Chapter 10: Badtrip

440 9 3
                                    


Yllka's POV

"Bakit niyo ako sinusundan?" tanong ko agad sa dalawang 'to nang maka-upo sila sa dalawang silyang inihanda ko. Tsk, akala ba nila maloloko nila ako?

"Tinitingnan ko lang kung ayos ka, 'di mo ba nabalitaan 'yung mga aksidente dito sa Lee Residences?" sabi ni Sofia habang nakayuko at nilalaro-laro ang mga daliri. At OO, Tama kayo kung naisip niyong si Sofia at Ivan ang dalawang nakasunod sa akin. At paano ko sila nahuli?

*Flashback*

Naghaharutan pa rin 'yung dalawa sa likod ko kaya agad akong nagpatuloy sa paglalakad.

"Honey, can you please get the umbrella, anduon lang sa may bag."

What?! 0_____0 b-bakit pamilyar 'yung.. B..Boses?! agad akong lumingon duon sa babae at lalaki. T-teka-I'm not..

"IVAN?! SOFIA?!"

*End of Flashback*

"Talaga? eh ikaw, Ivan ? Huwag mong sabihing ganun rin ang ginagawa mo?" nakahalukipkip na tanong ko. Pero--

"Ganun na nga,"

Like what?! "Seriously?" malakas ang tibok ng puso ko but I remained poker face and in my composure.

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. Habang si Sofia-parang bata na nilalaro-laro ang duluhan ng buhok.

"Hindi ka ba naniniwala na iyon talaga ang pakay namin, Yll?" Tanong ni Sofia sa nagtatampong tono habang naka-pout ang mga labi. Argh! Alam niya ang kahinaan ko!

"Don't give me that look!" Sita ko sa kaniya at pasiring na nag-iwas ng tingin. Kaya lang-

"Yllka.. Ano ba kaseng gusto mong iparating sa BESTFRIEND mo? Baka makatulong kami sa paghahanap if ever-"

"Hep! Hep! Hep!" Putol ko sa kaniya habang naka-taas ang dalawa kong kamay sa ere. Nang tumigil siya at hindi na nagtangkang magsalita-namaywang na ako at umirap. "It's too personal, IVAN." inemphasize ko lang rin ang pangalan niya. Aba! Para quits kami! Idiin ba naman ang BESTFRIEND?! gosh, nagiging abnormal na rin ako..

He roll his eye on me while Sofia smile. "Oh! It's TOO personal ba, Yll? Like-you know, confession-"

"Argh! You're crazy!" Putol ko sa kaniya dahil pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. This is insane.. Bakit ba parang....
















Sang-ayon na sang-ayon siya dito kay.. Ivan?!

Nang ma-realize ko iyon ay pinagtaasan ko sila ng kilay. "Bakit nga pala kayo magkasama?!-at tska, bakit parang close na close pa kayo?!" Naghihisterya kong tanong. Doon ko lang din napag-isipan na..

Nakita agad sa akin si Sofia ang mabilis kong reaksiyon kaya pinanlakihan ko siya ng mata! 'Yung tipong sinasabing-'sige-sabihin-mo-nang-makatikim-ka-sa-akin-look' At kita ko ang pang-angat ng labi niya bago tumango-tango habang si Ivan ay nagtataka. Magtatanong na sana siya pero inunahan ko na!

"Eh ikaw Ivan? Paano mo nakita si Sofia?" Mariin kong tanong. Argh! Ito na naman.. I'm being this crazy again! 

Kita ko ang pagkagat niya ng labi...bago nag-angat ng tingin sa akin. Ayan na naman.. Ayan na naman 'yang nakakatunaw na tingin. Nakipag-salubungan ako ng titig sa kaniya. Ngayon ko lang uli nakita ng malapitan ang kabuuan ng mukha niya.. Ang hindi katangusan na ilong pero bumabagay sa kaniya. Ang mata niyang nakakalunod kung tumingin. Ang kilay na makapal ngunit ang presko tingnan para sa.. Akin.. At ang... Ang.. Kissable.. Lips..n-niya-

"*Ehem* tapos na ba ang titigan mode.. Niyo?"

Agad akong nag-iwas ng tingin at binalingan si Sofia na nakangising-aso. Aish, siguradong may namumuo nang konklusiyon sa utak niya! Matalim ko siyang tiningnan dahilan kung bakit mas lalo siyang ngumisi. "I'm just gonna get some water downstair, Ivan.. YLL..." may mapaglarong ngiti sa labi na sabi niya at hindi pa ako nakakapag-react ay nawala na siya sa paningin nami...

Agad kaming nagkatinginan ni Ivan. Pero ang awkward kaya sabay kaming nag-iwas ng titig. Bakit ba ganito? Bakit naghuhuramentado ang puso ko kapag malapit o nakikita ko siya?! 'Di ba dapat sa taong mahal ko ito maramdaman?-pero wait, don't need to panic. Sureness that I'm gonna find him soon.. That's a fact, not an opinion.

"Uhm.. Why are you really.. With my bestfriend?" Tanong ko sa mahinahong boses habang nakaupo na rito sa mahogany chair. Bakit parang ang.. Init ? Kahit na may aircon...? Nilingon ko ang AC at bukas naman iyon pero bakit hindi ko maramdaman ang lamig? Agad akong lumapit doon at itotodo na sana ang-

"Naiinitan ka rin ba?" Biglang tanong ni Ivan na dahilan kung bakit kamuntik na akong mapatili sa gulat!




Argh! Badtrip.. Ba't ang bilis ng mood swing ko?-Oh my!



"Uhm.. I think, it's better if you.. Change," nahimigan ko ang pag-aalinlangan sa boses niya. Oh god! Totoo nga! Walang pakundangang tinakbo ko ang distansya ng CR!



Badtrip! Ba't timing? 

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon