Chapter 53: All Ends Well

334 2 0
                                    

Chapter 53: All Ends Well

YLLKA'S PoV

Naistorbo ang pag-iisip ko nang malakas na bumukas ang pinto ng silid. Natatarantang bumaling doon ang tingin ko.

"Good day, Hija." Bati ng nasa unahan.

Napamaang ako nang ma-realize kung sino ang pumasok o ang magkasunod na pumasok.

"T-Tita-Tito!"

Ivan's parents quickly went to my bed to give me a peck in the cheeks. "It's nice to know that you're already awake, Hija. How are you feeling?" Mahinahong wika ni Tita.

I blinked, surprised. Hindi ako nakatugon agad sa tanong niya kaya marahan siyang hinawakan ni Tito sa balikat.

Tumango naman si Tita. "It's alright, Hija. Take your time, I know it's sort of surprising." Ngumiti siya nang malambing saka hinarap si Ivan. Humalik din siya rito.

"Inunahan mo talaga kami." Ani, Tito sa anak.

Hindi ko tuloy mapigilang suriin ang kabuuan ni tito: matikas pa rin naman ang pangangatawan na mapaghahalataan lalo dahil sa masigla niyang ekspresiyon. Ni hindi mababakas ang nakwento nila Sof na muntikan itong atakihin sa puso.

Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinanonood ang kaswal na usapan ng mag-anak.

"Where's Ianne?" Tanong ni Ivan.

"You know your sister, Hijo. But she's probably near now." Tugon ni Tito at bumaling sa akin.

Kumabog ng todo ang puso ko in anticipation of a scary reaction from him. But there came none...

Instead, he gave me a wide grin, "It's good to see your eyes again, Hija. Anyway, have you eaten?" Mahinahon pa nitong tanong.

Lalong hindi ko malaman kung ano ang isasagot. Naguguluhan ako. What is happening?

Sa pagpunta pa lang nila rito- gulat na gulat na ako. Hindi ba't may nangyayaring gulo sa pagitan ng pamilya nila at kay Papa? Their reactions right now just don't fit.

Or is this an illusion? Am I still dreaming? O totoo talaga itong scenario na nasa harapan ko?

Natigil sa paglipad sa ere ang isip ko nang marinig ang screech ng pinto. Lumipat uli doon ang tingin ko at nabungaran sila Mama... at Papa na pumasok.

I hitched my breath. Naramdaman ko rin ang pagtahimik nila Ivan!

Kumabog lalo ang dibdib ko sa kaba, tension at panic na nararamdaman. This can't be real!

I don't wish for a cold war or what other kind of war to occur now! No!

"Come in, Hija. And let me carry these."

Napanganga ako kay Papa na may kinakausap sa likuran. Hindi ko makita kung sino iyon dahil hindi pa pumapasok.

Mahinang tumawa si Mama at inagaw kay Papa ang dalawang malaking paperbags saka bumaling sa amin.

Namilog lalo ang mata ko. Mabilis akong tumingin kila Tita at Tito.

"Oh my, is that Ianne already?- Let me help you, Yasel." Ani Tita at sumalubong kay Mama.

"Ah, oo. Nakasabay ni Dezmond sa elevator." Sagot ni Mama at iniiwas ang paperbags kay Tita. "Naku, ako na. Hindi naman mabibigat ang laman nitong paperbags."

Literal na laglag ang panga ko habang pinanonood ang nangyayari.

"You should have message us, Ianne. Para hindi mo na naabala si Tito at Tita." Singit naman ni Ivan matapos sumalubong kay Mama para humalik sa pisngi.

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon