part 4

8K 58 1
                                    

"Tanga ka talaga noh?,nilokoko ka na nga naniniwala ka pa rin jan sa asawa mo." Si jen na sinisermonan ang kaibigan na si marge kasi ang bilis naniwala sa asawa.

"Be hindi ako tanga asawa ko yun may tiwala ako dun. Saka iba si nathan hindi sya katulad ng ibang lalake iba ang asawa ko ok.!!" Pagtatanggol ni marge sa asawa.

"Hay naku bahala ka nga sa buhay mo lahat ng lalake pare pareho lang yan manloloko,lalo na pag wala ka sa tabi nila." Bitter ba si jen bakit ganito sagot nya kay marge palibahasay naloko ng minsan kaya tingin nya sa mga lalake eh pare pareho na lang.

"Naku be bitter ka lang wag ka na mag ulam ng ampalaya sa sunod aaahh nagiging ugali mo eh". pang aasar naman ni marge sa kaibigan pero alam naman nyang concern lang ito sa kanya kaya ganun na lang ito kung magsalita.

Day off nila ng araw na yun wala silang pera parehas kaya tumambay na lang sila sa rooftop sa ifc. Ikot ikot lang tapos kain kasi may baon silang pagkain ng araw na yun.

Umuwi sya ng maaga para sana makapag pahinga ang kaso mo ang mga amo nya may bisita pala,nalintikan na imbes na pahinga nautusan pa tuloy sya ligpit ng pinag kainan hugas plato,anung oras na rin sya natapos kaya pag pasok nya ng kwarto eh nakasimangot na sya ba naman day off nya nga naman kaya nga sya umuwi ng maaga para makapag pahinga wala rin pala.

"Bwisit bwisit bwisit sana di na lang muna ako umuwi agad eh" asar na nasabi na lang ni marge sa sarili.

Sinilip nya ang kanyang phone at chinat amg asawa.
May message request na naman sya binlock na kasi nya yung babaeng nag message sa kanya kaya nag tataka naman sya sinu na naman tong nag message request.

Wala na naman mukha at babae na naman.

Ng buksan nya eto bumungad sa kanya.

"Tanga ka talaga kawawa ka naman talaga noh ayaw mo maniwala na niloloko ka ng asawa mo eto proof". Chat ng babae na yun pa rin ang pangalan iba na nga lang profile pics.

At sinend nga sa kanya ng babae ang mga pics halos mahimatay sya ng makitang asawa nga nya ang nasa larawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At sinend nga sa kanya ng babae ang mga pics halos mahimatay sya ng makitang asawa nga nya ang nasa larawan.

Wala na sya ibang masabi nabitawan na nga nya ang phone sa sobrang sikip ng dibdib nya,halos di na sya makahinga. Di nya malaman anu sasabihin oh anung gagawin umiyak na lang sya ng umiyak kasi hindi nya alam panu nya haharapin pa ito ang layo layo nya sa pamilya nya.

Hindi nya alam kanino sya hihingi ng tulong hindi nya alam panu kakausapin at kokomprontahin amg asawa sa ginawa nito hindi nya alam anu sasabihin wala syang ibang naisip kundi BAKIT panu nagawa ito sa kanya ng asawa.

Sinusubukan nyang kontakin ang asawa nya pero cannot be reach ito.

"Ha ha ha anu naniniwala ka na ba na tanga ka di ba kawawa ka naman talaga ha ha ha". Message na naman ng babae.

"Anu bang kasalanan ko sayo anu bang problema mo bakit mo kami ginugulo bakit mo sinisira ang pamilya ko?" Yun na lang nasabi ni marge sa babaeng napaka misteryosa hindi nya alam kung sinu ito at bakit ba ito nang gugulo.

Tinawagan ulit ni marge ang asawa sa wakas nag ring na.
At agad naman itong nasagot ng nasa kabilang linya malamang nabasa na rin nito yung mga message nya saka nakita na rin yung pics na sinend nya kay nathan na sinend ng babaeng gumugulo sa kanila.

"Sinu yan? Sinu yang babaeng yan? Bakit? Bakit mo to nagawa sakin bakit? Nag sakripisyo ako para sa pamilya natin umalis ako kahit mahirap tiniis ko para sa mga anak natin bakit? San ba ako nagkulang sayo bakit? Iyak ng iyak si marge habang kausap ang asawa sa kabilang linya.

"Ma,patawarin mo ko wala yan isang gabi lang yan tinigilan ko na yan lalake ako may pangangailangan,kaya ko nagawa yan sya lumapit sakin,wala ako magawa natukso ako. Patawarin mo ko ma please? Iniwasan ko na yang babae na yan kaya siya nang gugulo ngayon. Sabi ko mahal ko,asawa ko at di ko sya kayang iwan para sayo kaya siguro nagalit yan." Paliwanag ni nathan sa asawa.

"Sabi ko sa mga kaibigan ko iba ka kasi sabi mo,kaya mong mag tiis gamit ang palad mo bakit ngayon sasabihin mo sakin natukso ka may pangangailangan ka kala ko ba kaya yan ng kamay mo?" Si marge na wala pa ring tigil sa pag iyak.

"Ma, uu nga sinabi ko yun naging mahina ako kaya nga humihingi na ako sayo ng tawad eh di ba alam ko pagkakamali ko please ma magbabago na ako aayusin natin to iiwan ko na yang babaeng yan." Makaawa pa rin ni nathan asawa alam nyang nasaktan nya ng sobra ang asawa kaya panay hingi na lang sya ng tawad.

Naging mahina si nathan sa tukso siguro nga kasi malayo si marge di ba?

"Hindi ko alam basta sa ngayon hindi pa alam kung panu ka patatawarin. Yaan mo muna ako mag isip".
Tanging nasabi ni marge.

"Ma, ayoko ng ganyan ka umuwi ka na lang sige na please para di na tayo umabot sa ganyan umuwi ka na lang aayusin natin to ma patawarin ko". Pakiusap ni nathan kay marge.

Hindi na nireplayan ni marge ang asawa bagkus ay humiga na lang ito at nag iiyak sa kanyang kama.

Hindi naman sya makatulog mugtong mugto na ang kanyang mga mata kakaiyak.

Kinaumagahan maaga pa rin sya nagising kahit na alas 3 na sya natulog,namamaga ang mga mata di rin sya makakain,kasi wala syang gana sobrang bigat ng pakiramdam nya na para bang ayaw na nyang kumilos parang halos hatakin,na lang nya ang sarili para gumawa ng trabaho.

"What happen to you? Why your eyes like that? Did you cry?" Tanong sa kanya ng among babae kasi halatang halata naman talaga sa kanyang mata ang sobrang pag iyak.

"Nothing maam" maikling sagot nya nothing pero di rin nya napigilan pumatak din amg luha nya at humagulhol na talaga sya,na pinag alala naman ng amo nya.

"What's wrong?do you have any problem? Money? What what happen to you?" Alala na ang kanyang amo.

"My husband cheated on me". Yun lang nasabi nya sabay iyak na naman.

"Aaahh its the same old story many of you helpers come here and work have the same story nothing's new. I just dont understand why all of you working hard here and then always end up like this! I think men from your country is all ass hole wife working hard and what are they doing they just enjoying and the cheating aaahh stupid." Nasabi na lang ng amo nya sa kanya kasi yun naman talaga madalas problema ng mga ofw eh.

Yung mga asawang iniwan nagloko sa pinas,kaya di rin natin masisisi kung bakit kalimitan sa mga nagtatrabaho abroad eh broken family.

Ang hindi ko rin naman maintindihan eh bakit may mga babaeng kumabit na nga tapos sila pa may ganang manira at mang away sa legal na asawa ng kinabit nila sila yung mga babaeng hindi marunong lumugar.

Ayan napahugot akong bigla realtalk lang naman mga readers bato bato sa langit ang tamaan eh wag na umimik para di naman obvious.

"I thought my husband ia different and i promise to myself we will not gonna end up like this,but you really cant,control what gonna happen its really not your hand its destiny". Sagot ni marge sa among babae na kitang kita rin naman sa mga mata nito ang awa sa kanya.

"Ok,la forget about him first focus your work focus on your self and earn more and prove to him you can live without him." Payo sa kanya ng amo nya.
Mabait rin naman pala ito prangka lang din talaga mag salita.

To be continue...

Seaman's mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon