Chapter 10
Props
***
"I love you, Enrique." ang narinig kong linya ni Mariz kay Joshua.
Nagpra practice sila ngayon ng play para sa foundation week. Next week na kasi iyon kaya ngayon talagang pinaghahandaan namin.
Kitang kita sa mga mukha nila na parang seryosong seryoso sila. Para nga akong nanunuod ng drama eh. Talagang punong puno ng damdamin. Napakagaling! Nakakainlove!
"Cut cut cuuuuuuut!!"
Lahat kami'y napalingon kay Megan na nagsisisigaw sa unahan. Ano naman kayang problema niya? Maayos naman ang akto nila ah? Kuhang kuha nila ang tamang facial expression, tamang linya, at tamang aksyon.
"What the hell are you looking at, Bianca??" sarkastikong tanong niya sakin. So, nagcut siya dahil sa akin? Ang laki din talaga ng galit nito sakin eh no? Nanunuod lang ako tapos kung makapagsalita siya parang ginugulo ko ang play! "Bakit nakatunganga ka lang diyan? Di ba naka assign ka sa props? Doon ka. Do your job! Tss."
Pinulot ko yung hawak hawak kong box kanina at nagmartsa na papunta sa gilid ng stage. Nakakainis talaga siya. Bakit ba ako pa ang napili niya sa mga props? Eh sa drama club nga ako. Dapat parte ako ng play. Bwiset!
"Psst!"
Kung alam ko lang, galit pa rin siya sakin. Aysus! Simula't sapul naman ay galit siya sakin. Binubuhos lang niya ngayon. Ako na nga ang naghanap ng mga costumes ng mga aarte, ako pa bumili ng gamit para sa props at ngayon ay ako pa rin ang gumagawa ng mga ito. Err!
"Hoy, Bianca!" at kinalabit na nga ako ng pagkalakas lakas, kulang na lang ay susubsob na ko dito sa sahig.
"Bakit??!" ang pasigaw kong tanong habang lumilingon sa istorbong taong ito.
"Kanina pa kita tinatawag!! Tae nito!" dagdag pa ni Jasmine. Ano naman kayang problema nito? Basta basta na lang sumusulpot.
"Ano bang problema mo? Wag ka ngang magulo!"
"Lika dito! May sasabihin ako!" ni hindi na niya inintay ang sagot ko at nagdirediretso na lang sa paglalakad. Sumunod naman ako. Nakalabas na kami ng gym, naglalakad pa rin siya.
"Ano bang kailangan mo? Hindi mo ba napansin na hindi na ko magkandaugaga sa paggagawa ng props namin? Ikaw? Wala ba kayong booth? O sadyang hindi ka lang talaga tumutulong?"
"Meron kami. Kaso may importante lang akong sasabihin sayo." Napansin kong namula ang mga pisngi niya at hindi na siya makatingin sakin. "Ano kasi.." aniya na parang nahihiya.
"Ano?"
"Tulungan mo ko-"
"Ay naku! Sorry di kita matutulungan dahil busy ako. Di mo ba nakitang ang dami pang hindi natatapos na props? Ako nga ata dapat ang tinutulungan mo eh."
"Nakakainis ka naman eh!!" sabi pa ni Jasmine. Ginulo pa niya ang buhok niya. Aba't siya pa ang nagalit. "Makinig ka nga muna kasi! Kasi.. Di ba gusto mo si Mark? Pero ako ang fiance niya? Di ko siya gusto kaya ipapaubaya ko na siya sayo."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kala ko ba dati gusto niya si Mark? Bakit ngayon ipinamimigay na lang niya? Pabago bago ng isip? Ganun lang kadali? Mukhang may mali ata ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/5805022-288-k442032.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...