Chapter 18
Melo
***
"Itaboy mo si Mark, Bianca. Itaboy mo siya. Para din naman sa ikabubuti niyong dalawa."
"Ano bang sinasabi mo, Melo? Nagkamali ako ng itinaboy ko si Mark at hinding hindi ko na ulit gagawin yun."
Siguro nga itinaboy ko siya noon pero nagkamali ako at nagsisisi na. Kahit kailan ay hindi ko ginusto iyon. Nagpadalos dalos ako at hindi nagisip ng ayos. Masakit ang mga nangyari sa amin at kung maayos na ito ngayon. Gagawin ko ang lahat. Di na ko makakapayag na may humadlang pa.
"Dito na lang ako. Magjejeep na lang ako." masungit kong sabi sa kanya dahil naiinis ako sa sinabi niya.
"Wait, Bianca, hindi mo naiintidihan."
"Melo, akala ko, isa ka sa mga taong tutulong samin ni Mark para manatili ang matibay naming relasyon. Parang isa ka rin pala sa mga taong gustong sumira noon."
"Makinig ka muna. Hindi madali sakin na sabihin ito. Wala akong karapatang pero mukhang kailangan mo ng malaman ang lahat."
"Ang alin ba, Melo? Pwede bang diretsohin mo na ko!" naiirita kong sabi sa kanya.
"Fiancé, di ba? Akala mo may fiancé si Mark. Wala siya noon. Marahil meron ngang kaibigan ang mommy niya na may anak na babae pero gusto lang iyon ipakilala kay Mark. Akala ng mommy niya. Bagay sila, noon. Pero nung nagkakilala na sila nung bakasyon. Napansin ng mommy niya na mas bagay kayo ni Mark. Oo, alam niyang kayo ni Mark at hindi siya tumututol doon."
"Ano ba talagang gusto mong sabihin? Anong gusto mong iparating, Melo? Kung ganun naman palam Bakit gusto mong itaboy ko siya?"
"Mahal na mahal ka niya, Bianca. Hindi niya kayang mawala ka sa kanya. Parang buong buhay niya ay ilalaan na niya para sayo. Gusto ka niyang makasama araw ara-"
"Oh? Kung ganun, bakit hindi mo na lang kami paglapitin. Tulungan mo ko, Melo. Tulungan mo kong ayusin ang gusot na nagawa ko. Tulungan mo kong magkabalikan kam-"
"Hindi ko gagawin yun."
Nanliit ang mata ko sa lamig ng mga salita niya. Akala ko ba siya ang tinuturing na best friend ni Mark? Bakit ganito ang ginagawa niya? Gusto ko ng maiyak dahil hindi ko talaga siya maintidihan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Sorry, Bianca pero si Mark ang gusto kong tulungan."
"Di ba pareho lang iyon, Melo. Kung tutulungan mo si Mark, parang tinulungan mo na rin ako."
"Makaibang bagay iyon, Bianca. Kung tutulungan kita, magkakabalikan kayo ni Mark. Kung si Mark ang tutulungan ko, kailangang sirain ko ang relasyon niyo."
Naguguluhan na ko. Paano yun nangyari? Bakit tinutulungan kapag si Mark ang tinulungan niya ay kailangan niyang sirain ang relasyon namin? Ibig bang sabihin, ayaw na sakin ni Mark. Ibig sabihin, mahal na niya yung babaeng kasama niya sa parking lot?
"Ayaw na ba sakin ni Mark?" mahina kong tanong habang nakatungo. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng diretso. Parang hindi ko na nga rin kayang pakinggan ang isasagot niya. "O baka naman galit ka lang sakin dahil sinaktan ko siya. Kaya pinaglalayo mo kami!"
BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Fiksi Remaja[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...