Chapter 9 // Kilig

3.2K 119 11
                                    

Chapter 9

Kilig

 

*** 

Papasok pa lang ako ng room namin, pinagtitinginan na ko ng mga kaklase ko. Siguro dahil sa nanyari kanina. Ikaw ba naman kasi ang akbayan ng kinikilala nilang gwapong gwapong model na si Jupiter. Ewan ko lang kung di ka nila patayin sa tingin.

Bago pa lang ako makarating sa upuan ko, hinarang na agad akong ni Jane. Hulu! Pati ba naman siya.

"Ikaw." ang tawag niya sakin na parang hindi na kami friends. "Sumama ka sakin." ang utos niya sabay alis kaya sumunod naman agad ako sa kanya. 

Nakarating kami sa girl's comfort room. Inintay niya kong makapasok bago niya isinara ang pinto. "Ah Jane, kung may sasabihin ka, pwede bang mamaya na lang? Kasi magtitime na rin." ang kabado kong sabi sa kanya. Bukod sa natatakot akong malate sa klase, natatakot na rin ako sa baka kung anong gawin ni Jane. Feeling ko sobrang galit siya sakin. Kasi, di ba, crush na crush niya si Mark.

"Wala akong sasabihin sayo. Ikaw ang may dapat sabihin sakin." Medyo lumapit siya sakin kaya napaurong naman ako. "Magtapat ka nga sakin. Ano bang meron?" Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Di ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko nga sure, kung dapat ko pang sabihin eh.

"Ah Jane, pwede bang mamaya na lang. Sasabihin ko naman sayo lahat eh. Promise! Kailangan na lang talaga kasi nating pumunta sa roo-" Bukod sa kinakabahan ako, feeling ko hindi ito ang right time at right place para sabihin ko lahat lahat.

"Ayoko! Gusto ko sabihin mo na sakin ngayon din! Lahat ng mga dapat kong malaman!" ang sigaw niya sakin na parang maiiyak na.

"Osige na." ang tangi kong nasabi. Wala na kong choice kundi sabihin sa kanya. Alam kong galit siya pero mas magagalit siya kung hindi ko pa sasabihin.

Dahan dahan kong inilapit ang aking bibig sa may tenga niya dahil ayokong may ibang makaalam. "Ganito kasi yun.. Ah.. Eh.. Nililigawan ako ni Mark.." Napansin kong nanlaki ang mga mata niya.

"What!! Nililigawan ka ni Jupiter?! Bakit di mo aga-khsfskjf" ang gulat na gulat niyang sigaw kaya tinakpan ko agad ang bibig niya. 

"Wag ka maingay, Jane. Binulong ko nga lang sayo tapos isisigaw mo."

"Ay sorry, Bhie. Naexcite lang ako. I'm very happy for you! Kailangang sagutin mo na agad siya. Let's go!" ang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Akala ko ba gusto mong malaman lahat?"

"Oh? Meron pa ba? Sige nga. Ano pa." ang tanong niya sabay lapit ng tenga sa bibig ko. 

"Promise ka muna na hindi ka na sisigaw." ang sabi ko. Tumango siya kaya ibinulong ko na sa kanya ang mga dapat kong sabihin. "Kasi.. Ako din si Avril.. Yung ex ni Mark.."

"O M G! Ikaw ang- kjsdfhkasjufaskuh" Bago pa lumala, tinakpan ko na agad ang bibig niya. Alam kong maeexcite siya kaya inihanda ko na ang kamay ko.

Nang medyo huminahon siya, saka ko lang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "Ikaw na best friend! Ikaw na talaga! Kinikilig ako. Tara na nga! Sagutin mo na si Jupiter. Hindi na ko makapaghintay."

"Ano ka ba Jane. Sasagutin agad? Eh wala pa ngang ginagawa."

"Yung kasing gwapo nun? Ano pa papagawain mo! Baliw! Sayang! Kaya tara na!" ang aya niya sakin habang binubuksan ang pinto.

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon