CHAPTER SEVENTEEN
"KISS! Kiss! Kiss!" sigaw ng mga tao kina Agatha at Reeve nang nasa reception na sila pagkatapos ng 'kasalan' na matagumpay nilang nagawa nang gabing iyon.
Agatha and Reeve lovingly stared at each other first before the two kissed sweetly. Nagpalakpakan ang mga tao at halatang ang lahat ay masayang-masaya para sa dalawa. Although that wedding is not formal, alam niyang mas naging makahalugan iyon para sa mag-asawa.
The atmosphere was so good and all fun! Sandaling nakalimutan ni Trisha ang mga drama niya sa buhay kahit pa patuloy ang mga ito sa panunukso sa kanilang dalawa ni Duke.
"Girls! Single girls! Throwing of bouquet na!" Lana announced at pinalapit lahat ng mga single ladies sa unahan. Pati ang program sa totoong kasal ay ginawa pa rin nila para ramdam talaga ng atmosphere ng kasalan.
Nagsitayuan ang mga babaeng mga pinsan ni Reeve, hindi sana siya sasali pero bigla siyang hinila ni Xan. Sa mismo at original na kasal talaga nina Agatha at Reeve ay hindi siya ang nakakuha ng bouquet dahil hindi naman siya sumali. Kaya kahit kasama siya sa mga grupo ng mga babae ngayon ay pinag-krus niya lang ang mga braso habang ang mga ito ay nagkakagulo.
Tumalikod si Agatha at sinimulang ibato ang bouquet nito. Si Lana ang nakasalo!
Nagpalakpakan sila ngunit nagulat siya ng lumapit sa kanya si Lana at binigay sa kanya ang bulaklak.
"What the—"
She winked at her. "Because you deserve a happily ever after."
Hindi na siya nakasagot nang iwanan nito ang bulaklak sa kanya. Nagpalakpakan ulit ang lahat at pinapunta siya sa tabi ni Agatha.
"Kay Lana dapat 'to," biglang angal niya. Pero sa kaloob-looban niya ay parang masaya siya. Hindi niya alam. Abnormal na ata feelings niya.
"But, Lana thinks you deserved it better. For now," nakangiting sabi ng kaibigan niya.
Maya-maya ay nagtawag na rin ng mga bachelor sa harapan para naman sa garter throwing. Then, binato na ni Reeve ang garter.
Binato nito ng direkta kay Duke! Everyone cheered.
"Scripted 'to, eh!" angal na naman niya at akmang aalis na ng hawakan siya ng mahigpit ni Agatha.
"Relax, Trisha. Just enjoy the feeling," ani ng kaibigan sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin rito at sinimulan na siyang paupuin sa isang upuan upang maisuot sa kanya ni Duke ang garter.
Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya.
"Ikaw ba may pakulo nito?" naniningkit ang mga matang kastigo niya rito.
"No," tanggi naman nito. "Although, nang makita kong pinasa sa'yo ni Lana ang bulaklak, I have every intensions of catching the garter. Nagulat lang ako nang binato sa'kin ni Reeve nang direkta."
She sighed at tinaas ng bahagya ang paa para masuot na nito ang garter at matapos na ang lahat ng iyon.
Sinuot naman nito ang garter sa kanya. She didn't feel uncomfortable when his skin touched hers, though. Kahit pa anong tukso ng crowd ng "higher, higher", hindi naman iyon ginawa ni Duke.
He stood and offered his hand for a dance after.
Hindi alam ni Trisha kung anong sumapi sa kanya at tinanggap ang kamay nito. She suddenly found herself, slowly dancing with him... their right hands clasped, her other hand on his shoulder and his other hand on her lower back.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)