At sa bulacan na nga sila tumira sina art at marge.
"bumangon ka na jan hon at sunduin na natin sila mama at ang mga bata para dito na sila tumira kasi malapit na akong pumuntang cebu alam mo naman kailangan na rin akong makita ng pamilya ko." gising ni art kay marge."ok sige hon maliligo lang ako at ng makaalis na tayo" sagot naman ni marge.
"maliligo ka pwede bang sumabay ha ha ha" pangungutya ni art kay marge
"ha ha ha ayoko nga, pilitin mo muna ako ha ha ha". Biro naman ni marge kay art.
"aahh ganun huh!!!" sabay buhat kay marge sa higaan patungong cr.
"akala mo makakahindi ka ahh ha ha ha!!" sabi ni art na kay marge na wala namang ng nagawa kasi naipasok na sya sa loob ng cr at sabay na nga silang naligo at syempre alam nyo na, hindi naman papayag si art na dumating na ang mga istorbo i mean pamilya ni marge na hindi sila nakaka iskor iskor talaga bago man lang sila mawalan ng privacy.
At natapos na nga silang maligong dalawa na hindi maalis ang ngiti sa labi ni marge na lalong naging blooming pag uwi ng pinas siguro kasi nawalan na sya ng stress sa hk yun nga lang nalalapit na ang pag uwi ni art sa tunay nitong pamilya na kinalulungkot nya at ikinakakakaba kasi nga naman iiwan sya nito at kailangang puntahan ang mag ina nya sa cebu pero anu namang magagwa nya eh hindi naman sya ang legal na asawa nito.
Dumating na ang mag anak ni marge sa kanilang bahay sa bulacan pero bago pa man sila umuwi ay nakapag usap na sila ng mga magulang ni marge sa restaurant kasi bago sila umuwi ay nag dinner na muna sila sa sm marilao yun yung malapit na mall sa bulacan kaya naman napag usapan na rin nila ang sitwasyon nila.
Nung una ay di matanggap ng pamilya bi marge ang sitwasyon nya bilang isang kabet na nga ngayon na sinu ba naman ang may gusto di ba? Kaso wala naman na syang magagawa eh anjan na yan eh.
So ayun napagkasunduan na nga nilang pananagutan ang bata at titira sila marge ng pamilya nya sa bulacan kasama ang kanyang dalawang anak.
Naging ok na rin naman na ang lahat.
Hinatid ni marge si art sa domestic airport papuntang cebu nagyakapan ang dalawa at panay ang iyak ni marge na may halong selos at kaba na baka pag uwi ni art sa tunay nyang asawa ay makalimutan na ito at makonsensya erase erase erase naku po wag nman sana kasi kawawa naman sila ng pamilya nya pero hindi hindi hindi bale nya ulit sa naiisip nya iba si iba si art sabi nya sa sarili nya.
"hon natatakot ako baka pag uwi mo sa tunay mong asawa kalimutan mo na kami ng magiging baby natin?" pag aalala ni marge na panay pa rin ang patak ng luha at parang batang nakayakap sa nobyo.
"anu ka ba hon ng inuwi kita dito sa pinas buo na ang loob kong panagutan ka bat kita iiwan sa anung dahilan pasensya ka na kung nag lihim man ako sayo na may pamilya ako kasi yun lang naisip kong paraan para maging tayo kasi mahal na kita kung bakit kasi huli ka ng dumating sa buhay ko mahal na kita marge! Wag kang masyadong mag isip kasi baka pumanget baby natin pag labas nyan sinasabi ko sayo" pang aalo ni art kay marge.
Alam din naman ni art kung anu nararamdaman ni marge syempre nga naman yun yung totoong pamilya anu nga ba naman ang laban nya.
Pero sinabi naman na ni art na babalikan sya bago ulit ito sumampa sa barko."pangako.mo yan hon ah? Mga ilang buwan ka ba sa cebu kailan ulit ang sampa mo mamimiss kasi kita eh". Si marge na para talagang bata na ayaw mawalay sa nobyo.
"after 2 and half months 3 months lang kasi bakasyon ko eh nagamit ko na yung half month di ba kasama ka ngayon naman dun na muna ako sa asawa ko kasi magtataka yun pag di ako umuwi sinabi ko lang na may inayos pa ako sa manila kaya hindi ako nakabalik agad sa cebu pero hayaan mo mag papa extend ulit ako ng 2 weeks bago bumalik ng barko para naman makasama ulit kita huh? Kaya wag ng malungkot pag may time mag chachat tayo huh video call para naman makita pa rin natin ang isat isa kahit sa cellphone man lang. Paliwanag ni art para maalis na ang pangamba ng kasintahan.
"ok sige". pag payag na rin ni marge.
Nakasakay na nga ng eroplano si art at si marge naman bumalik na sa bulacan.
Pagdating ni art sa cebu ay sinalubong sya ng kanyang mag anak na sabik na sabik sa kanya kasama ang kanyang anak.
Sabay halik sa asawa at yakap sa anak.
"babe miss na miss na kita!!" sabay halik kay art ng misis nito.
"miss you too babe saan nyo gustong pumunta? Gusto nyo pa ba munang mamasyal ni jake o uwi na tayo ng makapag pahinga bukas na lang?" tanong ni art sa asawa at anak nya.
Jake pangalan ng anak ni art.
7 years old na ito. Nag iisang anak lang nila.
"babe gusto kong pumasyal may nakita kasi akong sale sa mall sige na pls mag shopping muna tayo". Si bliss asawa ni art mahilig talaga syang mag shopping shopaholic kahit pag nasa barko sya ay wala na tong ibang bukambibig kundi may sale at may nakitang magandang damit lageng ganun kaya nga minsan iniisip ni art kung pang shopping lang ba talaga ang kailangan nito sa kanya kasi nga naman mag memessage lang ito pag malapit na sahod at pag may gustong ipabili.
Ibang iba talaga kay marge na napaka simple at walang hilig sa shopping.
Ngayon nya tuloy napag kukumpara yung asawa sa ibang babae simula ng dumating si marge sa buhay nya.Itutuloy thanks for reading....ngayon ko lang ulit na update..please read again my story
BINABASA MO ANG
Seaman's mistress
Romance"walang babaeng ginustong maging pangalawa, Walang babaeng ginustong maging reserba, Walang babaeng gustong may kahati sya, Walang babaeng gustong tawagin na kabet."