CHAPTER TWENTY-ONE
PAGKATAPOS ng lahat nang narinig ni Trisha ay napatulala na lang siya sa rebelasyong nalaman at kahit isang salita ay hindi niya kayang masambit.
Hindi... hindi niya alam kung iisipin sa lahat ng nalaman.
Hindi niya alam kung... kung ano bang dapat maramdaman.
"Trisha..." Mas lalong humigpit ang hawak ni Duke sa kanyang mga kamay.
"Anak—" sambit ng Papa ni Trisha at sinubukan siyang hawakan ngunit mabilis siyang nakaiwas rito.
"Hija..." umiiyak na sambit ng Mama niya habang lumalapit sa kanya. Ngunit mabilis siyang lumayo at kumabit sa mga braso ni Duke.
Ayaw niya. Ayaw niyang mahawakan o lapitan siya ng mga magulang. Shock was an understatement to describe what she's feeling.
Ngunit, ano ba ang nararamdaman niya? Wala! Wala siyang maramdaman. Namamanhid siya sa lahat ng mga nalaman.
Mula sa umpisa ay pinaniwala siya sa mga bagay na hindi totoo. Pinaniwala siya ng mga magulang niya sa mga bagay na kasinungalingan lang pala.
Duke never left her! He even came back twice!
Pero kahit minsan sa loob ng magli-limang taon na lumipas, ang mga pinagkakatiwalaan at pinakamamahal niyang magulang ay hindi nabanggit sa kanya ang pagbalik ng lalaking halos kamuhian niya ng sobra kasabay ng sarili niya.
Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Kahit mga luha ay ayaw pumatak mula sa mga mata niya. Nanginginig siya at tila naramdam iyon ni Duke dahil agad na pumalibot ang mga braso nito sa kanya. Napayakap na lang rin siya rito at sinubsob ang mukha sa dibdib nito.
Parang hindi niya kayang tignan ang mga magulang.
"T-Take me out of here, Duke..." unang pakiusap niya agad sa nobyo. "Umalis tayo. A-Ayoko rito... ayoko rito..."
"Okay. Just calm down. Aalis tayo rito," bulong nito.
Hindi niya na alam kung ano pang reaksiyon ng mga magulang niya. Basta narinig niyang napabuntong-hininga ang ama at mas lalong lumakas ang hagulgol ng ina.
Naramdaman niya ang pag-akay sa kanya ni Duke palabas ng bahay nila. Nang makasakay na sila sa kotse nito at nakaandar na iyon paalis ng village nila, ay doon lang parang nakahinga ng maluwag si Trisha.
Walang kahit isang umiimik sa kanila ni Duke.
Tulalang nakatingin si Trisha sa labas ng bintana ng kotse. She's recalling what Duke had told her. Paulit-ulit iyon sa isip niya na tila pilit ina-absorb ang lahat ng nalaman. Pinapalitan niyon ang mga alaalang matagal niyang pinanghawakan.
Hindi alam ni Trisha na mahigit isang oras na palang nagmamaneho si Duke. Maya-maya'y tumigil si Duke sa isang gilid ng kalsada kung saan wala masyadong nagdaraan na mga sasakyan.
"Trisha..."
The way he called her name was so tender that, finally, she knew what to feel.
Nangingilid ang mga luhang napatingin siya rito. "A-Ang sakit! It hurts, D-Duke..." naiiyak na sabi niya. "Ang daya nila, eh..."
"Sshh..." Duke pulled her to his chest and embraced her so tightly.
"Ang daya-daya naman! They're so unfair! Unfair! Unfair! They lied to me..." tuluyan nang umiiyak na sabi niya habang nanggigil na sinisigaw ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig
The late reaction of hers caused a lot of emotions to come out now. Parang binalik na naman ang nararamdaman niya kung saan akala niya ay iniwan siya ni Duke at noong namatay ang baby nila.
BINABASA MO ANG
Dear Baby - Published by PHR
RomanceDear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2017 by PHR)