Chapter 43: Unexpected

117 4 0
                                    

Chapter 43: Unexpected

IVAN's PoV

Pagsapit ng lunch break ay kaagad kong chineck ang cellphone kung may message ba si Dra.

And I just smiled when I saw that there was none. Surely, she's busy bonding with Mama. Minsan lang daw kasi umuwi si Mama dito sa kaniya dahil hindi ito mahilig mag-biyahe.

At ayaw rin naman ni Dra na bumabiyahe si Mama, lalo kung mag-isa lang dahil delikado na nga naman ang panahon ngayon.

I was holding my phone and was currently checking for emails when the my Secretary startled me with the intercom. "Sir,"

Mabilis kong pinindot ang button sa intercom. "Yes?" Tanong ko.

"Mrs. Yang wants you to give her a call, now, Sir." Aniya.

Tumaas ang kilay ko. Bakit kaya? "Alright. Please connect me to her." Mahinahon kong inutos.

"Right away, Sir."

Sumandal ako sa upuan at hinintay ang connection.

"Ivan, anak?" Mom's gentle and soft voice greeted me.

"Yes, Mom? Why'd you want me to call?"

Bigla siyang bumuntong hininga. Mukhang may problema. "It's about your Dad, he almost had a heart attack."

Agad na lumagabog ang dibdib ko. "What?—Why? Asaan kayo ngayon, Mom? Is Dad, alright now?" Natataranta kong tanong. Napaangat ako sa pagkakaupo, napahawak sa edge ng desk.

I decided to loosened the necktie of my suit dahil nahihirapan akong huminga.

Mom heaved a sharp breath. "He's asleep at this moment, Van.. please pumunta ka muna rito sa Bahay. I need you right now, Anak.." nanginig ang boses ni Mommy.

And I definitely know what's next.

"Alright, Mom. Please, stop crying. I'll be right there." Kinuha ko kaagad ang aking coat, susi at wallet.

"Okay, Anak. Drive safe," iyon lang at naputol na ang tawag.

In-off ko na ang laptop at lumabas na ng office. Napatayo ang Secretary ko nang makita akong nagmamadali. "Sir?"

"Paki-reschedule ang mga meetings at appointments ngayon, please. Paki-forward nalang din ang mga importanteng documents sa email ko," nagmamadali kong utos.

"Yes, Sir."

"Ikaw na muna ang bahala rito." Tipid akong ngumiti saka nagmamadaling lumakad papunta sa elevator.

Hindi katulad kanina ay hindi na ganoon kalakas at kabilis ang tibok ng puso ko. Mabuti na lang at hindi tuluyang inatake sa puso si Dad.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Suddenly my phone rang, I quickly fetch it from my pocket. It's Ianne.

"Yes, Baby sis?" Kalmado kong bungad saka sumakay sa elevator.

I heard her heavy breathing. Kumunot agad ang noo ko. "K-kuya—how's Dad?—it's on the news. Nahimatay raw si Dad sa isang Business Meeting! I-I'm... God, where's my car keys, Lotte?" Natatarantang sinabi ni Ianne at nanginginig pa ang boses.

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon