Chapter 23
My Lucky Guy
***
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nakita kong singsing. It's either engaged siya o maeengage siya. Sabi ni Melo, hindi naman daw totoong engaged si Mark so meaning maeengage siya. Magproprose siya? Sa akin ba? Well, ayokong magfeeling.
Wala pa rin akong imik hanggang sa tanungin ako ni Keller.
"Friend, saan ka namin ibaba? Sa dorm mo ba?"
"Doon na lang kami sa Trinoma, andun yung car ko. Ako na lang ang maghatid sa kanya." Presenta ni Mark.
Napatingin ako sa kanya at kanina pa pala siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na rin nagawang magreklamo. Hinatid kami nina Phil sa Trinoma at dumiretso sa sasakyan niya. Hindi ko pa rin siya kinausap. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
"Saan ba ang dorm mo? Sa Camaro ba?" Tanong niya. Paano siya nagkaroon ng ideya na sa Camaro ako nagdodorm? Tumango na lang ako at pumasok na sa sasakyan niya. Natrapik kami dahil rush hour nga pala ngayon. Tuwing tumitigil ang daloy ng mga sasakyan, napapansin kong lumilingon lingon siya sakin pero hindi ko binaling ang tingin ko sa kanya.
"Bakit ang tahimik mo? Galit ka pa rin ba?" Nawala na sa isip ko ang galit. Puro katanungan na lang ang naiwan dito. Oo, nasagot na yung about sa Australia. Kahit mahirap intindihin, sige payag na ko. Pero yung about sa singsing. Hindi ko alam kung itatanong ko pa. "Uy, kausapin mo naman ako." Aniya.
Nilingon ko siya at nakatitig pa rin siya sakin. Buti na lang talaga trapik kundi baka nabunggo na kami dahil sa pagkatitig niya sakin.
"Wala naman akong sasabihin." Sabi ko.
"Kahit ano.." Pamimilit niya. Okay, fine. Tingnan natin ang magiging reaction mo. Siguradong ikaw naman ang magagalit. Ikaw naman ang hindi makakaimik.
"Kanina. Nung nasa gasulinahan tayo. Pinakialaman ko ang bag mo at may nakita akong singsing. Para saan yun? Para sa akin ba? O may ibang babae." Dirediretso kong sabi. Nagiging Masama na ba ang ugali ko? Pakialamera tapos ang pangit pa ng pagkakasabi ko.
Hindi siya sumagot. Nilingon ko siya at nakasimangot na siya. Naguilty ako bigla. Naramdaman ko ang konting tensyon sa pagitan namin. Natakot ako.
"Sorry! Hindi ko naman intensyong makialam. Nacurious kasi ako. Kung magagalit ka, sige, magalit ka. Kasalanan ko naman eh."
"Hindi okay lang." Malamig niyang sabi. Tumingin pa siya sa bintana at parang ang lalim ng isiisip. Siya naman ang naging tahimik. Nanlamig ang kamay ko. Feeling ko ako ang dahilan kung bakit siya natahimik. Oo, ako talaga ang dahilan. Feeling ko sobrang sama ng ginawa ko. Oo, masama talaga ang ginawa ko.
"Sorry." yun na lang ang nasabi ko. Wala na akong ibang kayang sabihin. Nanlumo ako. Hindi naman ako tinuruan ni nanay na makialam ng gamit ng iba ah. Bakit nagkaganito ako?
"Don't say that."
Gusto ko ng maiyak sa malamig niyang pagtrato sakin. Hindi ko inexpect na magiging ganito siya. Dapat pala hindi ko na lang sinabi. Dapat hindi ko na lang pinakialaman ang gamit niya.
Itinuro ko sa kanya ang direksyon ng dorm namin. Nang makarating kami sa tapat, akala ko aalis na rin siya pero nagpark pa siya sa harap ng building. Gusto ko sanang magtanong kung papasok pa siya pero nahihiya ako.
Bumaba ako at bumaba rin siya. Sinubukan kong tingnan siya at naabutan kong nakatitig siya sakin habang hawak hawak ang kanyang baba. Parang ang lalim lalim ng iniisip niya.
"Para sayo yun." sabi niya. Medyo nablangko ang isip ko. "Magpropropose dapat ako sayo.." pagtatapat niya. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sakin. Sa akin daw siya magpropropose. "Pero damn! Nakita mo ang singsing. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit hindi ko naisip na pwede mong galawin ang gamit ko. Di ako nagiisip. Dapat hindi ko na iniwan sa kotse yung bag."
"Sorry talaga. Hindi ko-"
"Stop saying sorry. Can you?"
Hindi ako umimik. Wala akong gustong sabihin kundi ang sorry.
"Bukas susunduin kita." sabi niya. Napatigil ang pagiisip ko. Para saan at susunduin niya ako? Magdadate ba kami at saka siya magpropropose? Mas bumilis ang kabog sa dibdib ko dahil sa mga iniisip ko.
Pero nagkamali ako. Inabot niya sakin ang singsing.
"Sayo na yan." aniya. Kung magpropropose siya sakin, bakit niya ibinibigay ang singsing sakin?
"Para saan ito?" tanong ko.
"Three years ago, gusto kong ibigay yan sayo bago ako umalis papuntang Australia. Pero hindi ko nagawa dahil hindi kita nakita. Hindi ka nagpunta sa airport. Napaisip ako kung bakit. Dahil ba ayaw mo na sakin?" Napansin kong pinilit niyang ngumiti. Natuyo ang lalamunan ko kaya hindi ako nakasagot. "I'm sorry. How rude of me. Bakit hindi ko agad naisip itanong." Napatawa pa siya.
"May boyfriend ka na ba? I'm sure, meron."
Lumunok muna ako bago ako nagsalita. Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang hindi ko na kaya. "Oo, Mark, meron na nga at matagal na kami."
Napansin kong nanliit ang mata niya. Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Pansin ko ang pait sa mukha niya pero pinilit niya pa ring ngumiti.
"Who's the lucky guy? Si Josiah ba?" Nagulat ako sa pangalang nabanggit niya. Paano niya nakilala si Josiah? Eh mukhang kakabalik pa lang niya dito.
"I'm sorry, Mark, but it's you. You are my lucky guy. You are my boyfriend."
------------------------------------------------
Sorry sa super late at super short update na ito. Hope you guys enjoy. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/5805022-288-k442032.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Roman pour Adolescents[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...