Part 3

8.5K 48 1
                                    

"Pa nakauwi ka na ba?" Message ni marge sa asawa.

Mga ilang gabi na rin kasi silang di nakakapag usap ng asawa nya kaya nag aalala na ito at dati ay hindi naman ito ganun.

Hanggang sa nakatulog na lang sya sa kaantay ng reply nito.

"Ma sensya na nagkayayaan kasi mga tropa,kaya ginabi na ako ng uwi pasensya na huh?" Message ni nathan kinabukasan.

"Ganun ba pa mukang napapadalas naman na yata inom mo baka napapabayaan mo na mga bata huh?" Medyo may tampong reply ni marge sa asawa.

"Hindi ma alam mo naman na kung ganu ko kamahal mga bata di ba? Syempre di ko sila pababayaan." Paniniyak ni nathan kay marge.

"Oh sige pa huh basta may tiwala ako sayo,sya sige na at kailangan ko na magsimula ng trabaho yung mga bata huh." Paalam na ni marge dahil san tambak pa ang kanyang naiwang kalat.

"Wag ka mag alala jan ma i love you and i miss you." Reply ni nathan.

"Love you more pa ingat kayo lage kiss mo ako sa mga bata huh?" Si marge at nagpaalam na para makapag simula na sya ng trabaho.

Sinundo na ni marge ang alaga sa school pag ka rating sa bahay ay handa naman sya ng hapunan.
Halos araw araw ganun ang trabaho hatid sundo luto linis bahay,nagkakabuhay lang naman pag malapit na ang day off.

"Marge sama ka ba sa off punta tayong big budha pasyal pasyal naman tayo" aya sa kanya ni jen.

"Talaga sige gusto ko yan sama ako jan" mabilis na reply ni marge palibhasa excited na makita ang mga malalaking budha sa lantau.

"Sige ayain ko na rin sila para maiba naman place hindi lage sa ale ale" sabi naman ni jen.

Namasyal ang magkakaibigan sa lantau harutan habang paakyat kulitan. Picture picture habang kumakain pa nga sila ay may dumaang baka at kinain ang mga dala nilang pagkain. Tawanan at takbuhan tago sa baka na ewan ba naman bakit yung pagkain pa nila napag diskitahan.

"Hay kapagod" si marge na halatang pagod na pagod panu ba naman takbo akyat sa pinakatuktok ang ginawa nila sa lantau.

"Pero sulit naman di ba?" Si jen na kitang kita ang saya.

"Uu nga!". Halos sabay sabay pa nilang sabi.

Nag si uwian na sila sa kani kanilang amo dahil gusto na rin nila magpahinga sa pagod.

"Pa nakauwi ka na ba?" Message ni marge sa asawa.

Kanina pa kasi simula umaga eh walang message ang kanyang asawa sa kanya samantalang dati rati pag off nya nag vivideo call sila.

Ng may message na naka filter sa fb nya.

"Sinu kaya tong babaeng to?" Takang tanong nya sa sarili kasi sexy ang suot nitong damit pero di naman kita bigla na lang syang kinabahan,pagkakita sa mensaheng iyon.

"Hi kawawa ka naman marge,alam mo ba kung nasan ngayon ang iyong asawa?" Mensahe ng babae.

Nakatago ang mukha nito pero ang pangalan hindi naman nya kilala anita aning.

"Sinu ba to?" Nagtataka na talaga sya pero bumibilis na rin ang pintig ng puso nya.

"Hi sinu ka?" Tanong ni marge.

Kasi nung silipin nya ang profile ng babae ay wala naman itong picture kundi puro malalayo naman at di makita ang mukha.

"Concern lang ako sayo,alam mo ba kung sinu kasama ng asawa mo ngayon habang ikaw naghihirap jan?" Sarkastikang reply sa kanya ng babae.

"Anung sinasabi mo?" Nagtataka na talaga si marge na nanginginig na rin ang kamay sa pagmamadaling magchat at malaman kung anu ba talaga gusto sabihin ng babaeng kachat nya.

Di na sya nakontento kaya tinawagan na lang nya.

"Hello sinu ka?" Tanong ni marge sa kabilang linya.

"Wag mo na alamin kung sinu ako ang alamin mo kung sinu kalaguyo ng asawa mo" malditang sagot sa kanya ng babae.

"Anu bang problema mo? Sinu ka ba bakit mo kami ginugulo ng asawa ko?" Galit na si marge.

"Hindi kita ginugulo di ba wala asawa mo ngayon sa inyo nasa baguio sya kasama babae nya pinagtatakpan pa ng mga kamag anak nya kawawa ka naman talaga!" At talagang inaasar na sya ng babaeng anita pa ginamit na screen name.

"Anu ba bakit may prueba ka ba? Bakit ako maniniwala sayo?" Halos maiyak na si marge sa sama ng loob.

"Sige subukan mo tawagan tignan ko lang kung makontak mo pa?" Hamon sa kanya ng babae.

"Tigilan mo ako!" At binabaan na ni marge ng phone ang babaeng di naman nya alam kung anung rason bakit sinasabi sa kanya mga ganung bagay.

"Ha ha ha kawawa ka talaga tanga ka kasi!" Pahabol pang chat ng babae.

Pero di na nya ito nireplyan.
Sinubukan nyang tawagan ang asawa pero cannot be reach nga ito.

Kinabahan na sya ng husto at halos himatayin na sya sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Panu kung totoo sinasabi ng babaeng yun?
Panu kung meron ngang babae si nathan?
Anu gagawin ko anu sasabihin ko?

Mga halo halong tanong na gumugulo sa isip ni marge.

Bakit alam ng babaeng yun na hindi na makontak ang asawa nya.

Ang dami nyang tanong,hindi na nya alam gagawin nanginginig na sya sa galit.

Ilang araw ngang hindi nag message sa kanya ang asawa kung anu anu na talaga ang pumasok sa isip nya.

"Ma musta pasensya na ma naputulan tayo ng net kaya di ako nakapag message sayo ng ilang araw" paliwanag agad ni nathan kay marge kahit na wala pa itong tinatanong.

"Di ba nagpapadala naman ako buwan buwan para di tayi maputulan ng net alam mo naman na yan lang komunikasyon natin di ba?
Medyo galit na reply ni marge kasi gumugulo pa rin sa isip nya mga sinabi ng babaeng nag chat sa kanya.

"Sinabi k na nga di ba naputulan ayan na binayaran ko na nga ngayon eh anu pa problema mo?" Pagalit ring reply ni nathan.

"Sinu tong babaeng to?" Iniscreen shot ni marge ang profile ng babae at sinend sa asawa.

"Malay ko sinu ba yan?" Reply naman agad ni nathan.

"Malay ko rin sayo san ka napunta sa loob ng 3 days?" Pagalit na tanong ni marge.

"Wala nag trabaho san ba ako pupunta wala naman akong pera?" Ganti naman ni nathan.

"Talaga anu yung mga sinasabi ng babaeng yan tapos pati phone mo naka off sasabihin mo sakin walang net? Wag mo akong gawing tanga,san ka galing?" Galit na si marge at di na talaga nya mapigil ang galit nya sa asawa,ang lakas lakas pa rin kasi ng kabog ng dibdib nya.

"Hindi ko alam sayo kung anu mga sinasabi mo bat mas naniniwala ka pa jan sa naninira satin kysa sakin na asawa mo?" Pagalit rin na chat ni nathan.

"Ok sige san ka galing bakit di kita makontak?" Tanong ulit ni marge na pilit pinipigilan ang sarili.

"Kayla pareng andy sa pangasinan naiwan ko kasi cp kaya di ako makapag message sayo, wag ka na magalit ma sige na wala akong ginagawa yaan mo imimisage ko yang babaeng yan at mumurahin ko." Pang aamo ni nathan kay marge.

"Ok sige siguraduhin mo lang wala ka ginagawa jan dahil pag nalaman ko ewan ko na lang" banta ni marge sa asawa.

"Wala nga magtiwala ka sakin ok" paninigurado naman ni nathan.

"Ok sige kalimutan na natin yang babaeng yan baka wala lang magawa naninira lang yan" si marge na hindi pa rin nawalan ng tiwala sa asawa,palibahasay mahal na mahal nya kaya kahit anung sabihin nito ay paniniwalaan nya.

To be con....
Goodnight

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon