Chapter 12: Her Promise

392 7 0
                                    

Thea's POV

Tahimik kong binabasa ang medical record ng pasiyente ko nang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa pumasok.

"Sofia!" bulalas ko at sinalubong ang yakap at beso niya. "Buti naman at nakadalaw ka? Balita ko kase kay Yllka, busy ka sa work, umaasenso a!" bira ko agad at sabay kaming na-upo.

"Of course.. Ako pa ba? Well may sasabihin kase ako."

Napataas ang kilay ko. "What is it then? Mukhang importante," sabi ko at pinagsalikop pa ang magkabilang-kamay.

"It's about Yll."

"What about our friend?" takang tanong ko

"Alam naman nating pareho na drawn na drawn siya sa pesteng bestfriend niyang si 'Kurt Li', right?-I'm just wondering if it's the right time to help her move on?" tanong niya na ikinabigla ko. Why the sudden..? Mukha namang na-gets niya agad ang nais kong sabihin kaya siya na mismo ang nagsabi nang-"I've changed my mind, mayroong taong mas deserve pa si Yllka, HE won't hurt our bestfriend-kung magtatagumpay tayo."

I raise my eyebrow on her. "Sino namang nagsabi sa'yong Papatulan ko ang kalokohan mong plano?" pambabara ko at agad naman niya akong siniringan.

"Well. Bakit nga ba hindi ka makiki-ayon?-Nagbago na rin ba ang ihip ng hangin sa utak mo?-Ohh! Maybe you doesn't want our Bestfriend to be happy if we succeed-Aray! Ano ba! Ang bayolente mo talaga!" atungal niya nang batuhin ko siya ng tissue roll na nadampot ko lang sa gilid ng desk ko.

"Of course I care about Yll!" bulalas ko at agad na humalukipkip at sandal sa backrest nitong swivel chair. "Pero paano ka naman nakasisigurong hindi ka papalpak kung ma-inlove nga si Yllka diyan sa 'inirereto' mo?"

She laugh. 'Yung tawang sinasabing-'It's me who plan, what do you expect?-it would FAIL? HELL NO'

"Tsk. Ang lakas talaga ng apog mo, Sofia." Naiiling na sabi ko at mariin siyang tinitigan. Should I really trust this plan..?

Okay, "DEAL."

Halos mapunit naman ang pisngi niya sa pagkalapad-lapad ng ngisi. "But before I forgot, I have to go, mag-r-round Pa ako sa mga wards ng patients ko." Paalam ko at sinikop ang mga medical records ng mga pasiyente ko.

"Okaay, duon nalang ako sa katapat na Mall nitong hospital," sabi niya at sinuot na ang aviator, lakas talaga ng outfit nito, tsk. Bumaling siya sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis, "Call me when you're done in your rounds," saka bumeso at naunang naglakad palabas ng office ko with poise. ~,~ nasa-hospital palang 'yan ah. Paano pa kaya mamaya? Tsk. Tumulak na rin ako palabas ng office ko at nag-round na. Sayang ang oras, time is gold pa naman.


Sofia's POV

On the way to Starbucks-hindi ko maiwasang ngumiti. I can imagine right now na ano nga ba ang mangyayari after my 'OPLAN'? Hmm... I'm sure successful na 'yon.

"Hays, iisipin ko na talagang totoo ang sabi ni Tita na may sapak ka sa utak,"

Naka-taas ang kilay na hinarap ko si Ivan. How dare this torn man talks like that to me? Ako pa ang inaasar? Aba't-"Shut up. Baka nakakalimutan mong tutulungan na nga kita?-and... take note, Thea agree with my plan also-kaya ayus-ayusin mo ang pang-iinis sa akin," pagbabanta ko kaya agad na napawi ang ngiwi niya at napalitan ng matamis na ngiti. HAHA. Sabi na nga ba e, kung si Yllka-girl ay drawn na drawn kay Kurt Li, the same with this man, drawn na drawn siya kay Yllka-girl-at hindi ako against doon. Talaga naman kaseng may taste ang LAHI namin.

"Pinsan naman! Joke lang! teka-'di ba gusto mo ng frappe ng Starbucks?"

Agad na nagningning ang mga mata ko. "Yeah, why?"

"Of course, ililibre na kita, kahit sampu pa."

Napasimangot ako. "Hindi ako patay-gutom para bilhan mo ng SAMPU. Umaayus-ayos ka Ivan Kobe Yang ka, a!"

"Hehe, sabi ko nga kahit dalawa nalang-"

"Dalawa!" bilang ko.

"He-he-he, sabi ko nga ISA lang." bawi niya.



Thea's POV

GAYA nang napag-usapan namin ni Sofia tinawagan ko agad siya after kong mag-round sa mga wards ng pasiyente ko-sinabi niyang sa Starbucks ko siya puntahan kaya minabuti kong magdala ng payong-ayaw ko sa init.

Pagkapasok ko palang sa establishment ay natanaw ko na si Sofia-may kasamang pamilyar na lalaki. Bakit naman kaya sila magkasama?

"Sofia naman!" bakas ang irita sa boses ni Ivan Kobe, ang CEO ng Yang Hospital.

Naglakad ako palapit sa kanila. Unang nakapansin sa akin si Sofia kaya ngumiti siya ng matamis bago tumayo at bumeso uli sa akin. "Best, this is Ivan-my cousin/inlove with our bestfriend!" walang paliguy-ligoy na sabi niya kaya namula ng bongga ang magkabilang-pisngi ni Ivan.

Tipid akong ngumiti sa kaniya bago nag-bow. "Good afternoon, Sir Ivan," bati ko but he shook his head.

"Ivan, you can atleast call me that-wala naman Tayo sa hospital,"

"Okay." Tipid kong sabi at umupo na sa isa pang bakanteng upuan-alangan namang tumayo lang ako hanggang mamaya? Bumaling na ako kay Sofia na Mukhang ewan sa lapad ng ngisi sa labi. "So, let's proceed to your plan?" diretsang tanong ko kaya napatango nalang siya sa akin bago lumingon kay Ivan.

"Umalis kana dito, Couz." Utas niya ngunit napa-taas lang ang kilay ni Ivan at Tiningnan siya.

"Akala ko ba...?"

Nagkibit-balikat lang si Sofia at sumimsim sa frappe niya habang nag-uutos pa rin ang mga mata na nakatitig kay Ivan. Bigong napailing ito at bumuga muna sa hangin bago tumango at ngumiti ng pilit, "I forgot, may meeting nga pala akong a-attend-an, Bye, Sof, bye..?"

"Thea,"

"Bye Thea, it's nice meeting you," sabay lakad paalis. Tsk, paasa talaga itong si Sofia.

"Pati pinsan mo, pinaasa mo?" naiiling na tanong ko at inilapag na sa katabi kong bakanteng upuan ang coat at bag ko.

She smile. "Hindi naman na kase talaga siya kasama sa plan natin, it's for him to find out, 'di ba?"

Nanlaki agad ang mga mata ko! Like what the hell?! "Paano kapag pumalpak siya dahil hindi naman niya alam ang plano?!" singhal ko sa kaniya but she remained smiling!-"Ayokong mahulog na lang ng basta-basta si Yllka!"

"Ito naman! Of course I won't let that too-ang point ko lang, 'di ba kung sakaling mabuking tayo ni Yllka-girl na nagplano ng ganito-at least masasabi nating si Ivan ay nag-effort dahil wala siya sa plano, gets?"

Oo nga naman... Mas mabuting si Ivan na ang bahala sa mga gagawin niyang moves. Gets niyo ba?-kung hindi, okay, lilinawin ko.

Kumbaga sa movies scripted ang lahat 'di ba?-while kaming dalawa ni Sofia ang may script while si Ivan ang bahalang gumawa ng adlib niya. Kung sasadyain man namin ni Sofia na iwan silang dalawa-si Ivan na ang bahala sa gagawin niya basta hindi siya kasali sa gagawin namin na laging may script.

Pero-"Siguraduhin mo lang na hindi masasaktan si Yllka dito sa plano mo na 'to,"

Nag-thumbs up lang siya at sumimsim na uli sa frappe niya. Tss, tingnan mo 'tong babae na 'to! Hindi man lang ako in-order-an ng inumin!

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon