Chapter 6: It's Not Bad, After All

585 11 0
                                    

Chapter 6: It's Not Bad, After All

YLLKA's PoV

Pagkatapos ng walk-out ni Francine natulala nalang ako. Lumipas ang ilang minuto at ganun pa rin ang reaksiyon ko habang nagsimula naman ng panibagong topic sila Ivan. I've just hurt another girl's heart.

"Hija? Are you still with us?"

Deserve ba ni Francine Na masaktan? Hindi ko man siya kilala nang lubusan pero alam ko kung gaano kasakit ang iwanan, ang ipagtabuyan, because we're the same, we're two souls that are broken —

"Are you okay?" agad akong napabalik sa huwisyo nang hawakan ni Ivan ang nanlalamig kong kamay. Napabaling ako sa kaniya at agad na nagsalubong ang tingin namin, he looks calm and cool now, malayo na sa ekspresyong mayroon siya kanina lang.

I clear my throat and nod. "Where's the comfort room? I think I'll need to use it," paalam ko at binawi ang kamay ko na hawak hawak niya. Nagpakawala siya ng tahimik na buntong hininga at sumandal sa sofa. Si Tita naman ay seryosong inaayos ang paglalagay ng design sa kaniyang kape. She's a creative person.

Tumango naman siya at itinuro ang comfort room. Dumiretso nalang ako doon at agad na ni-lock ang pinto at umupo sa bowl.

Francine.. Hindi niya deserve masaktan.

If I put myself on her shoe—well, nangyayari na 'yon sa akin.. I would be like a dead lady. Doctor man ako—may romantic bones rin ako kaya nga ako na-inlove sa bestfriend ko..







Yes.. she don—

"Yllka, I know you're not using the C.R." wika ni Ivan, mula sa labas ng pinto. "...Could you please let me explain certain things for you to understand my part?" he asked. I can feel na nakasandal siya sa pader ng C.R.

Hindi ko tinangkang sumagot. Nanatili lang akong nakayuko habang naka-upo pa rin dito sa bowl. "...But It's fine if you don't want—" Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.

"Hindi ka ba nakokonsensiya?—na nakakasakit ka ng mga taong nakapaligid sa'yo?" putol ko sa nais niyang sabihin. Totoo naman ang sinasabi ko, marami kaming taong masasaktan, bukod kay Francine, sa mga magulang niya. Sa mga taong malapit sa kaniya, at sa akin. Pinapaniwala namin sila sa ideyang malabo namang magkatotoo--mangyayari nalang na magkakatotoo iyon kung totoohanin namin ni Ivan, but for now, it's impossible. He is escaping Francine while I'm a broken soul. Pinapa-asa namin ang mga tao sa paligid namin na totoong may namamagitan sa amin, na siguradong makaka-apekto sa reputasiyon naming pareho. Lal na sa mga trabaho namin.

Ayoko namang makasakit, because that's the last thing I would like to do. Pero ngayon, ni hindi ko man lang mapanindigan iyong panata ko. Hindi ko man lang maipagsigawan na "HINDI KO 'TO GUSTO! THIS IS NOT ONE OF MY PLANS!" Ngunit para akong napipi, ayaw lumabas ng mga salita na 'yan sa bibig ko, nananatili lang akong pipi. Hindi ko man lang masabi na mali itong ginagawa namin. Pero ngayon, nagkaroon ako ng lakas na loob para ipamukha at ipaintindi kay Ivan na marami kaming naapektuhan.


Lumipas ang mga segundo pero wala pa rin siyang isinasagot. Tanging malalim na paghinga niya lang ang naririnig ko. Napagpasiyahan ko na ring lumabas kaya binuksan ko na ang pinto. Pero hindi ko inaasahan na makitang nakatingin siya sa akin.. Mababakas sa mukha ang pagod at.. Sakit.


Hindi ako nakapag-salita sa gulat, nakatitig lang siya sa akin, those tired eyes, ngayon ko lang napansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. He looks exhausted. But he managed to show everyone--around him that he is fine, that everythings;s in control, that he can fix every problem. Nang magpakawala siya ng buntong hininga ay duon ako nakabalik sa huwisyo at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat.  "Hey! Are you okay?—" hindi ko natapos ang nais kong sabihin dahil pinutol niya iyon.



The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon