CHAPTER EIGHT
"HI, TRISHA!"
Napapitlag si Trisha. "Ay, kabute!" gulat na sabi niya. Mabilis siyang napalingon at... kabute nga! "Duke?! Ano na namang ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya rito. Tapos na ang klase ng araw na iyon at naglalakad na si Trisha papunta sa sariling sasakyan.
Ngumiti sa kanya ang mushroom –este, si Duke. "Gusto kitang makita bago ako umalis mamayang gabi."
She rolled her eyes. "O, nakita mo na'ko, alis na. Tsupi!" taboy niya rito.
He chuckled. Nilabas nito ang cellphone nito may kinalikot doon at pagkuwa'y, "I'll take a picture of you," sabay angat sa harap niya ang likod ng cellphone nito na may camera.
Napakunot-noo siya at hinawi ang phone nito. " Bakit mo 'ko kukuhanan ng picture?"
"Gagawin kong wallpaper ko. One month ako sa Spain, matagal kitang hindi makikita. At least, kapag may picture ka sa cellphone ko, alam ko kung saan laging titingin tuwing ako'y nangungulila," ma-drama pang sabi nito.
Inangat nito ulit ang phone sa harap niya pero hinawi niya ulit iyon. "Ano ba?" naiiritang wika niya. "Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis ng simple. Kailangan mo pa 'kong inisin, eh!"
"Hindi naman kita iniinis. I will miss you when I'm away. Come on let me take a pic of you," sabay angat ulit nito ng phone nito.
Napabuga siya ng hangin. "Kapag nagpa-picture ako, aalis ka na?"
Tumango ito. "Yup. Kaya smile ka na diyan."
Hinila niya ito sa isang tabi dahil nahihiya siya sa mga nakakakita sa kanila. Kanina niya pa napapansin na nakakakuha na sila ng atensiyon ni Duke. Maraming estudyante ang pakalat-kalat dahil halos tapos na nga ang klase ng karamihan.
She forcely smiled. "Bilis na."
Kumunot ang noo nito. "Bakit pilit yung ngiti mo? Yung natural naman!"
"Demanding?"
"Please?" he pleaded with his most charming smile.
She felt her heart drummed louder. Bakit naman kasi may ngiti ito na pati mga mata ay nasasama?
"Smile, Trisha," nakangiting sabi nito habang naka-focus sa kanya ang camera ng phone nito.
She swallowed then, curved her lips into a lovely smile. Medyo nanginginig pa siya sa pagngiti ngunit sana ay hindi na iyon napansin ni Duke.
Narinig niya ang pag-shot ng camera.
"Great!" Duke said.
Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Trisha. "Bye!"
Mabilis siyang tumalikod at maglalakad na sana palayo nang maramdaman niya ang kamay ni Duke sa kanyang pulsuhan. He pulled her, and the next thing she knew, she's right inside his arms.
"D-Duke! W-What are you doing?" pilit na kumawala siya dito ngunit humigpit ang yakap nito.
"Thirty seconds, Trisha," he whispered.
Naalala niya ang tungkol sa usapan nila. Pa'no niya bang nakalimutan ang tungkol sa hug?
Napabuntong hininga na lang siya at yumakap na lang rin dito. She started counting. Buti na lang nasa medyo tagong parte sila.
She's counting aloud while Duke remained quiet.
"Thirty!" aniya at lalayo na sana dito nang hindi siya nito hinayaang makawala. "H-Hey, Duke! Tapos na!"
"Five more seconds."
"Wala yan sa usapa—" Natigilan siya nang maramdaman ang paghalik nito sa may ulo niya.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)