part 13

5.2K 57 10
                                    

Hi sorry tagal ko nakapag update...

Nahulog na ng tuluyan si marge kay art ganun din naman si art kay marge.

Pag off lage sila magkasama sa barko.

"Art may sasabihin ako sayo."
Bulong ni marge kay art habang nakahiga sila parehas sa cabina ni art off kasi nya katatapos lang nila ng alam nyo na.

"Anu yun hon?" Tanong ni art.

"One month na akong delayed." Panimula ni marge.

"Pakiramdam ko lage akong inaantok saka medyo nahihilo gusto ko nga sana mag P.T kaso kinakabahan ako panu kung buntis nga ako?" Patuloy ni marge kay art.

"Huh buntis ka?"gulat na tanong ni art.

Hindi nya alam panu gagawin,din kasi hindi pa nya naamin dito na may asawa sya sa pinas.

Panu nya ito sasabihin kay marge nalito talaga si art halos di na nya maisip ang isasagot kay marge baka magalit ito sa kanya.

"Hindi ko pa nga alam bumili ako ng P.T dito try ko ngayon para malaman nating dalawa ngayon na." Sagot ni marge.

"Ok sige mabuti pa nga ng malaman na natin ngayon na." Tugon ni art.

Agad naman ng pumasok si marge sa c.r at tinignan nlnga ang resulta.

POSITIVE....

Kinabahan si marge ng sobra hindi nya alam anu gagawin nya kasi di pa sya handa.
Hindi nya rin alam kung handa ba si art na panagutan ang bata.

"Art..? Mahinang tawag ni marge sa nobyo.

"Anu???anung resulta???..." kabadong tanong rin ni art.

Agad naman na inabot ni marge ang Pregnancy test kay art.

"Ok lang yan anjan na yan eh,wala na tayo magagawa ituloy mo na yan." Wika ni art na niyakap pa amg nobya.

Alam naman kasi nito na malamang ay nag aalala rin si marge sa sitwasyon nila ngayon.

"Pananagutan mo ako?" Tanong ni marge.

Na tila bata na tinatansya kung sincere ba talaga ang seaman na nobyong panagutan sya.

"Uu pero may aaminin ako sayo,wag ka sana magalit marge..?" Nag aalangang sabi ni art.

"Anu yun?..." kinakabahang tanong ni marge.

Ngayon lang kasi nya nakitang seryoso ang nobyo.

"Hhhmmm... marge may asawa ako sa pinas at isang anak tanggap mo ba ako kahit anjan sila? Pananagutan naman kita eh hindi kita iiwan ikaw at ang magiging anak natin? Paliwanag ni art.

Hindi makapag salita si marge hindi nya alam anu isasagot nya sa nobyo kasi hindi naman nito sinabing magiging kabet pala sya.

Eh galit na galit pa naman sya sa mga babaeng pumapatol sa may asawa na,dahil nga nasira ang pamilya nya ng dahil sa mga babaeng kumakabet kahit na alam naman na may pamilya na.
Ayaw naman nyang masira rin ang pamilya ni art gaya ng nangyare sa kanya kasi alam naman nya ang pakiramdam ng mawasak ang pamilya.
Ayaw nya ring makasakit ng ibang babae kasi alam nya kung ganu yun kasakit,sa asawa at sa anak pero panu naman sya at ang bata kung hindi nya tatanggapin ang sitwasyon nya kasama si art?
Naguguluhan si marge papayag ba sya sa gusto ng lalake o hindi.

"Bakit di mo sinabi agad?" Galit na tanong ni marge.

"Hindi ko sinasadya marge nang makita kita gusto klna kita hindi ko mapigilan ang sarili ko please wag ka,na magalit pananagutan naman kita eh."paliwanag ni art.

Hawak ni art ang kamay ni marge na naiyak na dahil sa sitwasyon nya.

"Sana sinabi mo eh para di na kita sinagot para di ko na hinayaang mahulog ako sayo,panu naman na ako ngayon alam mo naman ako na lang inaasahan samin tapos uuwi ako ng pinas na walang trabaho tapos buntis pa anu kakainin namin?" Alalang tanong ni marge sa nobyo.

"Akong bahala sayo magtayo ka ng maliit na,negosyo sa pinas sasamahan kita pupunta punta ako sayo pag bakasyon ko pag wala ako sa barko basta ako ng bahala magtiwala ka!!..."paliwanag ni art sa nobya.

"Ganun na lang ba yun?panu sila ayoko makagulo ayoko masira pamilya mo gaya ng nangyare sakin?" Sagot ni marge.

"Wala naman makakaalam eh nasa cebu naman sila. Uupa ko kayo ng pamilya mo ng apartment sa bulacan para dun na kayo tumira mag negosyo ka dun maliit na grocery para kahit papanu may income ka. Pupunta punta ako sayo hindi kita pababayaan mahal na kita marge kaya kitang panagutan kaso may kahati nga lang." Kumbinsi ni art kay marge.

Wala naman ng magawa si marge sa sitwasyon nya ngayon tatanggi pa ba sya?
Makakain ba ang pride mabubuhay ba sila ng prinsipyo nya? No choice na sya kundi ang pumayag na lang sa gusto ng nobyo kesa naman buhayin nya mag isa ang bata panu naman magulang nya at dalawang anak nya anu naman kakainin,nila saka pang aaral.

"Wala naman na akong magagawa eh andito na to sige tatanggapin ko na lang kung anu plano mo basta wag mo kami pababayaan ng bata?" Sagot ni marge.

"Pangako aalagaan ko kayo di kita iiwan.." sagot ni art sabay halik sa labi ni marge.

Nagkasundo na nga silang ituloy na ang pagbubuntis ni marge.

Usapan nilang sabay na uuwi pagtapos ng kontrata ni art sa barko pagtapos ng destino nito sa hongkong.

Mga ilang buwan na lang din naman na at matatapos na rin,si art si marge naman pagsapit nun pede pa rin namang sumakay sa eroplano.

Kaya inantay na lang nila ang tapos....

At ayun na nga natapos na ang kontrata ni art sa hongkong.
Sabay silang lumipad pabalik ng pinas hindi naman sinundo si art ng asawa nya sa naia kasi sa cebu ito nag susundo..
At alam din naman ng asawa ni art na nag iistay pa ito sa manila bago umuwi ng cebu kasi may inaayos din ito sa agency bago bumalik sa probinsya.

Agad na umupa ng bahay sina art at marge sa bulacan.

"Ito na magiging bahay natin dito bibili na lang tayo mga gamit para pag naayos na natin lahat kunin na natin ang mga bata pati sila mama at papa." Sabi ni art kay marge.

Mama at papa na talaga ang tawag ni art sa mga magulang ni marge.

"Salamat art at tinanggap mo pati pamilya ko." Sagot naman ni marge.

Perfect family na sana kaso may pamilya na si art na nauna.

Itutuloy sorry late update po...

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon