunit wala pa ring sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob at hindi naka-lock iyon!
Huminga siya ng malalim at saka pumasok sa loob ng kuwarto nito. Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang malaking kama nito. Natawa siya ng makitang nakatalukbong ito ng kumot hanggang sa ulo nito.
Mabilis siyang lumapit at parang na-excite na bulabugin ang pagtulog nito.
"Hoy, mahal na prinsipe, gising na!" sigaw niya rito sabay tapik ng malakas sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomansaDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)