Pagtapos ng gulong yun umuwi na muna si marge Sa kanila dun na muna sya tumira,habang inaantay nyang matapos ang bakasyon nya madalas nagpupunta dun si nathan humihingi pa rin ng tawad Sa nagawa nyang kasalanan.
"Ma,patawarin mo na ako parang awa mo na alang alang lang Sa mga bata". Sumamo ni nathan Sa asawa.
Pero parang kahit na anu pang pakiusap Ang gawin nya at tila bingi na ito sa kanya na para bang walang naririnig at nakatingin lang sa kawalan.
"Wala ka na bang sasabihin? Umalis ka na!!!" Galit pa rin si marge Sa asawa.
Samantalang nakasilip lang Sa pintuan nila ang mga anak nila na nasasaktan sa nakikita Sa kanilang mga magulang,yung dating masaya nilang pamilya ngayon nalamatan na ng dahil Sa kahinaan ng kanilang ama.
Agad na inalis ni marge ang pagkakahawak ni nathan Sa kanyang kamay at tuluyan ng pumasok Sa loob ng kanilang buhay..
"Pumasok na kayo sa loob dun lang tayo Sa loob ng kwarto manood ng tv." Utos ni marge Sa mga bata.
Na wala namang nagawa kundi sundin ang ina.
Nakaupo lang silang tatlo na para bang nakikiramdam din ang mga anak nito Sa kanya alam na rin kasi nila nangyare Sa mga magulang may isip na rin naman na kasi ang mga to.
Nagtataka naman ang dalawang bata na nakatingin Sa ina kasi cartoons yung pinapanood nila at hindi drama pero ang kanilang ina nakatulala at panay ang tulo at punas ng luha.
Niyakap na lang sya ng dalawang anak na lalong nagpaiyak Sa kanya, naawa sya Sa mga anak nya ba naman kasi nag abroad lang naman sya para makatulong Sa pamilya nila tapos eto pa mangyayare.
"Mga anak aalis na ulit si mama magpapakabait kayo kayla lola huh kailangan na magtrabaho ni mama ulit para makapag aral kayo ng maayos lalo na ngayon alam nyo naman na tayo tayo na lang." Bilin ni marge Sa mga anak.
Natapos na rin kasi ang kanyang bakasyon at kailangan na nyang bumalik Sa Hong kong kahit labag pa sa kanyang kalooban.
"Nay paki bantayan muna mga anak ko mag iipon lang ako Paras saming mag iina". Bilin ni marge Sa ina.
"Uu anak kami ng bahala ng tatay mo Sa mga bata wag ka na masyado mag isip alagaan mo sarili mo dun". Sagot ng kanyang ina.
"Opo nay Salamat". Paalam na marge at nilapitan muli ang kanyang mga anak at niyakap ang mga ito ng mahigpit Iyakan naman ang mga bata na ayaw na sanang umalis ang kanilang ina.
Iyakan na silang lahat pati ang kanyang nanay naiyak na rin, pati ang tatay nyang kanina at tahimik lang nakamasid kasi nga nastroke ito kaya hirap ding mag salita pero pinilit pa ding magsalita
"Mad ii- i-nat ka na-na-nak" hirap man ay napaalalahanan pa rin ang anak na mag ingat.
"Opo tay" sabay yakap Sa ama na sabi ni marge.
Mabilis na nakarating na agad si marge Sa hongkong malapit lang naman kasi ito kaya saglit lang biyahe.
Sinalubong sya ng kanyang alaga na tila ba eh sabik na sabik na makita sya.
Naging malapit na rin kasi ito Sa kanya kahit papanu.Andun rin Ang amo nyang babae na agad syang tinanong kung ok na sya.
"How are you? Are you ok now?". Tanong ng kanyang amo.
" yes ma'am am ok, will be ok soon I mean." Pag alangan ni marge kasi di rin nya sigurado nararamdaman nya.
"It's ok youll be ok no need to rush". Sagot nito.
Natapos na rin Ang buong araw pahinga na sya tingin Sa phone silip Sa profile ng asawa sabay iyak na naman Di nya talaga mapigilan ang mga luha Sa kanyang mga mata na pumatak.
Ilang araw buwan na ang lumipas medyo nakakangiti na sya nakakarecover na unti unti..
"Marge nomu tayo?" Aya ni jen Sa kanya.
Matagal tagal na rin kasi silang di umiinom kaya namimis na sya ng mga ito sa inuman.
"Sige ba san tayo? Mabilis na sagot nya palibhasay namiss na rin naman na nyang uminom at mag videoke.
"Dun tayo sa mas mura syempre". Sagot ni ann.
"San nga?" Sagot agad ni jen.
"Ale ale 1 tayo." Si ann ang bilis talaga sumagot.
Nakarating na sila sa bar na tinatambayan nila dati.
"Be anjan na mga seaman!!" Excited na bulong ni jen kay marge.
"Anu ngayon?" Walang muang na sagot ni marge.
Eh wala naman talaga syang pakialam kahit ilang barko pa ng mga seaman ang dumating sinu ba sila sa isip nya.
Palibahasa broken hearted.Si jen na halos di mapakali sa pagkakaupo hindi malaman kung san ihahawi ang buhok na todo pa cute pa rin sa mga seaman na nag iinuman na rin sa kabilang table.
Hindi napapansin ni marge na may isa na palang seaman na kanina pa sya pinagmamasdan at ang buong akala naman ni jen sa kanya nakatingin kasi kanina nya pa rin ito tinititigan at panay pacute.
Antok na ko sorry late update..sunod ulit sensya na po
BINABASA MO ANG
Seaman's mistress
Romance"walang babaeng ginustong maging pangalawa, Walang babaeng ginustong maging reserba, Walang babaeng gustong may kahati sya, Walang babaeng gustong tawagin na kabet."