Part 1

12.8K 77 1
                                    


Si marge isang ofw sa hongkong ulit nung umalis sya ng pinas sa pangalawang pagkakataon ay punong puno ng pangarap sa buhay para sa kanilang mag asawa sa kanilang pamilya.

Napilitan lang syang umalis ulit pagtapos ng isang taon sa kadahilanan na nawalan ng trabaho ang kanyang asawa.

"pa siguro kailangan ko na ulit umalis,wala na tayo pang gastos hindi na sapat yung kinikita natin sa tindahan eh bago pa tuluyang mag sara tayo eh sayang naman di ba? " paliwanag ni marge sa asawa nya dahil ayaw na sana sya nito pabalikin ulit sa hongkong kaso lang nawalan naman ito ng trabaho kaya naisipan na naman ni marge na mangibang bansa para sa kanilang 2 anak.

Sa kalukuyan kasi ang kanyang panganay ay 7 years old na at pangalawa naman ay nasa 5 taon nag aaral na rin kasi ang mga ito sa elementarya at kinder kaya kailangan na isa sa kanila ang kumayod,
Ang problema si nathan ay nahirapan na makahanap ng trabaho,kaya naman pumasok na naman ulit sa isip ni marge na mangibang bansa.

"ok sige ma, wala na talaga akong magagawa eh kasi naman ang hirap na maghanap ng trabaho ngayon talaga dito sa pinas" pagpayag na rin nito sa kagustuhan ng asawa.

"pero isang kontrata ka lang dun huh dalawang taon lang makaipon lang tayo ng konte pang dagdaga puhunan eh bumalik ka na" bilin pa nito.

"uu pa dalawang taon lang para naman sa mga bata tong gagawin natin eh sana sa loob ng 2 taon eh makahanap ka na rin ng bagong trabaho para naman mabilis tayo makaipon." sagot naman ni marge.

Naayos na ang lahat paalis na si marge papuntang hongkong.

Hinatid pa sya ng asawa nya sa airport pero di na sinama mga bata sa kahilingan na rin nya dahil baka mahirapan lang sya magpaalam eh magkaiyakan pa sila.

"ma, mag iingat ka ha lage naman tayong mag chachat gabi gabi ok" si nathan habang masuyong hinalikan ang asawa sa noo.

"pa yung mga bata alagaan mo huh pakabait ka wag na masyado iinom huh! " bilin ni marge sa asawa.

Pagka nakay pumasok na si marge s loob para mag check in hinabol pa nya ng tingin ang asawa habang nakamasid ito sa kanya na tila ba nagpupunas rin ng luha.

Di matigil ang pagpatak ng luha ni marge habang hatak hatak ang kanyang maleta nakatingin na nga lang sa kanya yung lalakeng nasa harap nya sa hiya nya ay iniwas na lang nya ang kanyang mata, sabay punas ng luha.

Nakasakay na sya ng eroplano dumerecho sya sa agency at dun na hinantay ang kanyang bagong amo na syang susundo sa kanya.

Di nya maipaliwanag ang kaba at pag iisip na sana ok at mabait ang bago nyang amo.

Mga ilang oras pa ang lumipas hapon na rin ng sunduin sya ng kanyang employer.
Wala itong imik at sobrang tahimik lang na pinasunod sya kahit na nag kakandarapa na sya sa bilis ng lakad nito.

Pagkarating sa bahay ng kanyang amo ay sinalubong sya ng sankatutak na kalat.

Di man lang sya pinag pahinga sinabihan agad syang magsimula na ng trabaho pinagluto na agad sya ng hapunan dahil parating na daw ang asawa nito galing trabaho,ang amo naman nyang babae susunduin ang anak sa eskwela hindi na sya sinama kasi maraming kalat ang kailangan nyang iligpit tuloy luto na rin sya ng hapunan ng araw na iyon.

May isang anak ang amo nya babae 10 years old na kaya di na alagain. May pagka maldita nga lang mana sa ina.

Natapos na ang araw na yun nakapag pahinga na rin sya sa kanyang kwarto,buti na lang at may sarili syang kwarto kahit maliit at may sarili ring cr.

Binuksan nya ang kanyang cellphone at baka may message na ang kanyang asawa.

"ma, kumusta ka na jan ok ba amo mo? " message ni nathan sa kanya.

"pa, katatapos lang ng work ko gising ka pa ba? " di ako nakapag message agad kasi ngayon lang nakisuyo ako kay amo baka pwede makikabit sa wi fi nila,ok naman ako dito kahit medyo masungit si babae eh kaya naman tyagain ang ugali." reply ni marge sa asawa.

"ma,gising pa ako antay ko talaga message mo hinahanap ka kasi ng mga bata eto tulog na sila namimiss na kita,nakakapanibago wala ka dito sa tabi namin ngayon." reply naman agad ni nathan na namimiss na talaga ang asawa.

"pa miss ko na rin kayo agad kaya natin to konteng tiis lang di ba 2 years lang saglit lang yan.. " sagot ni marge.

"uu ma konteng tiis lang pasensya ka na kailangan mo pa tuloy lumayo, kung sana eh may trabaho ako eh dito ka na lang nakakaawa rin mga bata eh" malungkot na sagot ni nathan na naawa rin sa asawa na kailangan mag sakripisyo para sa kanilang pamilya.

"ok lang pa kakayanin ko to basta anjan ka." sagot ni marge.

"uu naman ma walang iwanan sige na matulog ka na at anung oras na bukas may trabaho ka pa pahinga na huh i love you ma." paalam na ni nathan dahil ayaw naman nyang mapuyat ang asawa at alam naman nyang pagod rin ito buong araw kararating pa lang eh sabak agad sa trabaho.

"uu nga pa sige na mas mahal kita kayo ng mga bata kakayanin ko basta para sa inyo." reply ni marge.

"goodnight sweet dreams" paalam ni nathan

"nighty pa" sagot ni marge.

Nakatulog naman ng maayos si marge marahil sa sobrang pagod a byahe at sa trabaho agad.

Maagang gumising si marge asikaso sa almusal ng mag anak saka ayos ng gamit ng alaga nya hatid sa sakayan ng school bus.
Pagbalik ligpit ng kalat na naiwan hugas ng plato.

"i will go to gym now dont prepare lunch coz am not eating here." bilin ng suplada nyang amo.

"ok maam" yun lang nasagot nya sa nerbiyos kakatakot naman kasi itsura ng amo nya mukhang napaka sungit akala mo eh nireregla.

"buti na lang wala silang lahat makakatawag ako kay nathan para makumusta na rin mga bata" sa isip isip ni marge.

"pa musta na kayo jan? " chat ni marge.

"ma,ok lang kami buti naka chat ka wala ka ba bantay? " reply agad ni nathan na kasalukuyang nag babantay ng kanilang tindahan.

"wala pa, tawag sana ako sayo eh anjan ba mga bata? " tanong ni marge.

"uu ma sige tawag ka na" reply ni nathan.

Nakausap rin ni marge mga anak nya at ang kanyang asawa kaya medyo nabawasan rin ang homesick nya.

To be cntinue...

Sana mabasa nyo rin tong pangalawang story ko..

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon