CHAPTER NINETEEN
NAIINIS na napabuntong-hininga si Trisha. Napatingin ulit siya sa wristwatch niya.
Dalawang oras nang late si Duke sa usapan nilang date! Nag-text naman ito kanina na mahuhuli sa usapan nila pero hindi naman niya akalain na dalawang oras pala siyang maghihintay! Padabog na tumayo siya at lumabas ng restaurant. Sayang lang lahat ng pagpapaganda niya para sa date na iyon.
It's their third month-annivesary and it's their only time to be together, pareho kasi silang naging abala sa kanya kanyang gawain sa mga nakalipas na buwan. Matagal na nilang napag-usapan ang date na iyon at pagkatapos ay hindi pala siya sisiputin ni Duke?
"Trisha! Trisha!"
Napalingon si Trisha at lalong napasimangot nang makita si Duke na tumatakbo palapit sa kanya.
"Dumating ka pa," mataray na sabi niya sa nobyo.
Hinihingal na huminto ito sa harapan niya. "I'm sorry... may mga mahahalaga kasing tao na biglang dumating sa opisina. Hindi 'ko puwedeng hindi harapin kaya naman—"
"Kaya naman pinili mo na lang na hindi sumipot sa date natin, ganoon?" naiiritang wika niya. "Sana man lang nagsabi kang sobra ka pa lang male-late. Pinaghintay mo 'ko ng dalawang oras, Duke!" Nagmukha siyang tanga sa loob ng sariling restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Napabuntong-hininga ito at pilit na inabot siya ngunit umiwas lang siya rito. "I'm sorry, I'm sorry... Hindi ko naman akalain na magtatagal pala ang mga bisita ni Lolo. Kung ako lang naman, hindi ko naman gustong maghintay ka," paliwanag nito na tumaas kaunti ang boses.
"Ikaw pa ang galit? Ikaw na nga ang hindi sumipot!" nagtaas na rin siya ng boses rito.
Nahilamos nito ang kamay sa mukha. "Anong hindi sumipot? Nandito na nga ako."
"Pinaghintay mo 'ko ng dalawang oras!"
"And I'm truly sorry for that. Please, forgive me."
Inirapan niya ito. "Diyan ka naman magaling. Paghihintayin mo 'ko nang matagal tapos magso-sorry ka." Tinuloy niya ang paglalakad papunta sa kotse.
"Trisha, come on. Mag-aaway pa ba tayo? Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos ganito pa?" parang naiinis na rin na wika nito.
"Yun na nga, Duke!" biglang harap niya rito. "Ngayon na lang ulit tayo magkikita, ganito pa! Pinaghintay mo naman ako. Lagi mo na lang ako pinaghihintay. Tapos ako, maghihintay sa wala," makahulugang sabi niya. "I always wait for you. Ganoon na lang ba lagi?"
Napayuko ito. Alam nitong tinutukoy niya ang nangyari sa kanila sa nakaraan. Ayaw naman niyang isumbat iyon rito hanggang sa maaari pero... siguro nadala na lang siya sa nakaraan nila.
"Trisha..." Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito nang tumingin ulit ito sa kanya. Biglang parang gustong ma-guilty ni Trisha sa ginawa niyang panunumbat. Ngunit, tinalikuran niya lang ito at sumakay na sa kanyang kotse.
Pag-uwi niya sa bahay ay nagbabadya nang tumulo ang mga luha niya. Saka lang niya napagtanto habang pauwi siya kung gaano siya naging irrational. Pagdating niya sa sariling kuwarto ay napasubsob siya sa kama at pinakawalan ang mga luha.
Later on, she called her bestfriend Agatha.
"A-Agatha..." pumipiyok pa na tawag niya sa kaibigan.
"Trisha? Are you crying?" nag-aalalang sabi nito. "What happened?"
"Nag-away kami ni Duke. Kasi naman dalawang oras akong naging tanga doon sa resto namin. Nung dumating siya sobra na 'kong naiinis. Nagtaas siya ng boses habang nagpapaliwanag kaya lalo akong nagalit. Tapos..." suminghot-singhot siya. "T-Tapos nasumbat ko 'yung kasalanan niya dati..."
![](https://img.wattpad.com/cover/9083991-288-k422501.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomansaDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)