Chapter 3: Doubting

741 13 0
                                    

Chapter 3: Doubting

YLLKA's PoV

It's past lunch time. At a usual, hindi pa ako nakakapag-lunch.

"Yll. Pina-reserve na kita ng meal sa cafeteria-hindi muna kita masasamahan ngayon, may i-c-check pa kasi ako." paalam agad ni Thea nang magkasalubungan kami rito sa Hallway. Agad ko naman siyang nginitian.

"Okay lang! Masiyado ka na rin kaseng naaabala dahil lagi mo pa akong sinasamahan mag-lunch." seryoso kong habang nakangiti pa rin.

Ngumiti rin naman siya. "That's what friends are for, at hindi mo naman ako naabala," she assured but I know she's lying. Wala na halos mga wards dahil maraming patient. Napaka-imposibleng hindi ko siya naaabala.

But still, I'm thankful at na-i-manage niyang samahan ako nitong mga nakaraaang araw.

"Thank you so much, Thei.." nakangiti pa ring sabi ko. Nakangiti rin siyang tumingin sa akin.

"No prob," at saka kumindat at tinapik pa ako sa balikat bago naglakad paalis.

Nagtuloy-tuloy na lang din ako papunta ng cafeteria nang may makabunggo ako. Medyo napaatras ako sa impact at muntikan ng matumba kaya binalanse ko agaf ang sarili bago tumunghay sa nakabangga ko, kasalanan ko rin naman, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko.

"I'm sorry,"

"I'm sorry."

Agad kaming nagkatinginan.

Pero kalaunan ay siya na ang nag-iwas ng tingin. "Uhm.. Excuse me." kumakabog ang dibdib na sabi ko at hahakbang na sana palayo nang pigilan niya ako.

"Kumain ka na ba ng lunch?" tanong niya. Para bang may nabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita, bagkus ay umiling nalang ako.

Marahan naman siyang tumango. "Sumabay ka na sa'kin," at walang seremonyas na nanghatak sa akin papunta sa elevator. Nagpatianod nalang ako sa kaniya..

Pero iba ang pakiramdam. I really need to stop this. Siguro ay iiwas nalang muna ako-pero hindi muna ngayon.

But it's important to observe myself.

-----

"So. How's being an intern?" tanong niya habang kumakain kami ng lunch dito sa Conference Room.

Siyempre. Alangang kumain kami sa Cafeteria nang magkasama gayong sekreto lang naman ng mga board members, ng parents niya at secretary niya iyong tungkol sa 'Relationship kuno' namin dahil paniguradong maraming magbibigay ng violent reaction.

"Great, everything's fine," seryosong sagot ko at naka-poker face. Kahit na ba kabaligtaran ang nararamdaman ko sa loob-looban ko. Dahil para na akong aatakihin sa puso sa bilis ng tibok nito.

Marahan naman siyang tumango bago ulit nagpatuloy sa pagkain. Pero this time. Ako naman ang magtatanong.

"Ivan, can I ask?" tanong ko at marahan naman siyang tumango habang nakatingin sa akin pero patuloy sa pagsubo. "Wala ka ba talagang ibang pwedeng pagpanggapin na girlfriend bukod sa'kin?" tanong ko na dahilan kung bakit siya nabulunan.

Agad kong inabot sa kaniya 'yung mineral water. Don't get me wrong kung bakit ako nagtanong pero I think-this is the good time to ask about it..

Para naman maka-iwas na ako-kung saka-sakali.

"'Wag ka ngang nambibigla ng tanong!" nakasibangot ang mukhang tanong niya.. Pero ba't... ang manly pa rin ng itsura niya?-Aish! Gwapo naman talaga 'yan! 'Di na dapat ako magtaka!

"Uh, sorry?"

He looked at me na parang hindi siya makapaniwala. And then- "Ganiyan ba talaga ang isang Yllka Dez? Masiyadong matanong sa likod ng pagiging future- doktora?"

Doon ako napairap sa kaniya at humalukipkip. "Tss... 'Wag mo ngang ipunta sa akin ang usapan!" pataray na sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Nakita ko namang napailing siya ngunit nakangiti.. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" naka-taas ang kilay na tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Inosente siyang tumunghay sa akin. "Is it bad to smile?" sabay ngiti ng pilyo. Tss... This guy...

Oh wait! Ngumiti ako ng nakakaloko sa kaniya. Siya naman ang nagtaka. At bago pa siya makasalita ay nauna na ako- "Ganiyan din ba ang CEO nitong Yang Hospital? Makulit?" and when I said it his face quickly changed. And I instantly burst in laughter!

"Tss.. I never imagine that you will be this jolly, instead I have imagined you being a scary and timid person," iiling-iling na sabi niya pero nakangiti naman. "No offense." Dagdag niya. Okay. He's weird. Seconds, he'll be upset in me then seconds, he'll be smiling.

Pero shet talaga malagkit! It's making me uneasy!

I stop from laughing and fought a staring competition with him nang mapansing nakatitig naman siya sa akin-Kahit na parang gusto nang kumawala ng puso ko dito sa aking dibdib ay hindi pa rin ako nagpatalo.

"But I'm happy to see that side of yours." nakangiti na naman niyang sinabi. His eyes are sparkling, and the smile is quite distracting.. too radiant..

But I must admit. I'll treasure this talk with him like this. And I'm doubting that I won't fall to him. Pero starting this day, I don't know if I can do anything just to avoid him... or should I? and must?

Dahil kahit na kasal na si Kurt sa iba.. I'm still free to love him secretly. Hindi naman ako gagawa ng ikakasira nilang dalawa..

But.. Ivan is something special.

But I know, only FRIENDSHIP would do for us, makikiramdam muna ako sa sarili ko. This vague feeling, masiyadong magulo. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumugal o ipagpatuloy nalang kung ano ba ang nasimulan ko na. Ang gulo...

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon