" tara na ligpit na natin mga kalat natin lipat na tayo sa ale ale." Yaya ni ann.
"Ok sige tara na." Sagot naman ni jayson.
Nagligpit na sila pagnakay nag tungo na sa ale ale.
Marami rami na rin nainom ni marge kaya medyo nalasing na sya.
"Uwi na ako guys." Paalam ni marge sa mga kaibigan.
"Marge hatid na kita mtr medyo lasing ka na eh." Prisinta ni art.
"Oo sige ikaw bahala." Sagotni marge di na nya kinontra pa si art nakita naman na nya kasing mabait naman pala ito kaya hinayaan na lang nyang ihatid sya nito sa mtr lang naman.
Naglalakad na sila sa hagdan ng maoff balance si marge buti na lang at mabilis syang nasalo ni art kundi ay gumulong na sya sa hagdan.
"Aaayyy!!" Nabigla si marge.
"Ok ka lang ba? Lasing ka na talaga." Alala ni art kay marge.
hinawakan na nya ito sa braso kasi alam nyang lasing na si marge kasi paekis ekis na rin ito maglakad.
"Marge pede ba kitang ligawan?" Tanong ni art kay marge.
"Huh?" Takang tanong ni marge kay art kahit naman kasi medyo lasing na ito eh matino pa rin naman isip nya naiintindihan pa rin naman nya sinasabi ng kausap.
Nagulat lang sya ng tanungin sya ni art kasi alam naman nito sitwasyon nya tapos liligawan pa rin sya."Sabi ko pede ba kitang ligawan?" Ulit ni art.
"Wala pa ako panahon jan eh kung mag aantay ka ba eh why not". Sagot ni marge.
"Talaga? Willing akong mag antay kahit ilang araw". Biro ni art.
"Araw?" Biglang tanong ni marge.
"Ha ha ha joke kung kailan mo ko sagutin,wag lang masyado matagal kasi baka matapos na kontrata namin dito saka mo ako sagutin wala na ako nun dito." Sagot ni art.
"Bakit mo pa ako nililigawan eh aalis ka rin naman pala". Sagot ni marge.
"Kasi gusto kita!" Deretsang sagot ni art.
"Ganun lang gusto mo lang ako eh panu naman ako pag mahulog ako sayo babye din?" Sagot ni marge.
"Hindi naman sa ganun,bat di mo muna kasi ako subukan eh bago ka mag isip ng iiwan ka." Paliwanag ni art.
"Nasaktan na ako natatakot lang akong masaktan ulit kaya naninigurado lang ako sa nararamdaman ko" sagot ni marge.
"Bigyan mo ako ng chance papatunayan ko sayo." Sabi ni art.
"Pag iisipan ko." Sagot ni marge.
"Wag mo na kasi pag isipan eh subukan mo na lang." Pangungulit ni art.
"Nag mamadali ka may lakad ka ba?" Pilosopong sagot ni marge.
"Uu meron kaya sagutin mo na ako." Makulit talaga si art.
"Bahala ka mag antay ka,kung seryoso ka mag aantay ka." Hamon ni marge.
"Ok sige magiging akin ka rin crush!" Biro naman ni art.
Nangiti na lang si marge sa sinabi ni art.
"Ok sya sige na dito na mtr sakay na ako bumalik ka na dun sa mga friend mo." Paalam ni marge.
"Bye wala bang goodbye kiss jan?" Biro ni art
"Utot mo!!" Sagot ni marge.
"Ha ha ha ha sige na ingat ka huh" natatawang paalam ni art kay marge.
Nakasakay na si marge sa mtr.
Hanggang sa nakauwi na sya ng bahay ng amo nya."Hi maam good evening." Bati ni marge sa amo nakaupo kasi ito sa sala nanunod ng tv.
"Good evening too. Did you eat dinner already because theres food there inside the fridge we eat yam cha we have so many left over thats why we bring it back home if you want to eat just heat it up." Alok sa kanya ng amo nya good mood ito ngayon kaya mabait sa kanya.
Kungsabagay mabait na rin naman na to sa kanya simula ng nasasabi na nya ang problema nya sa asawa nya dito.
"Thank you maam i will eat it tomorrow." Sagot nya.
"Ok so just go to sleep do the work tomorrow." Sagot ng amo nya.
Alam kasi nito pag off nya na bago sya matulog eh nagliligpit muna sya ng kalat pero ngayon sinabihan na sya na bukas na lang nya gawin yun.
Pumasok na sya ng kwarto oag kahigang pagkahiga bagsak tulog na tulog na sya.
"Morning cinderella." Message ni art sa kanya.
Pag kagising nya kasi ay cellphone agad ang hawak nya kaya nabasa mya agad yung message ni art sa viber.
"Morning din" reply nya.
Na agad namang naseen ng seaman.
Siguro ay talagang inaantay nito ang message mula sa kanya kaya nabasa agad nito ang message nya."Kumusta ka na may hang over ka ba?" Tanong ni art.
"Wala naman ok lang naman tama ko." Reply ni marge.
"Aaahh buti naman mahirap kasi mag work pag may hang over." Reply ni art.
"Kaya nga kaya nga konokontrol ko rin minsan inom ko kasi one time nasobrahan ako ng inom grabe sakit ng ulo ko." Reply ni marge.
" wag mo na ulitin yun. Marge maiba tayo may pag asa ba ako sayo?" Tanong ni art.
"Bakit ka ba nagmamadali?" Sagot ni marge.
"Di naman ako nagmamadali tinatanong ko lang kung may pag asa ako?" Reply ni art.
"Hhmmm saka ko na sasagutin yan pede ba yun?" Iwas naman ni marge sa usapan.
"Ok sabi mo eh antayin ko sagot mo mamaya huh?" Reply ni art.
"Mamaya agad?" Reply ni marge.
"Uu" tipid na sagot ni art.
"Hay naku bahala ka jan mag antay ka!" Sagot ni marge.
"Uu mag aantay nga ako" sagot ni art.
"Oh sya sige na maya na lang tayo chat ulit mag tatrabaho na ako." Paalam ni marge.
"Ok sige crush maya na lang habang naglilinis ka pag isipan mo yung tanong ko huh?" Pangungulit nito.
"Uu na sige na." Sagot na rin ni marge na nakukulitan na.
"Uu na tayo na talaga?" Biro ni art kay marge.
"Loko ka hindi pa noh sabi ko uu na pag iisipan ko yung tanong mo wala pa sagot." Reply no marge.
"Sige antayin ko sagot mo mamaya." Reply ni art.
"Ok." Yun nalang nireply ni marge dito.
Tinapos na nya lahat ng gawain buong araw pagod.
Pahinga na sya sa kwarto.
May message na naman si art at nangungulit na naman ito na sagutin na nya."Anu na napag isipan mo na ba?" Message ni art.
"Hindi pa!" Reply nya.
Gang sa natapos na buong linggo patuloy sa panunuyo si art sa kanya.
After one month.
"Ok sige na payag na ako" sinagot na ni marge si art.
"Talaga?" Hindi maitago ang saya ni art dahil sinagot na rin sya ng babaeng pinapangarap nya.
Nagbunga rin ang pagtitiyaga nya dito.
"Uu nga ayaw mo bawiin ko na lang sinabi ko!" Biro ni marge.
"Hindi ah sinabi mo na eh bawiin pa. I love you marge" sabay halik ni art sa noo ni marge nasa roof top kasi sila ng ifc at maraming tao kaya sa noo lang sya hinalikab nito.
To be con...
BINABASA MO ANG
Seaman's mistress
Romance"walang babaeng ginustong maging pangalawa, Walang babaeng ginustong maging reserba, Walang babaeng gustong may kahati sya, Walang babaeng gustong tawagin na kabet."