Chapter 1 // Magazine

6.4K 205 40
                                    

Hello! Sa wakas, nakapagupdate din ng chapter 1 ng book 2 ng IRWMKl. :D 

Dahil book 2 na ito, sana po ay magparamdam na po kayo! :)) Vote and comment po please. :> Thank you!

-------------------------------------------------------

  

Chapter 1

Magazine

***

Isang linggo na ang nakalipas simula noong makipagbreak ako kay Mark. Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok. Ano kayang nangyari sa kanya? Nasaktan kaya siya? O baka masaya siya dahil engage na siya at wala na siyang problema sakin dahil break na kami. 

"Psst."

Dahan dahan kong ibinaling ang aking ulo kay Jane dahil mukhang sa kanya nanggaling ang ingay. Ayoko kasing mapansin ni Sir na hindi ako nakikinig sa lecture niya. Baka mapagalitan na naman ako.

"Nakita ko na!" ang sabi niya habang abot tenga ang ngiti. Sa una, hindi ko na gets pero nung inilabas na  nya ang sandamakmak na mga magazines, now I know. "Nasa bahay nga!"

"Ah, sabi ko naman sayo eh." pabulong kong sabi habang nakatungo pa rin.

"Oo nga eh. Gusto mo makita?" tanong niya. Tumungo na lang ako.

"Ah sige pero mamaya na lang. Makinig na lang muna tayo sa klase, okay?" Nakangiti naman siyang tumango. Mukhang excited na excited na nga siyang ipakita sakin. Humarap ako sa unahan at nakita ang matanglawin ni Sir na matalim na nakatingin samin ni Jane.

"Ehem. Bianca at Janessa, araw araw na lang ba kayong magkwekwentuhan sa klase ko?" ang tanong ni Sir De Castro. Napalunok na lang ako dahil mukhang masesermonan na naman. Akala ko sermon lang pero mukhang mapapalabas pa ata. "Baka gusto niyong ipagpatuloy yan sa labas? Maganda dun, di kayo madidistract ng lesson ko. Nahiya naman ako sa inyo!" At nanlaki pa ang mata niya. Narinig ko naman ang mga nagpipigil na tawa ng aking mga kaklase.

"Sir, wag na lang po. Titigil na kami. Handa na kaming makinig sa lesson niyo. Sorry-" ang sagot ko pero pinutol niya.

"Kayong dalawa, out!"

Wala na kong nagawa kaya tumayo na lang ako at naglakad palabas. Nakakainis talaga si sir kahit kailan. Lagi na lang kami ang nakikita. Halos lahat na nga ng mga kaklase ko ay hindi nakikinig at nagdadaldalan na lang pero kami pa itong nakita. Halos halikan ko na nga ang desk ko kakatungo para hindi niya kami mapansin pero ganito pa rin? Siguro ang laki talaga ng galit niya samin. Last subject na last subject na nga lang napalabas pa.

Nauna na ako lumabas ng pinto dahil mukhang may kinuha pa si Jane sa bag niya. Ilang saglit ay lumabas na rin siya na may daladalang magazines. Siguro ito yung mga collection niya. 

"Tara, library." ang aya niya. Hindi na ako nakapagreklamo dahil naglakad na agad siya. Sumunod ako ng walang imik. Naiinis kasi talaga ako kay Sir. Araw araw na lang kasi akong napapagsabihan.

Pagkadating namin sa library, konti lang ang tao dahil hindi naman break. Yung iba ay nandito para sa research nila. Yung iba naman ay mga college na at siguro ay nagpapalipas lang ng oras. Humanap na agad kami ng bakanteng table sa may sulok. Buti may isang table na malayo sa lahat. 

Pagkaupong pagkaupo namin ay binuklat agad ni Jane ang kanyang mga magazines. Masayang masaya siya, samantalang ako ay simangot na simangot. 

"Eto eto eto. Tingnan mo to. Dali." ang excited na excited niyang sabi habang isa isang inaabot sakin ang mga magazine. Nakabuklat ang huling magazine at may itinuturo siyang picture. Dahan dahan ko namang tiningnan iyon. Teka, si Mark ito ah. Medyo mataba pa ang kanyang mga pisngi dito at mukhang batang bata pa talaga. Siguro ito ay nung elementary pa siya nito. Ang cute!

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon