PROLOGUE

1.8K 32 15
                                    

Yllka's POV

It's really now or never!

"Oh! Yllka! Bakit bihis na bihis ka?" tanong ni Mama pagkababa ko sa huling palapag ng hagdan namin. Ngumiti ako ng nininiyerbyos.


"Mama.. I-se-save ko po 'yung lovelife ko! Alis muna ko!!" sabay karipas ng takbo palabas. Siguradong nag-chi-cheer pa si Mama dahil tungkol sa lovelife ko ang idinahilan ko! Pero hindi iyon ang importante ngayon kaya dapat bilis-bilisan ko! Kailangan kong makaabot! Late na ako shems! 

Pumara agad ako ng taxi nang makalabas ako ng apartment ko. Nilingon ako ng driver at tinanong.

"Saan po tayo Ma'am?" aniya. Agad na nanliit ang mga mata ko.

Hala! Oo nga pala.. Saan nga pala 'yong Simbahan? 

Sandali akong napaisip saka napakamot sa batok. "Ah..eh.. Basta kuya! Drive lang po kayo papunta sa malaking simbahan!" Natatarantang sagot ko dahil 'yun ang sabi ni Kurt sa akin, nakalimutan ko nga lang 'yung pangalan nung church - takte, sa lahat ng makakalimutan 'yun pa. 

Nginitian ko na lang si Manong Driver at nag-aalinlangang siyang tumango sa akin at nag-drive na. Wooh, makaabot sana ako.





After 25 minutes..

Hala! Traffic. Jusko. Baka wala na akong maabutan! Oh no. Ayoko. Kahit na bff ko silang pareho.. hindi pwede! Desperada kung desperada! Lumapit ako sa pwesto ng driver, eksaktong napalingon naman ito sa akin at parang nagulat pa na malapit ako sa kaniya.

"Manong. Matagal pa po ba tayo?" naaligagang tanong ko habang tinatanaw ang kalsada na puro usok at mga malalaking truck ang makikita, halos hindi na nga umandar ang pila e! Jusko, may aabutan pa ba ako kung hihintayin kong matapos itong traffic?--Wait, tinatanong pa ba 'yon? Siyempre wala na! Wala na akong aabutin kapag inabot ako ng siyam siyam dito! Nak ng tokwa talaga. No choice, kailangan kong gamitin ang energy ko. Tama. Energy.

"Mga sampung lakad na lang papuntang malaking simbahan." sagot ni Manong. Napalingon ako sa kaniya, nanlalaki pa ang mga mata. Hindi makapaniwala na malapit na ang simbahan. Lord, thank you po! Mukhang sumasang-ayon kayo sa akin!

Huwag kayong mag-alala, Lord. Gagawin ko ang nais niyong mangyari. Mukhang hindi po talaga sila ang meant to be. Right, kasi ako ang ka-red string niya. Ayy taray, nakapag-isip pa ako ng ganito ah?

"Sure ka kuya?" Naninugurong tanong ko kay Manong Driver at sinsero naman siyang tumango kaya hinugot ko sa bulsa ng high waist pants ko ang 500 at ibinigay sa kaniya. "Kasiya na po ba 'yan?" Wala sa sariling tanong ko at mabilis na binuksan ang pinto, bababa na ako dito. Nilingon ko si Manong Driver at mabilis naman siyang tumango kaya lumabas na ako ng kotse at patakbong umalis.

Pero, wait. 

Napahinto ako sa pagtakbo. Magkano nga 'yung iniabot ko kay Manong Driver?-500?! Anak ng tokwa! Ang swapang naman ni Manong Driver! Hindi man lang umiling at nagbigay ng sukli! Tsk. Pero jusko, 500 pa rin 'yun! eh wala pa nga kaming kalahating oras na nasa kalsada!

Ayy, letse! May kasal pa pala akong pipigilan! Naku! Mabilis akong tumakbo ng tumakbo. Wala na akong pake kung may makabanggaan ako, "Excuse me! Excuse me! Makikiraan!" Sigaw ko sabay hawi sa mga taong nakaharang sa daan. Rinig ko ang reklamo nila pero hindi na ako lumingon para mag-sorry kasi naman, nagmamadali ako ng sobra!

Natanaw ko na ang simbahan kaya mas lalo kong binilisan ang takbo. Yes, malapit na 'ko! Malapit na malapit na! Nang huminto ako ay nakatapat na ako sa higanteng pinto, huminga ako ng malalim. It's really now or never.

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon