part 7

6.1K 48 1
                                    

Pasensya na po medyo dami lang iniisip lately pero tutuloy ko na kwento...

Di na nakatiis ang ang lalakeng kanina pa nakatingin kay marge lumapit na ito Sa kanya at nagpakilala.

"Hi!" Bati ng lalake sa kanilang mag kakaibigan si jen na akala ay Sa kanya interesado agad na tumayo at kinamayan ang lalake.

"Hi ako pala si jen ikaw anu pangalan mo?" Medyo maarteng salita ni jen na inipit pa ang buhok Sa gilid ng kanyang tenga.

"Hi ako pala si art seaman kami". Na nakipag kamay nga kay jen pero kay marge naman nakatingin samantalang si marge dedma lang kunware di nakikita ang lalakeng nagpapakilala.

Di talaga sya tinigilan ng lalake at Sa kanya naman inilahad ang kamay.

"Hi anu pangalan mo?" Tanong ng lalake kay marge. Na todo ngiti palibhasay may dimple hawig sya ni derek Ramsey medyo dark yung balat nya baka kasi nasa laot sila nakakaitim yung hangin medyo skin head din gaya nga ng Sa aktor ang mga mata di pa nagsasalita nangungusap na pero parang wala lang yun kay marge.

"Hi." Matipid na sagot ni marge pero di na sya nakipag kamay nag hi lang sya sabay tungga ng bote ng stallion at napangiwi pa sya Sa pait na lalong nagpangiti Sa lalakeng kaharap nya tinitigan nya ito kasi parang inaasar sya na natatawa Sa itsura nya ng itungga nya ang alak.

"Bakit? Anung nakakatawa?" Supladang tanong nya Sa lalake.

"Wa-wala naman,ang cute mo kasi". Biro Sa kanya ng lalake.

Cute naman talaga si marge hindi mga halata ditong may 2 anak na eh kasi maganda pa rin ang katawan at ang mukha napakasimple pero pag tinitigan mo ng matagal hindi nakakasawa mas lalong lumalabas ang natural na ganda.

"Cute! Cute mo mukha mo. Bumalik ka na nga dun Sa table nyo!" Pagtataboy ni marge Sa seaman.

"Wag dito ka lang gusto mo ayain mo na rin mga kasama mo dito na kayo umupo Sa table namin." Pigil ni jen na tinignan pa ng masama si marge at hinila ng bahagya ang buhok.

"Aray!" Nasabi na lang ni marge sabay hagod Sa buhok nya at sabay irap na rin Sa kaibigan alam nya kasi na nagpapacute eto Sa lalakeng nasa harap nila ngayon.

"Ok lang ba?" Tanong ni art kay marge.

Hindi umimik si marge si jen na lang ang nagsalita.

"Uu wag mo pansinin yan sawi kasi Sa pag ibig yan kaya ganyan yan. Pero mabait yan." Si jen.

Lumipat na ng table ang mga seaman si jen panay pa cute pa rin kay art si ann kinakausap yung dalawang kaibigan pa ni art samantalang si marge parang may sariling mundo kunyare scroll ng scroll ng phone Sa fb kahit wala namang tinitignan nakayuko lang tatagay tapos titingin kay art kasi nahuhuli.nyang nakatitig pa rin ito Sa kanya sabay irap naman sya na mas lalong nagpapa challenge Sa lalake dahil halos lahat na yata ng babae Sa bar eh nagpapacute dito pero tanging sya lang yata ang hindi pumapansin Sa lalake.

Si jen panay pa rin pa cute kaso nakakahalata na sya.Na kay marge pa rin ang tingin nito kaya di na nya napigilan ang sarili.

"May gusto ka ba sa friend ko?" Derechang tanong nito kay art kasi ba naman kahit na yata anung gawin nya eh Di sya pinapansin nito at na kay marge pa rin ang atensyon.

"Crush ko sya." Prangkang sagot rin nito.

"Ganun? Ako hindi mo type?" Pangungulit ni jen.

"Mas gusto ko yang friend mo."sabay turo ni Arthur kay marge.

Na kinapagtaka ni marge kasi hindi naman nya iniintindi ang mga ito kung anu ang pinag uusapan di nya rin marinig kasi ang ingay ang totoo wala rin naman syang interes pakinggan pinag uusapan ng mga ito.

"Anu yun bakit mo ko tinuturo jan inaanu kita?" Supladang tanong ni marge.

"Sabi ko crush kita!" Sagot ni art.

"Anu ngayon? Wala akong pakialam sayo!". Medyo Lasing na si marge pero napakataray pa rin.

Simula kasi ng lokohin sya ng asawa at tila ba naging man hater na ito,tingin nya sa mga lalake pare parehas ng manloloko.

"Ang sungit mo!" Sagot ni art.

"Talaga!" Mas mataray na sagot ni marge ngayon.

"Eh kung ako na lang kasi ang ligawan mo eh." Si jen na hindi naman obvious masyadong pinipilit ang sarili kay art kahit pa alam naman nitong si marge ang gusto.

"Eh si marge nga gusto ko eh" pilit pa rin nito.

"Hala sya sige kung mapasagot mo yan eh good luck pero kung hindi sakin ka rin babagsak ha ha ha". Biro ni jen.

"Yan ang gusto ko Sa babae yung pakipot, para nahihirapan ako." Si art na talagang desididong ma pasagot si marge.

"Huh ewan ko sayo manigas ka jan!" S marge na pikon naman kay art.

Mas lalong nagtawanan ang buong grupo ng marinig nilang napipikon na si marge.

Kantiyawan tawanan napag katuwaan tuloy asarin si marge at kantiyawan naman si art, na lalong ikinapikon ni marge at nanahimik na lang Sa sulok.

Maya maya pa ay nag aya nang umuwi si marge curfew na kasi nya kaya kailangan na rin nyang umuwi.

Nagpaalam na sya na mauna na Sa mga ito.

"Sa sunod na linggo na lang ulit mga bebe uwi na si cinderella" paalam ni marge.

"Maya ka na umuwi! Di mo pa nga ako sinasagot eh". Pang aasar ni art kay marge.

"Sagutin mo mukha mo!!" Si marge na halatang asar na asar na kay art sa pangungulit nito.

Ma's lalo namang ikinatuwa iyon ng binata kasi mas lalo syang mag kakakagusto dito dahil iba sya Sa mga babaeng andun Sa bar na kahit hindi nya ayain ay kusang sasama Sa kanya di tulad ni marge na napaka suplada at napakahirap kunin.

Umuwi na ng bahay si marge nagligpit ng konte pagkanakay natulog na madali sya nakatulog pibhasay nakainom.

"Hi Morning!" Message Sa kanya Sa Viber.

Nagtaka naman sya kasi mga kaibigan lang naman nya nakakaalam ng number nya.

"Sinu ka?" Reply nya.

"Si art to". Reply ni art.

"San mo nakuha number ko?" Mataray na sagot ni marge Sa seaman.

"Kay jen pinilit ko sya ayaw nya nga ibigay sana kasi baka magalit ka daw eh pero crush talaga kita kaya pinilit ko sya. Wag ka sana magalit Sa friend mo kinulit ko lang talaga sya eh lasing na kaya ayun binigay na rin." Paliwanag ni art.

"Yung gagang yun talaga" reply ni marge pero di naman sya galit Sa kaibigan.

"Ok lang yan gusto ko lang naman mapalapit sayo eh". Pakiusap ni art kay marge.

Itutuloy mamaya ulit bago ko mag sleep lowbat na eh.
Thanks for reading.

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon