Chapter 45: Vacation

117 3 0
                                    

Chapter 45: Vacation

YLLKA's PoV

Tahimik kong pinanood ang paghampas ng alon sa pampang. Napaka-kalmado ng kapaligiran kaya ang gaan at payapa sa pakiramdam. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na rin naisip ang mga obligasyon ko at basta na lang nagpasiya na tumungo rito kasama sila Mama... at Papa. 

Pinakawalan ko ang isang buntong hininga saka hinubad ang suot na sunglasses. Hindi naman na tirik ang araw dahil magdadapit hapon na. 

"Ang lalim yata ng iniisip mo, anak?" napalingon ako kay Papa na hindi ko man lang naramdamang nakatayo na pala sa gilid ko. 

Lumunok ako. "P-Papa.." usal ko nang humakbang siya para magkapantay kami. 

Nginitian niya ako. "Napakapayapa ng paligid rito... kaya binabalik-balikan ko." aniya habang nakatanaw sa dagat. Tumingin din ako roon at hindi ko mapasubalian ang sinabi niya dahil totoong payapa rito sa beach resort niya. Tipong hindi ka talaga magsasawang balikan. "Hindi ba maganda ang pakiramdam mo rito? Parang kay lalim ng iniisip mo kanina lang..." pagpuna niya uli. 

Umangat ang tingin ko sa mga mata ni Papa. Mukha siyang komportable at masaya. Ngumiti ako pero napawi rin nang maalala ang mga naiwang obligasyon. Lumunok uli ako. "Pasensiya na Papa... ako ang nagdesisyon na pumunta na tayo rito pero kasi... may trabaho po akong iniwan..." at nobyo. 

Tinitigan ko pa rin si Papa para tingnan kung ano ang magiging reaksiyon niya. Akala ko ay mapapawi ang kalmado at payapa niyang ekspresiyon pero hindi. Malambing pa rin ang ngiti niya sa akin. Gumaan tuloy ang bigat sa dibdib ko. "You don't need to worry about your work, anak..." aniya na nagpakunot ng noo ko. "Pinaasikaso ko na sa mga tauhan ko kaninang umaga. Hindi mo na kailangang mag-alala pa at i-enjoy na lang natin itong bakasiyon nating... magpamilya." mas lalong lumawak ang ngiti ni Papa.

My lips twitched. Hindi ako kumbinsido kaya nagtaas ako ng kilay. He laughed. 

"Yes, Hija. You just have to trust me, our vacation is very sudden pero sinigurado kong wala kayong poproblemahin ng Mama mo," he calmly said and the way he stare straight to my eyes... I knew he's not lying. 

Ngumuso ako at marahan na tumango. "Okay, Pa. Thank you." lumapit ako sa kaniya at yumakap. Sobrang gaan kasi sa pakiramdam kapag niyayakap ko siya. Ramdam na ramdam ko 'yung fatherly affection. 

He chuckled. "You are always welcome, anak... I will do everything to cope up with you for the decades of being away..." he whispered in my ear as he embrace me firmly. Sumiksik ako sa leeg niya at napangiti. 

"Yup. We should create memories to fill those lost years of being together, Papa..." bulong ko na siguradong narinig niya. 

----

Dinner was prepared in the clubhouse of the beach resort. Maayos naman ang clubhouse at halatang well-maintained, hindi makaluma ang mga upuan ng mahabang lamesa na yari sa kahoy. May mga dahon ng saging na nakalatag sa lamesa at mayroong kanin sa ibabaw niyon. 

"I took the liberty to prepare our dinner this way." sabi ni Papa nang mapansin na nakatingin ako sa lamesa. Nilingon ko siya pero lumipat na ang tingin niya kay Mama na taas-kilay na nakatingin sa isang may kahabaan ngunit manipis na lamesa kasunod ng naunang mahabang lamesa. "Naka-separate ang mga ulam dahil hindi ako sigurado kung anong magugustuhan niyong dalawa..." dagdag ni Papa. 

Umismid si Mama kaya tumaas ang kilay ko. Nilingon niya ako at pabirong inirapan. "Ayos naman na sa'yo ang ensalda 'di ba?" tanong ni Mama na nagpailing sa'kin. Heto na naman, pasimple na naman niyang inaapi si Papa.

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon