part 8

5.4K 43 5
                                    

"Bakit ba kasi ang kulit mo?" Reply ni marge kay art.

"Makulit talaga ako kaya wag ka na magtaka jan". Pangungulit ni art kay marge.

"Bakit mo ba kasi ako kinukulit? Maghanap ka na lang ng iba wag ako." Tulak ni marge sa lalake.

"Ikaw lang ang gusto ko,wala ng iba." Pilit pa rin nito.

"Bahala ka nga." Sagot ni marge na medyo nakukulitan na.

"Sige ako talaga bahala." Si art na tila ba hindi talaga titigil gat di napapasagot si marge.

"Marge utot ka ba?" Banat ni art.

"Anung utot? Siraulo ka ba?bakit?" Si marge na nagulat sa tanong nya.

"Kasi di ko mapigilang ilabas ang nararamdaman ko sayo kakabagin ako sasakit ang tyan ko." Patawa ni art.

"Bwisit ka namulot ka pa ng corning joke." Pagsusungit nya pero natawa rin naman sya hindi naman malalaman ni art kung natawa sya kasi nag chachat lang naman sila di lang nya pinahalata.

"Marge bakit ba napakasungit mo menopause ka na ba?" Pang aasar pa rin ni art sa kanya.

"Abay lokong to ah menopause 33 pa lang ako menopause agad bakit mukha na ba akong matanda?" Reply ni marge kay art.

"Eh kasi ang sungit mo sige ka tatanda ka agad nyan sayang yang mukha mo." Reply ni art.

"Pakialam mo ba kung masungit ako?" Pagtataray pa rin nya sa lalake.

"Wala concern lang ako sayo baka tumanda mukha mo wala ng magkakagusto sayo. Pero ako di magbabago gusto pa rin kita kahit pa tumanda mukha mo kakasungit mo sakin." Biro ni art kay marge.

"Lokong to talaga,eh di mabuti kung walang magkagusto di walang manggugulo." Taray ni marge sa seaman.

" hay naku di kita titigilan gat di mo ko sinasagot." Desidido talaga si art na mapasagot sya.

"Huh ewan ko lang sayo mapapagod ka rin." Paghahamon ni marge.

"Matagal bago mangyare yan." Reply ni art.

"Naku bahala ka sige na work mode na muna ako palibhasa ikaw wala ka naman ginagawa kaya kung makaistorbo wagas." Paalam ni marge.

"Sige maya na lang gabi huh chat ulit tayo crush miss you i love you!" Inaasar nya talaga si marge.

" maka i miss you at i love you akala mo naman totoo." Reply ni marge.

"Wag ka na komontra jan yan talaga nararamdaman ko sayo." Sagot ni art.

"Hay naku ewan ko sayo sige na magtrabaho na ako." Paalam ni marge.

"Ok sige mhuwah." Paalam na rin ni art na talagang inaasar si marge.

Hindi na nagreply si marge at hahaba lang ang usapan nila.
Marami pa rin kasi syang tatapusin ligpit sa kwarto ng mga amo palit ng bed sheet.

Natapos na nya lahat ng trabaho sa buong araw binuksan nya ang kanyang cellphone at may message sya mula kay art.

"Hi cinderella tapos na ba work mo nakaduty ako eh pahinga ka na matulog ng maaga wag kukunot ang noo baka maging kamukha mo si princess fiona." Message ni art sa kanya.

Napangiti na lang sya sa message nito ng hindi nya napapansin.
Hindi sya nagreply sineen lang nya ang message nito.

Natulog na sya ng maaga kasi napagod sya sa dami ng ginawa nya buong araw.

Kinaumagahan pagmulat ng mata nya hinanap nya agad ang kanyang phone para na rin makita nya anung oras na saka kung may importanteng message sya.

Meron nga.

"Hoy babae wag ka ng babalik dito sa pinas aaahh at wag mo na kami guguluhin ng asawa mo hindi ka na nya mahal magsasama na kami." Message ng babae sa messenger nya.

Tinignan nya profile wala naman picture.

"Hoy ikaw na impakta ka hindi ko na kinakausap yang asawa ko matagal na simula ng bumalik ako dito bakit lage pa rin ba ako ang bukang bibig kaya galit na galit ka sakin? Magsama kayo mga hayop kayo." Galit na reply ni marge.

Ayun naramdaman na naman nya ang kirot sa puso nya.
Imbes na medyo ok na sya bumalik na naman ulit tuloy yung sakit ng panloloko sa kanya ng asawa nya.

"At talagang magsasama kami wag ka ng mang gugulo." Reply ng babae.

Akala mo ba naman sya yung legal na asawa at si marge pa talaga ang sinabihan na wag mang gugulo lalo lang tuloy kumulo dugo ni marge sa asawa pti na sa kabet nito na ang kapal kapal naman ng pagmumukha para sya pa ang awayin at sabihan na wag ng mang gugulo.

"Hindi ko alam san ka kumukuha ng kapal ng apog kang gaga ka ikaw pa malakas loob sabihan akong wag mang gugulo ang tigas ng mukha nito."  Galit na reply ni marge.

"Ha ha ha kawawa ka naman iniwan ka na ng asawa mo losyang ka na kasi."  Pang iinis sa kanya ng babae.

Lalo namang kumulo ang dugo nya.

"Tang ina mo sayo na asawa ko yang mga ganyang tipo ng lalake dapat pinapamigay na sa mga desperadang gaya mo baka kasi naubusan ka na ng lalake kaya sa asawa ko ang hinahabol mo iyong iyo na yan." Galit na reply ni marge.

Binlock na nya agad ito para di na makapag reply pa sa kanya sasama lang lalo loob nya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.

Hindi na sya naiiyak gaya ng dati pero may kirot pa rin kahit papanu syempre naman asawa nya yun at may mga anak sila naloko lang talaga ang asawa nya sa ganung klase ng babae na napakasama ng ugali pati asawa nya nahawa na sa kagaspangan ng ugali ng kabet nito kasi ngayon mayabang na rin ito magsalita at mahilig na ring mamintas sa kapwa ayun sa mga naririnig nya mula sa mga kamag anak nito na malaki na nga raw ang pinagbago ng kanyang asawa.

Antok na ako.. bukas naman goodnight

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon