Chapter Twenty-Three

116K 2.3K 140
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"CONGRATULATIONS!"

Nakangiting yumakap si Trisha sa mga magulang ni Duke nang iuwi siya nito sa bahay ng mga ito.

"I'm so happy for the both of you," ani ng biyenang babae. "Nagkatuluyan din kayo!"

"Maraming salamat po... Mom," sabi niya rito. "Pasensya na po kung biglaan ang pagpapakasal namin."

"Bigla kasing nag-propose, Mom. Wala akong nagawa," wika pa ni Duke. Malakas na siniko niya ito.

"Magpapakasal naman kayo ulit, hindi ba?" tanong pa ng biyenang lalaki.

"Opo, Dad," sagot naman niya. "Pag-uusapan at mas pagpa-planuhan pa po namin iyan ni Duke."

"Mabuti iyan. Oo nga pala, Prince, akyatin mo sa taas ang lolo Rex mo. Kanina ka pa niya hinihintay."

"Kami munang bahala kay Trisha," sabi pa ng ina nito.

Tumango si Duke at sandaling nagpaalam sa kanya. Mabilis itong umakyat ng hagdan.

"Trisha, hija," tawag sa kanya ng ama ni Duke.

"Po?"

Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago siya hinarap muli. "Gusto sana naming humingi ng tawad," panimula ni Daddy King.

"After all these years, wala kaming nagawa para sa inyo ni Prince."

"Bakit naman po kayo humihingi ng tawad? Wala naman po kayong naging kasalanan. Ang P-Papa ko po ang nagsimula nang lahat..." malungkot na sabi niya at saka napayuko.

Hinawakan ni Mommy Empress ang kamay niya. "Hija, alam ko kung gaano naging kasakit kay Prince ang lahat, pero wala kaming ibang nagawa kundi suportahan siya sa naging desisyon niya sa pagsunod sa Papa mo."

"Inaamin namin na hindi namin masyadong naasikaso si Prince nang mangyari ang pagkawala ng una sanang apo namin," pag-amin ni Daddy King. "Iyon din kasi ang mga panahon na kailangan kami ni Lana dahil sa sakit niya."

Napatango si Trisha.

"Masyado kaming na-focus kay Lana na hindi na namin napansin si Prince. Lagi lang kasing nakangiti ang batang iyon at napakaloko. Pero alam namin na sa kabila nang kakulitan niya at mga ngiti niya, nalulungkot at nagsisisi siya sa mga nangyari."

Inabot ng biyenang babae ang kamay niya. "Magmahalan kayo ni Prince, Trisha. Patawarin mo sana ang lahat ng taong may kasalanan sa inyong dalawa."

Napakagat-labi siya. "Si P-Papa..."

"Bilang magulang, naisip lang rin namin na iniisip lang ng mga magulang mo ang ikabubuti mo nang mga panahong iyon. And looking at you now, maybe you're still hurting from what happened to the baby, but you're doing well with your life ."

"We only pray for all the best on your marriage, Trisha. Nandito lang kami kung kailangan niyo kaming mag-asawa."

Napangiti siya at napayakap sa mga ito. Sabi niya na nga, magiging mabuting in-laws ang mga ito.

"Trisha."

"Lolo Rex..." aniya nang mapalingon sa bukana ng hagdan

"Puwede ba kitang maka-usap, hija?" nakangiting aya ng matanda.

"Opo," pagpayag naman niya at saka nagpaalam sa mga biyenan.

Pumanhik siya ng hagdan at nagsalubong pa sila ni Duke napababa na. Nginitian siya nito. She smiled back at him.

Dear Baby - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon