CHAPTER TWO
"TRISHA?"
Pinigilan ni Trisha ang sarili na huwag i-angat ang tinidor na hawak at itusok iyon sa tumawag sa kanya. Kinalma niya ang sarili at itinuloy lang ang pagkain.
Nasa Big Hopes event pa rin siya dahil hindi pumayag ang mga magulang niya na mauna na siyang umuwi. Sabay-sabay na daw silang umuwi mamayang gabi. Eh, wala pa naman si Agatha dahil nauna na itong umalis at ang asawa nitong si Reeve dahil nga sa nangyari kanina na sila-sila lang ang nakakaalam. Hindi niya na nakita si Lana sa paligid.
Pero si Duke o si Prince or whatever the name of the devil is, ay kanina pa niya nakikitang pakalat-kalat sa event. Ito pala ang nag-iisang anak ng founder ng Big Hopes Foundation! At ito rin ang ex-bestfriend ng asawa ng bestfriend niya! Ano ba namang mundo 'to, oo!
"Trisha?"
"I'm eating," pagsusuplada niya.
Nakita niya sa peripheral vision ang pag-upo nito sa bakanteng upuan sa tabi niya. Naiinis siya dahil iniwan siya doon ng mga magulang para makipag-socialize ang mga ito sa mga collegues ng mga ito.
Pinanggigilan niya ang kinakain na carbonara. Ang buong atensyon niya ay nasa plato. Patuloy lang siya sa pagkain ngunit nako-concious na siya maya-maya dahil alam niyang tinititigan siya ng isang damuho sa tabi niya.
Pigilan Niyo po ako, Lord, na ma-salvage, isako, at itapon sa Pasig river ang makasalanang lalaki sa tabi ko.
"Trisha," tawag na naman nito sa kanya.
Nagtatalo ang isip niya kung haharapin niya ba ito at sasaksakin ng tinidor o haharapin niya ito at magpapakatao sa harap nito para naman hindi mawala ang poise niya. Parang gusto niyang piliin ang una kaso ayaw naman niya makulong kaya no choice siya kundi piliin ang huli.
"What do you want?" magkasalubong ang dalawang kilay na singhal niya dito.
Tila hindi naman ito nasindak sa kanya dahil nakuha pa nitong ngitian siya! Napahigpit ang hawak niya sa tinidor. Inalis na niya ulit ang tingin dito at nabalik ang atensyon niya sa plato.
Nagsisisi siya na hindi ang unang option ang pinili niya kanina. Kung nasaksak niya ito ng tinidor, eh, di, sana hindi ito nakangiti ng ganoon. Sana walang gulo sa loob ng dibdib niya ngayon!
"I just want to say that..." sabi nito.
Hindi siya umimik at hinintay ang susunod na sasabihin nito. Naramdaman niya ang kaba sa dibdib. Parehong ayaw at gusto niyang makinig sa sasabihin nito. Pinakalma niya ang isang bahagi niya na gustong-gustong magwala dahil sa muling pagkikita nila. She never expected this day to come. May isang bahagi niya ang nagsasabing umalis na lang siya para maalis na ito sa paningin at paligid niya.
Gusto niyang umalis pero ayaw naman sumunod ng katawan niya. Gusto niyang magwala pero ayaw naman bumuka ng mga bibig niya. Gusto niya itong saksakin talaga ng tinidor pero hindi naman siya ganoon kasama para manakit ng tao.
Nasaan na ba kasi ang Papa at Mama niya? Bakit hindi pa bumabalik ang mga ito?
"I just want to say that..." ulit nito. "...that..."
Lakas-loob na hinarap niya ito. "That what? Paulit-ulit ka naman diyan, eh. Nang-iinis ka lang ba? Kung ganoon lang rin, umalis ka na," taboy niya rito. Pilit niyang hininaan ngunit diniinan ang pagkakasabi niya para hindi sila makatawag pansin.
He smiled. "Mas gumanda ka lalo," he softly said.
Saglit siyang natigilan pagkuwa'y tinaasan ito ng kilay. "Alam ko. Hindi mo na kailangang sabihin."
![](https://img.wattpad.com/cover/9083991-288-k422501.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)