Chapter 44: New Chairman

111 2 0
                                    

IVAN'S PoV

I heaved a deep breath. Matapos ang dinner ay doon ko lang naalala si Dra. I pinched the bridge of my nose as I wait for her reply. Kanina pa ako nag-text sa kaniya pero tatlumpung minuto na ang lumilipas ay wala pa rin.

I tried calling her phone pero unattended.

"Kuya."

Napalingon ako kay Ianne. May dala siyang mug. Inilahad niya sa akin ang isa kaya tinanggap ko. Rumehistro agad ang init sa palad ko pagkatanggap no'n. "Salamat. Bakit gising ka pa?" Tanong ko sabay sulyap sa wall clock. Napatingin din siya roon sabay ngisi.

"Eh, ikaw? Bakit ang lalim ng iniisip mo rito?" Tanong niya sabay sandal sa pader ng balkonahe.

Ngumiti ako at tinignan ang laman ng mug. Brewed coffee. Binalik ko ang tingin sa labas ng balkonahe. "Alam mo naman kung bakit.." kalmado kong tugon.

She suddenly chuckled. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Umiling-iling siya. "No."

Nangunot ang noo ko. What is she trying to say?

"You don't look like a problematic businessman, Kuya... you looked like a problematic boyfriend..." she laughed. Tinitigan niya ako ng diretso. "Nag-away ba kayo ni Ate Yllka? Ikaw ba ang nang-away?" Taas-kilay niyang tanong.

Umismid ako at mahinang natawa. "What made you think na inaaway ko si Dra?"

She rolled her eyes. "Then what's with the face? I'm sure you're not texting another businessman at this hour," aniya. "Alangan namang sila na ang ka-text mate mo?"

I chuckled. Hinarap ko na siya at tinitigan. Malaki na ang pinagbago ng kapatid ko. She became more matured each day that I get to see her.

"Why are you interrogating me at this hour, darling? Shouldn't you be resting now?"

She cocked her eyebrow. "Same goes to you, Kuya."

Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong natawa. "Alright. What do you want to know?" Malambing kong tanong sabay higop ng kape.

Sumilay agad ang ngisi sa labi niya. "Kumusta kayo ni Ate Yllka?" Diretsa niyang tanong.

Ngumiti ako. "Ayos lang kami." Tipid kong tugon.

Her eyes flickered with an unreadable emotion. "Were you texting her awhile?" Tanong niya sa prenteng paraan sabay simsim sa hot chocolate niya.

Bumuntong hininga ako at tumango.

Tumaas uli ang kilay niya. Bakit ba mahilig magtaas ng kilay ang mga babae?

"Nag-reply si Ate o hindi?"

Umiwas agad ako ng tingin. Doon pa lang ay alam na ni Ianne kung anong sagot. Humigop na lang uli ako ng kape.

Hindi lumagpas sa pandinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I was really worried of Daddy, Kuya..." she shifted the topic.

Gusto kong bumuntong hininga pero itinigil ko. Humigop na lang ako ng kape. Napaungol pa ko nang mapaso ang dila, mabuti na lang at hindi narinig ni Ianne.

"Hindi ako komportable, Kuya... iba ang pakiramdam ko ngayon."

Doon ko siya nilingon. Kung kanina ay nakaharap ako sa labas ng Mansion siya naman ay nakatingin sa mga paintings sa pader. "I'm scared, Kuya. This is a big blow, and I'm sure it won't be easy... can you really handle this?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya kahit hindi ko makita ang ekspresiyon ng mukha niya. "I don't want Dad to worry about this dahil baka mas malala pa ang mangyari sa kaniya... pero ayoko rin na may mangyaring masama sa'yo, Kuya."

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon