Sunday na unang day off ni marge.
Kasalukuyang kumakain sya kainang pinoy sa gilid ng worldwide ng may babaeng dumating na tila ba pamilyar sa kanya."hoy bruha musta ka na? " si jen yung kasabay nya sa training center noon.
3 years mahigit na rin nakakalipas mula ng last na kita nila panu ba naman nawalan sila ng contact kasi yung luma nyang fb hindi na nya matandaan password kaya di na nya mabuksan,mula noon di na sila nakakapag usap.
"hoy jen!! " yakap agad ni marge sa kaibigang matagal ng di nakita.
"musta? Anu sinu kasama mo? " tanong ni jen kay marge.
"ok lang ako,kababalik ko lang ulit. Ikaw musta ka naman ang ganda mo na aahh" sagot ni marge.
Gumanda na talaga si jen kesa nung una nilang alis punta hongkong,mukha pa silang ewan noon.
Iba kasi pag nasa ibang bansa ka nag bobloom ka di ko alam kung dahil ba sa klima o dahil sa natuto ka na lang din mag ayos.
"eto naman para mo na rin sinabing ang panget ko dati! " natatawang sabi ni jen.
"hindi naman mas blooming ka lang ngayon" sagot ni marge.
"talaga ba? Nga pala san lakad mo ngayon ay sya nga pala eto friend ko si ann. " pagpapakilala ni jen sa babaeng kasama nya.
"hi ann ako pala si marge nice to meet you. Wala nga ako mapuntahan be eto kumakain lang ako mag isa." sagot ni marge.
"isama na lang natin sya puntang agency tapos sama na rin natin sya sa ale ale". Aya naman ni ann.
Si ann na talagang manginginom, palibhasa ay bata at dalaga pa kaya wala pang obligasyon kaya mas madalas happy happy lang ang ginagawa.
"umiinom ka ba marge? " tanong ni jen.
"hindi eh". Sagot naman ni marge.
"aahh eh di tara sumama ka samin para matuto ka." sabay tawang sabi ni ann.
"huh saan? " takang tanong ni marge.
"sa ale ale! " sabay na sabi ng dalawa.
"anu yung ale ale san yun malayo ba? Saglit lang ba tayo dun? Anu gagawin natin dun? " taka at sunod sunod na tanong ni marge.
"basta sumama ka na lang kasi wag na maraming tanong mag eenjoy ka dun". Sabi ni jen.
Ale ale ang pinaka buhay na lugar sa central para sa mga kunyang na mahilig sa party at inom buhay na buhay ang night life.
Sumama nga si marge sa dalawa para na rin malibang sya kasi wala naman sya ibang kaibigan saka wala rin naman sya ibang mapuntahan.
"be lasing na ako lagot ako nito kay amo ang daya nyo kasi sunod sunod tagay nyo sakin eh". Si marge na lasing na lasing na.
"ok lang yan be tinuturuan ka lang namin para masanay na yang katawan mo sa alcohol simula ngayon." sabay tawang sabi ni jen.
"uu nga marge masasanay ka rin sa umpisa ganyan lang yan". Sabi naman ni ann.
At yun nakatulog na si marge sa sulok sa kalasingan. Pinunasan na sya ng dalawa ng basang towel na hiniram nila sa counter. Pinainom ng kape pinulbusan para mawala ang tama.
Ng mahimasmasan na si marge ay agad etong tumayo at parang nagulat pa pag tingin sa oras.
"hala patay ako nito lampas lampas na ako sa curfew! " gulat na sabi ni marge.
Palibhasay stay out ang dalawa at magkasama sa boarding house kaya walang inaalalang oras. Pero iba sya kasi may curfew sya at kailangan 8 pa lang ay nasa bahay na sya.
"ok sige tara uwi na tayo sabay sabay na tayo sa mtr". Sabi ni jen.
"sabihin mo na lang sa amo mo na bday ng friend mo." sabi naman ni ann.
Pagdating sa bahay ng amo nya.
"good evening maam sorry am late." inunahan na agad ni marge ang amo.
"its ok next time dont do this again." supladang sagot ng amo nya.
"yes maam sorry again." sagot ni marge.
Nakapasok na sya sa kwarto pag tapos nya mag ligpit alas onse na pala panu ba naman dumating sya alas diyes y medya na.
Pagtingin nya sa phone nya marami na palang miscall asawa nya saka message. At nagagalit na ito kasi du nya nareplyan man lang kahit na isa sobrang libang nya kasama ang dating kaibigan at bagong kaibigan.
"naku patay! " bulalas na lang nya sa sarili.
"pa sorry ngayon lang ako nakapagreply naiwan ko kasi phone ko eh". Pag sisinungaling ni marge.
Di na nagreply baka tulog na yun naisip nya. Kaya naman natulog na lang din sya.
"morning ma,ganun ba kala ko kasi nu nangyare sayo bakit di ka na nagparamdam eh. Ok sige ok lang yan basta sa sunod wag mo na kalimutan phone mo huh nag aalala ako sayo eh baka kung napanu ka na." reply ni nathan sa asawa.
"salamat pa. Musta na mga bata? " reply ni marge.
"ayos lang naman ma akala nga nila kanina makakavideocall tayo kasi off mo naiwan mo naman pala phone mo kaya tuloy nagtampo na sila". Sagot ni nathan.
"sorry ulit pa huh ok sige na work na muna ako para matapos na ako". Putol ni marge sa usapan.
"ok ma i love you ah mis you! " reply ni nathan.
"i love you more pa and miss na miss ko na kayo". Si marge.
Linis, luto,hugas plato,laba, plantsa.
Buong araw na trabaho ni marge.Lumipas ang ilang buwan.. Lage na nyang kasama sina jen at ann at nadagdagan pa sila ng isa si ashley na jowang tomboy ni ann.
Kasakasama na rin sa inuman. At pasyal kung saan saan.
"pa anu gawa mo? " message ni ann sa asawa.
Kasi nitong mga nakakaraan eh bihira na sila mag usap ng asawa na kesyo lowbat an phone. May trabaho na rin kasi ito ngayon kaya naintindihan naman nya.
Ang kaso eh parang nabawasan ang oras nito sa kanya.Kung sabagay may work nga kasi.
Kaya hinayaan na lang nya kahit napapadalas ang paalam nitong mag iinuman kasama mga kasamahan sa trabaho.To be continue sorry late update medyo busy lang po ang kunyang..
BINABASA MO ANG
Seaman's mistress
Romance"walang babaeng ginustong maging pangalawa, Walang babaeng ginustong maging reserba, Walang babaeng gustong may kahati sya, Walang babaeng gustong tawagin na kabet."