Chapter 21: Her Side

240 3 0
                                    

A/N: Ang tagal kong mag-update. Hehe, sensiya na! Pero paalala muna. Break muna tayo sa YllVan. Kumakain pa sila habang naglalandian. Mwehehe. Okay, back to this Chap, Francine's Side. Gusto ko kasing makilala niyo rina ng personality niya. I admit, dun sa POV niyang nauna dito--she's mean and maarte. But as what Ivan said--'she turns the story opposite to the truth'. ^_^

Chapter 21: Her Side

~*~

FRANCINE'S POV

It's Sunday. Gusto kong pumunta ng simbahan pero feeling ko hindi ko lang ma-a-appreciate ang mga tao at ang misa dahil wala ako sa mood. I want to stay this whole day here inside my condo. Wala rin namang interesting na gawin kung pupunta ako sa mansion. Mas lalo lang ako ma-b-badtrip. 

Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa dresser ko. I sat in the chair and stare at my reflection in the mirror. I look awful, awfully gorgeous. Hayss.. Wala akong time para mag-emote ngayon, at feeling ko mamatay lang ako sa boredom kung mag-i-stay nalang ako dito sa bahay. Maybe I'll go to the mall, do my usual routines. Or visit my boutique? Hmm... I have more time to choose maliligo nalang muna ako nang ma-refresh naman itong umaga ko. I want to have a break in my emotional life. Tsk, hirap kasi nang pinanganak na maganda--kusa nang inaayawan. My cup of gorgeousness overflows kasi, isa pa 'yung unggoy na Kurt na 'yon. Bwisit. 

Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang ritwal ko sa pagligo. It's fine naman kung umabot ako ng dalawang oras sa banyo, ayos lang. Wala namang naghihintay. Nobody cares kung kinain man ako ng inidoro. Napangiti ako ng mapait, hindi ako dapat mag-inarte dito. Baka pumait din ang amoy ko mamaya. Tsk. I'm still bubbly pa rin pala. 

~*~

"Ma'am! Good morning po! Bakit po hindi niyo kami in-inform na pupunta po kayo? Edi sana, nakapaghanda kami ng miryenda habang nasa office kayo?" gulat na tanong ni Everest. One of my staffs here in the boutique. Siya ang pinaka-head dito sa mga staff and we're close. She's good and brilliant but all the times--her tongue is undeniably sharp. Dahilan kung bakit siya na-i-pa-love team sa isang lalaking empleyado sa kabilang boutique, men's boutique.

I smile, the genuine. "Mornin' also. Sinasadya kong 'wag kang in-inform. Para masurpresa ka sa bigla kong pagdating kung sakaling may ginagawa kang kalokohan dito." pabiro kong sabi at may poise na ipinatong sa counter ang bag kong nabili ko sa kinita nitong pinakamamahal kong boutique. 

"Aysus! Dapat nga taasan mo pa ang suweldo ko dahil masiyado kong kina-career ang paggamit ng iba't ibang lengguwahe sa mga foreign customers. You know, tourism eh." pagmamayabang niya na may halong biro. We both chuckle. 

"You and your aircon really fits here in my shop." komento ko at nagsimulang maglakad papasok sa office ko. 

I heard her laugh, tipong parang hindi siya babae. Taliwas kapag kausap niya ang mga customers namin. "Thanks for the damn compliment, MissGorg!" pahabol niya ng sigaw bago ko tuluyang maisara ang pinto ng office ko. I smile, it's so good na maramdaman uli ang atmosphere nitong classy kong boutique. 

Bumungad sa akin ang simple kong desk, pinapalitan talaga nila ng mga fresh na bulaklak ang flower base na nakapatong doon sa bandang gilid ng right side. Ibinibilin kong linisin itong office ko every two days at si Everest ang namamahala sa buong shop, while I'm in charge with the clothes. 

Umupo ako sa swivel chair. It's been five years since naitayo ko itong clothing line ko. Nakapagtayo na rin ako ng ilang branch in various countries--perks of being a Xhien. Napakinabangan ko ang apelyidong dala-dala ko para makabangon sa sarili kong mga paa. Nagawa ko na ring makapag-invest sa iba't ibang mga stocks, nauto akong paikutin ang pera. I can now by what I wanted without the money of my parents. Hindi ko na kailangan pang magtiis na makasama sila sa iisang bubong para lang mabigyan nila ako ng mga pangangailangan ko.

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon