part 9

5.1K 44 3
                                    

Saturday night tapos na sya sa lahat ng gawain nya nakahiga na sya silip sa phone bago sya matulog.

"Hi cinderella,musta araw mo nakaduty ako ngayon eh kita tayo bukas pwede off mo naman di ba?" Message ni art lage itong nag iiwan ng message sa kanya nitong mga nakakaraang araw kahit di naman sya iyon masyadong nirereplyan eh matiyaga talaga ang lalake sa panunuyo sa kanya.

"Ayoko may lakad kami nila jen bukas." Reply ni marge.

"Ok lang sama nyo na lang ako."  Pagpipilit talaga ni art.

"Hay naku bahala ka nga." Naawa na rin si marge kay art kasi mukha naman talagang mabait ito kaya hinayaan na nga lang nyang sumama sa kanila.

Na ikinatuwa naman ni art dahil sa wakas na papayag rin nya si marge na samahan nya kasama mga kaibigan.

"Thank you crush, kita tayo bukas matulog ka na alam ko pagod ka." Reply ni art.

"Ok sige." Yun lang reply ni marge.

"Goodnight crush sweet dreams mhuwahh 😘😘😘." Paalam na rin ni art at may smiley pa.

Hindi na iyon nireplyan pa ni marge at natulog na sya sa sobrang pagod.

Naglalakad lakad sila sa ifc sa rooftop sila tumambay may dala kasi silang pagkain kaya nagsalo salo na lang sila sa isang lamesa dun na matatanaw mo ang dagat sa central pati na ang malaking ferris wheel.

"Be papunta na daw si art dito tinatanong ako san tayo banda?" Si jen chinat sya ni art nagtatanong kung san sila nakapwesto parating na kasi sa pier 10 yung bangkang sinakyan nito.

"Dito kami sa rooftop ng ifc kumakain tara bilisan nyo na." Reply ni jen ky art.

"Ok sige andito na kami sa tulay naglalakad may mga dala rin kaming pagkain." Reply ni art.

Nagkita kita na sila inayos na nila ann at jen ang mga dala ring pagkain nila art kasama rin ni art yung dalawa nyang kaibigan sa barko si jayson at mark sila rin yung kasama nya sa bar nung nakita nya sila marge.

Natapos na silang kumain nagbaon pa ang mga ito ng scotch galing sa barko para makatipid sila sa pagbili sa labas. May party pala sila kagabi kaya medyo marami rami yung pagkain na dala nila si art ay second mate sa barko, si mark naman ay oiler at si jayson ang cook nila parating din si kap na kasabay naman nila sa bangka ang kaso lang eh pinuntahan pa ang girlfriend kaya mahuhuli daw ng dating ito.

"Tara inumin natin tong isang scotch." Aya ni art sa mga to.

"Sige sige asan na buksan nyo na." Excited na sagot ni ann palibhasay excited na uminom ng imported na alak kasi nga hindi naman sila nakakainom ng ganung klase mg alak sa ale ale kung hindi redhorse eh empi lang ang tinitira nila.

"Hhooo grabe humahagod ang init ah ganito pala lasa nito pero ang sarap inumin hah!" Sabi ni jen pagtapos tunggain ang isang tagay.
Nakaisang tagay pa lang sya pero pakiramdam nya eh nag init na agad ang tenga nya palibhasay hindi sanay sa imported na alak.

"Ha ha ha nasayaran din ng imported lalamunan mo be malamang maya pag tinamaan ka makapag englis ka din nyan."  Pang aasar ni ann kay jen.

"Sus kala mo sya hindi din first time makatikim nito ha ha ha." Ganting asar ni jen kay ann.

"Tumigil na nga kayong dalawa kakahiya sa kanila baka isipin ng mga to shotay tomi tayo sa alak." Si marge na pinapatigil na ang dalawa sa asaran kasi nahihiya rin sya sa mga seaman na kasama nila.

"Ha ha ok lang yan marge,sige sa susunod mag dadala ulit kami ng mga imported na alak pero sa sunod mag ambag na kayo huh." Biro ni mark.

"Ha ha ha grabe sya oh pagbayarin daw ba kami?kulang pa sahod namin pag lage kayo magdala ganyan patay tayo jan." Sagot ni ann.

"Ha ha ha biro lang." Bawi ni mark.

Nagtatawanan na sila samantalang si art tahimik lang na pinagmamasdan si marge at si marge naman ay nakakahalata na kaya di rin masyadong kumikibo.

"Hoy magsalita naman kayong dalawa jan." Gulat ni jayson kay marge at art kasi si marge nakatingin sa dagat samantalang si art nakatitig kay marge.

Hangang hanga talaga si art kay marge pakiramdam nya lalo nyang nagugustuhan ito kasi nga naman napakasimple ng ganda napakatahimik misteryosa na makikita sa mga mata ang lungkot ang pagod sa lahat ng problemang dinadala marahil.
Naikwento na rin kasi ni jen sa kanya kung anu nangyare sa buhay ni marge nung nalasing kasi ito nung huling inom nila tinanong nya ito tungkol kay marge para makilala nya ng lubos ang babaeng hinahangaan.
At mas lalo yata syang humahanga dito sa lakas ng loob para harapin lahat ng problema sa buhay.

Sayang naman ang ganitong klase ng babae bakit niloloko lang naisip ni art.
Sayang din kasi may asawa na rin sya bawi nya sa mga iniisip nya tungkol dito.

Tutuloy

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon