Chapter Eleven

132K 2.3K 342
                                    

CHAPTER ELEVEN

ISANG mahanging hapon ay walang magawa sina Trisha at Duke sa vacation house ng babae sa Ilocos. Pangalawang araw na ngayon doon ni Duke at talaga namang masaya silang dalawa sa isa't isa. But that afternoon, they were both just quietly sitting together on the house's verandah.

"Ang boring," sabi ni Trisha sabay hilig sa dibdib ni Duke.

Inakbayan siya nito. "It's peaceful."

She sighed and smiled. "Ano kayang puwedeng gawin, ano?" Sa totoo lang, gusto man niya ang peacefulness na iyon ay naiinip siya. Masarap matulog ng ganoong oras pero hindi naman niya gusto.

"Hmm..." tila nag-iisip na sambit ni Duke. "Let's have a question and answer portion game, what do you think?"

Napaangat siya ng tingin dito. "Wow, Duke, that's a teenager's game, really," natatawang sabi niya. He surely surprises her with his teenage boyish thoughts.

"I'm a kid at heart,"he said.

"You're playful," pagtatama niya.

"That's why my life is never boring. And besides, masyadong stressing ang adult life, kaya dapat pinapanatili natin ang pagiging 'child at heart'. Admit it, we sometimes wanted to be happy with simple things like we were a kid, hmm?"

She smiled and lightly pinched his nose. "Ang dami mo namang paliwanag. Sige na po mag-Q and A na tayo," nakangiting sabi niya. But, Duke truly has a point.

He hugged her by the waist and pulled her closer to him until she was perfectly sitting on his lap. Napakapit siya sa mga balikat nito. She giggled when he gave her butterfly kisses all over her face.

"Sinong unang magtatanong?" tanong niya rito.

"Lady's first."

Napangiti siya at nag-isip ng puwedeng itanong rito. "Hmm... what's your last name?" she asked him. How ironic na hindi niya pa pala alam ang last name nito sa nakalipas na dalawang araw na magkasama sila. Pa'no kasi sobrang naging "busy" sila sa isa't-isa.

"Hindi mo pa pala, alam? Well, my last name is 'Aguilar'," nakangiting sagot nito. "You always remember that, okay?"

"Oo naman! Baka maging last name ko din iyon sa future," nakangiting sabi niya.

"I'll bet on that," nakangisi ring sabi nito. "It's my turn now!"

"Go."

"Ano ang pinakakinatatakutan mo?" tanong nito.

She playfully smiled. "Ang mawala ka?"

He chuckled. "Gusto ko 'yang sagot mo. Aside from that, seriously?"

"I hate big fat dirty rats. I always scream on top of my lungs and run as fast as I could when I see one. OA na kung OA pero, ayoko talaga sa kanila. Argh! Super panget talaga nila as in!" with full emotions na pagsagot niya. Well, ganoon niya lang talaga kinasusuklaman ang mga daga. "How about you? Anong pinakakinatatakutan mo?"

"Aside sa mawala ka na naman sa'kin," nakangising sabi nito. "Natatakot ako na hindi mo pa sinasabi sa parents mo na nandito ako."

Napangiwi siya. "Well, sasabihin ko naman na sa kanila. Bukas na bukas, sasabihin ko na. Siyempre bumubuwelo pa 'ko," paliwanag niya.

Dear Baby - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon